HINDI PA RIN nawawala ang inis na nararamdaman ni Cadence para kay Aga hanggang sa pauwi na sila sa bahay. Sa sasakyan nito siya sumakay habang si Von ay doon naman sumakay kay Kuya Manny. Wala siyang kibo habang nasa daan sila. Nasa labas ng bintana ang kaniyang atensyon at talagang ginawa niya ang lahat upang hindi siya lingunin si Aga. Magkakrus ang mga braso nya at kahit mangawit ang kaniyang leeg, hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa labas. Ramdam niya ang pagsulyap ni Aga sa kaniya. "Nagugutom ka ba?" tanong nito ngunit hindi man niya nilingon. Wala rin siyang tinugon dito. "Cadence, ano bang problema?" Nanatili pa rin siya sa ganoong pwesto at hinayaan lang ito. Lumingon lang siya sa harapan nang mapansin na ginilid nito ang sasakyan at pinatay ang makina. Saka pa lang siya

