MASAKIT ANG ulo at buong katawan ni Cadence nang magising siya. Madilim ang buong paligid at hinid pamilyar ang amoy ng lugar kung nasaan siya ngayon. Pinilit niyang aninagin ang buong kwarto ngunit wala siya makita. Ilang sandali pa ang lumipas bago nakasanayan ng mga mata niya ang dilim na bumabalot sa loob ng silid. May busal pa rin ang kaniyang bibig. Napangiwi na lang si Cadence nang maramdaman ang paghapdi ng kaniyang pulsuan at ngayon lang niya napagtanto na nakagapos ang mga kamay niya at nang pakiramadaman niya ang paa, ganoon din na nakatali nang mahigpit. Malamig ang sahig kung saan siya nakaupo. Malamog din kaya naman naiiyak na lang siya sa sinapit niya ngayon. Mabilis na nagilid ang knaiyang mga luha sa mga mata nang maalala ang nangyari bago siya mawalan ng malay kanina.

