CHAPTER 57 PANAY LANG ang iyak ni Cadence matapos ang marinig ang tinig ng kaniyang ama sa kabilang linya. Alam niya na alalang-alala na ito pati ang mommy niya. Narinig niya ang usapan ng lalaking naka-facemask sa kaniyang harapan at ng daddy niya. 250 Million pesos ang gusto nitong makuha kapalit niya. Parang imposible na magkaroon ng ganoong halaga ang ama niya kahit pa may kaya sila sa buhay. Hindi sila ganoon kayaman. Kahit pa nga yata isama ang ari-arian na namana niya sa kaniyang Abuela ay hindi aabot. “Tumahimik ka nga! Iyak ka nang iyak diyan! May kausap ako! Para kang bata diyan na ngawa nang ngawa!” anito saka masama siyang tiningnan. May pumasok sa silid kung nasaan sila at kagaya nito ay may suot din itong facemask sa mukha at naka-bonet. Tatlo ang mga lalaking nagpapalit

