NANG MAKARATING sa ospital sina Cadence ay kaagad na inasikaso sila ng mga nurses at pati na rin dalawang doctor. Si Arisia ang umasikaso sa kaniya habang sina MIgs at Kean naman ang bahala kay Aga. Ayaw niya sanang mawala sa tabi ng kaniyang nobyo ngunit mapilit si ARisia na kailangan siyang magamot din at matingnan. May mga sugat kasi siya sa katawan at kahit sa ulo. Kahit pa sinasabi niyang ayos lang isya ay ayaw nitong makinig sa kaniya. Nakaupo siya sa kama habang si Arisia naman ay may kausap sa cellphone nito habang nakatayo sa harap niya. May nurse na nag-aasikaso sa kaniyang mga sugat. Sinandal niya ang kaniyang ulo at noon lang niya napagtanto na sobrang sakit pala tlaga ng katawan niya. Ilang araw at gabi rin kasi siyang nanatili sa mga kamay ng mga kidnapper at talaga napakahi

