HINDI PA RIN makapaniwala si Cadence na kaharap niya ngayon ang lalaking mahal niya. Buong akala niya talaga ay patay na ito at tuluyan na siyang iniwan. Ngunit nagkamali siya. Heto ngayon si Aga at ililigtas siya sa mga kidnappers. Kinalagan siya ni Aga kaya naman malaya na ang mga kamay niya. "S-salamat naman at buhay ka," aniya habang hawak-hawak ang pisngi nito. Kahit hindi nakikita ni Cadence ang mukha nito dahil madilim ang buong silid ay kabisado niya ang hulma ng mukha nito. "A-anong nangyari? Hindi ba at nabaril ka?" Bumangon ang pag-aalala niya rito. "Saka ko na lang ikukuwento. Dito ka lang muna. Hintayin mo ako rito, okay?" "S-saan ka pupunta?" tanong niya rito. Huminga ito nang malalim bago nagsalita, "may kailangan lang akong gawin sa labas." Tumayo na ito. "P-pero baka

