"ALIONA, BAKIT ka ba nakasimangot! Ang daming tao!" sita ni Azariah sa pinsan nila na halatang aburidong-aburido sa mga nangyari. "E, naiinis nga ako sa Kean na iyon!" Inayos pa nito ang buhok na bahagyang nakakulot. "Bakit ba ang init ng dugo mo kay Kean? Magkakilala na ba kayo dati pa?" tanong niya dahil takang-taka talaga siya sa inaasal ni Aliona sa binata. Tila malaki ang galit nito para dito. Tiningnan siya nito saka napatingin naman kay Azariah na biglang inikom ang bibig at nag-iwas ng tingin. Sa reaksyon ng mga ito, mukhang magkakilala nga ang mga ito noon pa man. Huminga siya nang malalim. "Kung ayaw mo sabihin sa akin ang dahilan, ayos lang. Maiintindihan ko pero sana, huwag ka masyadong harsh kay Kean. Mukha naman siyang mabait." "Kaya nga," segunda naman ni Azariah. Umi

