TS
"I don't have plans on taking everything...I just want what's best and what's mine." With stance she spatted those words in front of her face.
"Look who's talking. Hindi ba at ang habol mo sa pamilya namin ay pera lang naman ni papa?" Nakataas ang kilay na binawi naman nito ang binubugang presensiya ng nagmamagaling na kapatid.
Nakagat na lang nito ang pang- ibabang labi habang pinipigilan ang sariling malugmok sa harapan nito. Ang maging mahina ang pinakahuling gusto niyang masaksihan ng kapatid nang harap- harapan. Ayaw niyang makita nito kung gaano siya kahina sa kabila ng tapang na ibinibigay niya.
"Wala akong dapat na ipaliwanag. Iyo na siya kung iyan ang gusto mo." Padabog na ibinagsak niya ang mga salitang iyon at akmang lalagpasan na sana niya ito nang pagtalikod nito ay biglang hinablot ang buhok niya at basta na lang kung kinaladkad palabas ng mansyon.
"Kukunin ko nga. Dahil kahit kailan naman ay hindi naging sa 'yo siya. Hindi ba?" Istriktang binabaan siya nito ng tingin at dinuraan ang tabi niya. Mabilis siyang umiwas doon dahil napa- upo siya sa sementadong kalsada matapos nitong kaladkarin siya.
"Iyan na lang ba ang panalaban mo?" May panunuya siyang tumawa at tumayo bago pinagpagan ang sarili na parang walang nangyari.
Kung iyon lang ang paraan para tantanan na siya ng mga ito ay gagawin niya. Ang makulong sa kanila ang pinakahuli at ayaw niyang mangyari ngayong hindi na lang siya nag- iisa. Kailangan niyang mailigtas ang sarili para mailigtas ang kahati.
"Kung iyon mararapatin?" Sarkastiko niyang saad at nilagpasan ito.