Nakalibing na si mama. At sa tatlong araw na burol niya, hindi ko na ulit nakita pa ang ama.
Oo, alam kong mali ako sa pagsagot kong 'yon. Pero hindi ko magawang sisihin ang sarili kahit na alam kong hindi maganda ang sitwasyon nito.
Nang makita ko itong walang malay at tila maputla ay kinabahan din naman agad ako at tinubuan din ng pagsisisi.
Sa isang public cemetery si mama inilibing. Iyon lang ang nakayanan ng budget ko. Gusto ko sanang ilagay siya sa may bahay-bahayan kaso nagkulang ako sa budget.
Halos maubos na nga ang ipon ko sa burol ni mama. May ilang nagbigay tulong naman kaya medyo naging maluwag sa akin ang gastusin.
Ang pinoproblema ko ngayon ay ang bahay namin.
Saktong huling burol ni mama nang may nagpunta sa amin ang mga tauhan ng pribadong kompanya daw na nagmamay-ari ng kinatitirikan ng mga bahay namin.
May ilan sa mga kapitbahay ko ay may malilipatan na. Doon sa mga kamag-anak nila. May ibang doon na sa ibang lugar dahil doon inilagay ang housing na bigay ng kompanyang nagpapaalis sa amin pero ayoko doon.
Masyadong malayo. Wala akong makukuhang trabaho doon. Wala akong maipang-gagastos sa sarili.
Baka wala akong kinabukasan doon.
Makikipagsapalaran ako dito sa syudad. Marami namang apartment dito sa Cebu. Hindi mahirap makahanap.
Napabuntong hininga nalang ako sa harapan ng lapida ni mama. Nakangiti kong hinaplos ang picture niyang kasmaa sa lapidang bigay ng mga kapitbahay namin.
"Bantayan mo ako ma ha?" nakanguso kong sabi.
"Ipag-pray mong sana pag-uwi ko may grasya!" napahagikhik ako. Kung noong habang nakaburol si mama ay hindi ko matanggap na wala na siya. Ngayon, bukal na sa loob ko na palayain siya.
Alam ko namang mapupunta siya sa mga magagandang kamay. Makakapagpahinga na din siya.
"Sige na ma ha? Mami-miss kita." Ngumuso ako para pigilan ang pagluha.
"Wala ka na sa bahay pag-uwi ko. Wala nang magluluto ng pagkain ko. Ma mamimiss kita." Napayuko nalang ako sa harapan niya nang maramdaman ko ulit ang luha kong pumatak.
"Sorry na ma..." atungal ko na natatawa nang may maramdaman akong hangin sa likuran ko.
"Sige na po." Natatawa kong pinahid ang pisngi. "Balik nalang po ako bukas ma. Ingat ka dito ah? Maghanap ka ng ka-tropa mo." Natatawa kong sabi.
Hinalikan ko ang lapida nito at umalis na doon.
Ang iba sa mga nakihatid ay nauna nang nagsiuwian dahil ang iba ay ngayon na ang lipat.
"Mauna na kami Zone ah? Mag-iingat ka. Pakatatag ka." Nginitian ko nalang ang isa sa mga ka edad ko sa lugar namin.
Dumayo pa ito para makihatid kay mama. "Sige, pasensiya na at hindi ko na kayo mapapakain. Wala na kasing pera." Nahihiya kong sabi.
Tinapik naman ako nito sa balikat. "Nako, ano ka ba! Okay lang! Naiintindihan naman namin at lahat din naman tayo busy kaya oks lang!" Nginitian ko lang ito at tinanguan.
Nagpaalam na din ito kaya mag-isa nalang ako.
Napahinto ako nang nasa may kalsada na ako ng cemetery. Nasa harap at kitang-kita ko na ang labasan.
Oras na lumabas ako ay bagong mundo na naman ang susuungin ko. Gayon lang ay mag-isa nalang ako.
Wala na si mama. Napayuko ako sa isiping 'yun. Hindi ko alam, akala ko okay lang ako. Ang bigat lang.
Hindi ko din alam kung kailan tatagal 'to. Ang alam ko lang, mag-isa nalang ako.
Dahil wala akong pamasahe ay naglakad nalang ako. Mag-isa ngayon.
Nakapag-isip isip na din ako ng mga bagay bagay habang naglalakad pauwi.
Nasa may labasan na ako nang mapahinto ako sa pamilyar na kotse sa may labasan namin.
Mabilis ang paghakbang ko papasok ng looban. Ayokong makausap ang kahit na sinong poncio pilato na nauugnay sa kaniya.
Nahigit ko ang hininga nang my humigit sa palpulsuhan ko.
"Wait."
Nangunot ang noo ko nang maharap ko siya. Tinabig ko ang kamay nitong nakahawak sa akin gaya ng pagtabig niya sa kamay ko noong burol ni mama.
"Ano? Nakakintindi ka naman ng Tagalog 'di ba?" Irap kong sabi. Tatalikuran ko na sana ito nang mabilis itong humarang sa dinaraanan ko.
May ilang tambay na naagaw ang pansin. Kilala ko ang mga iyon. Mga siga dito pero may galang sa akin.
"Kaya ko na 'to Tasyong!" sigaw ko nang akmang lalapit sa amin ang mga ito.
Baka mabugbog pa itong kaharap ko. He sighed in front of me.
"Gusto kang makausap ng papà mo." Walang interes ko siyang tinapunan ng tingin.
"Ha?" lumingon lingon ako para asarin siya. "Ako ba ang kausap mo?" natatawa kong sabi.
Nakita kong umigting ang panga nito. Napaatras naman ako nang magsimula itong humakbang papalapit sa akin.
Hindi ko na namalayang nasa likuran ko na pala ang kotse niya at nakahilig na ako doon.
Mabilis kong inilagay sa dibdib niya ang mga palad ko para pigilan pa ang akmang paglapit pa niya.
"H-Huwag k-kang lalapit!" nanlaki ang mga mata ko nang parang wala lang dito ang mga kamay ko.
Mas matangakad ito kaya naman napsiksik ako at naibaluktot ko ang mga tuhod.
Siya naman ay nasa itaas ng ulo ko ang braso nitong maputi at makinis habang ang isa ay nasa bewang nito.
"A-Alis nga!" atungal ko pero parang wala lang dito ang pagtulak ko.
Mas napayukyok pa ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niyang hawakan ang bewang ko dahilan para mapatayo ako ng tuwid.
Mas hinawakan ko pa ang hininga ko nang ilapit niya sa taenga ko ang bibig niya.
He smelled warm and fresh. Lalaking-lalaki.
Napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang mainit na hagod nito sa leeg ko. Alam kong inaamoy niya ako.
Wala naman siyang maaamoy sa akin. Wala akong pabango 'di tulad niya na halos ilublob na yata ang sarili sa pabango.
"Get.In.The.Car." mariin bigkas niya sa bawat salita.
Mabilis akong nagbukas ng mga mata. Huli na para ma-realize ang distansiya ng mukha namin.
Ipinilig ko ang ulo sa kabilang bahagi para maiwasan ko ang mukha nitong hindi ko masyadong type.
"Talagang hindi mo type ang mukha kong 'to?" Nanlaki ang mga mata ko at mariin napapikit uli nang ma-realize kong nasabi ko iyon ng pagkalakas-lakas.
Napalunok nalang ako nang maramdaman ko ang tungki ng ilong nito sa pisngi ko hanggang sa leeg papunta sa collar bone.
Mabilis din naman nitong iniwas ang mukha niya sa akin na ikinahinga ko ng maluwag.
Lumayo na din ito sa wakas.
Pasimple akong humawak sa dibdib kong malakas ang kabog.
"If you don't want to go-visit your father. Then it'll left me a no choice but to stay by your side." Ibinaling ko ang naniningkit kong mata sa kaniya.
"Sinasabi mo diyan?" Naiinis kong sabi at pinagpagan ang damit kahit wala naman itong gusot o dumi.
"That's what your father asked me to do." Aangal pa sana ako nang dagdagan niya ang sinabi.
"Everyone knows you as his daughter kaya babantayan kita. Baka mapano ka pa." He said like it was a final decision.
Bigla ay naalala ko ang tagpo sa cemetery na parang may nagmamatiyag sa akin. Hindi ko na pinabulaanan ang utos sa kaniya ng ama ko.
"Sige. Sumunod ka."
Nauna akong maglakad papasok ng looban. Atleast, may tutulong na sa akin sa paglilipat. O 'di kaya? Sa kaniya nalang ako makitulog.
Hmm...
"Your smell didn't change since that day. I like it. You smelled like me." Nangungunot ang noong tumigil ako sa paglalakad at liningon siya.
May ngisi sa labi nito. Nakaangat ang dalawang kilay.
Sobrang pogi. Baliw nga lang.
"What? It's true." Napa-irap nalang ako.
"Nympha's Bar." Akmang maglalakad ulit ako nang marinig ko ang sinabi niya.
Tila natulos ako sa kinatatayuan.
Hindi nga ako nagkamali? So, ibig sabihin...siya iyon?