#NakaIskorSiGurang #Shooter #AngkinIto na po yong kalagitnaan ng kwento!! Enjoy reading!! CHAPTER 32: PROPOSAL [Katherine Chelsea Aguilar] Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Agad ako napabalikwas ng bangon sa kama ng mapansin kong hindi pamilyar ang silid na tinulugan ko. Napahawak ako bigla sa ulo ko ng kumirot 'to. Ang sakit. Ano bang nangyari sa'kin? Tatayo sana ako pero bigla akong napa-upo. Napakuyom ako ng kamao dahil sa hapdi. Ang hapdi sa gitnang parte ng katawan ko. Ano ba talaga nangyari? At bakit ang lamig sa kwartong 'to? May damit naman akong suot... Nanlaki ang mga mata ko. B-bakit wala akong suot na damit?! Natataranta na ako. Naiiyak na rin. Ano ba nangyari sa'kin kagabi? Bakit hindi ko maalala? Napansin kong may pigura ng

