#RememberTheNight #PiliAnother update kasi yong chapter 32 nabasa niyo na sa taas. Hehehe. Happy reading guys!! CHAPTER 33: MARRIAGE [Katherine Chelsea Aguilar] Kanina pa ako nakatulala sa kama ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makapagdesisyon. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko 'yong proposal sa'kin ni Skyler kaninang hapon. Kung tutuusin, dapat ako magpasalamat sa Panginoon dahil may dumating na makakalutas sa aking problema, pero ibang sitwasyon naman ito. Itong taong 'to na makakalutas sa aking problema ay dapat kong iwasan. Bakit ba lagi kami pinagtatagpo ng tadhana? Ako na nga itong kusang umiiwas sa kanya para hindi kami magtagpo pero itong tadhana na ito lagi kami pinaglalapit kapag umiiwas ako. Napabangon ako sa kama ko sabay buntong-hininga. Hindi k

