CHAPTER 19

1999 Words
Huli na ang lahat nang makabalik ako sa sarili ko. Agad akong tumalikod para itago ang mukha ko, umaasang hindi niya ako mapapansin sa pagdaan niya. Pero ano pa bang aasahan ko sa isang Ryo Del Suarez? Naramdaman ko na lang na may humila sa 'kin para iharap ako sa kaniya. Kagaya ng inaasahanbay bumungad sa 'kin ang mukha ni Ryo. Bahagya pa siyang nakayuko para magpantay ang mga mukha namin habang tinitignan niya ako. Sunod-sunod akong napalunok. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid, maging ang mga ngiti nang mga kaibigan ni Ryo. Ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong ideya kung paano mag rereact sa mga ganitong sitwasyon. Sa kagustuhang matakasan ang lahat ng ito, at ang nga nagtatanong na tingin ng mga schoolmates ko e' hinayaan ko na lang nang hilahin ako ni Ryo paalis ng lugar na 'yon. Hindi na ako nag reklamo at itinago na lang mukha ko dahil ayokong makakita na naman ng badshot ko sa gossip page. Mga bastos. Hindi nga ako nag seselfie tapos pipicturan nila ako. In no time, I just found myself sitting on a chair inside the cafeteria. Ryo sat in front of me. "Sorry, I dragged you," he said. I didn't answer, I can't even look him in the eye. Bakit sobrang awkward? "What do you wanna eat?" he asked. I can't help but to glance at him. His face was too bright. Ibang-iba sa usual look niya na may dark aura. Tinanaw niya ang menu na naka-flash sa monitor sa cafeteria. "Hmm, today's menu isn't my favorite..." Pinagmasdan ko lang siya habang kung anu-ano'ng sinasabi niya tungkol sa menu. I didn't know that he can be this talkative. He's always in his bad aura with 'a man of a few words but deadly' vibes. The Ryo that he always shows to everyone. But this time, though not the first time, I'm seeing another side of him. "Ryo..." I said to stop him from what he was doing. He turned his gaze on me with a questioning look. I bit my lower lip to ease my nervousness. "A-About last time. My decision was still--" "I don't want to talk about it right now," he said, in a serious tone of voice. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Just forget it for a while, please," he said. Natigilan ako ngunit sa huli'y tumango na lang rin. Tumayo siya para dumiretso sa counter at kumuha ng pagkain. I sigh. What does he want, really? Kinuha ko na lang cellphone ko para itext si Kevin at iupdate siya sa kung nasaan ako ngayon. Baka sakaling puntahan niya ako at magandang pagkakataon iyon para matakasan ang lahat ng'to. I mean, hindi naman sa ayaw kong kasama si Ryo. No one knows how badly I want. Kailangan ko lang talagang umiwas sa kaniya kahit paano. I was still torn between lalayuan ko na ba talaga siya o ipaglapatuloy ko na lang. Alam ko na malalaman agad ni Jeuz kung ititigil ko 'to, kung lalayuan ko na si Ryo. May mata siya kahit saan. At hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang dahilan ko sa paraang hindi na niya ipipilit pa na magpatuloy pa ako. Dumating si Ryo dala ang ilang pagkain. We started eating, but this time, tahimik na siya. Maybe I ruined his mood kanina. Hindi na rin ako nagsalita pa hanggang sa matapos kami, bagay na hindi ko alam kung paano ko natagalan. Sabay kaming lumabas ng cafeteria. Sakto naman na tapos na rin ang lunch. Tumingin ako sa kaniya. I forced smile and I tried my best to look natural. "Thanks sa lunch. Balik na 'ko sa klase," saad ko, hindi pa rin tinatanggal ang ngiti. At tinignan niya lang ako. Bastos, hindi ko na tuloy alam kung paano tatanggalin ang ngiti ko! Tumango ako para kunyare may transition. "Una na ko," mahinang saad ko at tumalikod ngunit kasuno n'on ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Napapikit na lang ako sa inis. Bakit ba kasi hindi pa ako tumakbo? "Nami, I won't ask you to tell me your reason anymore. I won't ask you to be with me either. Just let me do things for you." That pierced my heart. Bawat salitang binitawan niya ay patuloy na nanuot sa damdamin ko. I then faced him. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko at marahan iyong tinanggal. I looked him in the eye. "Do you really like the girl standing in front of you?" tanong ko. Kahit sa sarili ko ay hindi ako sigurado kung ano pa bang point ng pagtatanong. Hindi na ako nakapag-isip. He didn't respond, but I took it as a 'yes'. I sigh. "Then go do things for her... " but not for me. Because Ryo, the girl you like, the Naomi you know, the Naomi that was standing in front of you right now, isn't me. Masakit sa 'kin isipin na nagustuhan niya ako sa pagkataong hindi naman ako. Hindi niya ako gusto sa kung sino talaga ako. Gusto niya ako sa katauhang ipinapakita ko. And now I'm starting to wonder, magugustuhan kaya niya ako kung ako, bilang ako, bilang Naomi La Torre, ang nakilala niya? I guess not. The version of me that I'm showing to him is really different to the real version of me. And I can't be someone else forever. I stepped closer to him, so close, maybe for the last time. Let's just say I'm tired. "Thank you for liking her," I said and with that, I tip toes to be more closer to him. Close enough for me to be able to taste his lips... And I felt it for a second. Just a second but I think the feeling would last forever. I think I will never be able to forget how soft it is. I know he's shocked because of what I did, pero hindi ko na tinignan pa ang mukha niya. I just turned my back at him at leave him dumbfounded. I sigh and looked up, trying to hold back the tears that was about to fall. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Imbis na dumiretso sa classroom ay lumabas ako ng university. Gusto ko na lang matapos lahat ng pag papanggap ko. Nakakapagod ding magtago sa katauhang hindi naman ikaw. Ang masama pa r'on ay kung magustuhan ka nila, hindi bilang ikaw. Alam kong hindi naman talaga kagusto-gusto ang ugali ko. Jeuz was my first boyfriend. Kahit noon sa lugar namin ay wala ring gustong makipagkaibigan sa 'kin. Kaya hindi na rin ako umaasang para sa 'kin talaga ang nararamdaman ni Ryo. I texted Jeuz, asking him where he is. I know he would understand. I know he still love me, ako lang naman 'tong nagbago. I gulped as I saw his reply. Sakto naman na nadoon sila sa lugar kung saan nila muntik nang patayin si Ryo. Malapit 'yon sa SB na hindi naman kalayuan dito sa university. I put my phone back to my pocket ang fix myself. Sigurado na ako. And so I started to walk on the way to where he is. Hindi ko na rin napansin ang mga tao. Hindi ko inalintana ang ingay ng paligid, ang mga taong nababangga ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. "Nams," si Anton ang unang nakakita sa akin. Tambayan talaga ang lugar na 'to ng mga kagaya nilang myebro ng gang. Ang alam ko'y madalas ding mag transactions dito. Tumayo si Jeuz mula sa pagkakasandal sa pader nang makita ako. Ngumiti pa siya bago tuluyang lumapit sa akin. Nagtayuan din ang mga kasama niya na kung paa-paano ang upo. "Hindi ko na kaya," walang anu-ano'y saad ko nang makalpait siya. Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. "Ano'ng hindi mo na kaya, may problema ba?" "Hindi ko na kayang magpanggap, Jeuz. Hindi ko na kayang ipagpatuloy lahat ng 'to. Itigil na lang natin 'to!" halos maiyak na tugon ko. Nakita ko ang pagbabago ng aura niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" seryoso ngunit mababakas ang galit sa taning niya. "Ayoko na," lakas loob na saad ko nang makalapit sa kaniya. Sinikap kong itago ang emosyon ko at magpakatatag dahil alam kong magiging defense ko 'yon mula sa kaniya. Kunot noong humakbang siya palapit sa akin. "Anong ayaw mo na?" iritadong tugon niya. "Ayoko nang lokohin si Ryo, Jeuz," sinikap kong mas tatagan ang boses ko. "Baliw ka ba? Ngayon ka pa titigil? Konti na lang, Naomi. Ano ba'ng iniisip mo?!" aniya na may halong pangungumbinsi. Ilang beses akong napalunok habang pinananatili ang tingin sa baba pero sinisikap pa rin na i-angat ang ulo ko. "Nakokonsensya na ako--" Halos mapantalon ako nang marinig ang malakas na murang binigkas ni Jeuz. Sandali akong napapikit lalo na nang bulyawan niya ako. "Nakokonsensya o nahuhulog ka na sa lalaking 'yon?!" galit na saad niya. Hindi agad ako nakasagot dahil tila ba nabarahan ang lalamunan ko ng katotohanang iyon. "Ano, Naomi? Sumagot ka!" "Wala ka na sa anumang dahilan ang mayro'n ako. Mayro'n akong karapatang tumanggi at itigil na ang lahat ng 'to dahil napapagod na ako, Jeuz," mariing tugon ko, umaasa na maiintindihan niya pero hindi. "Wala kang karapatan dahil ako ang bumubuhay sa 'yo, at halos sa pamilya mo kaya kung ano'ng sabihin ko, dapat gawin mo!" Napaluha na lang ako sa katotohanang 'yon. Hawak niya ako sa leeg. Kontrolado niya ang buhay ko pati na rin ang mag desisyon ko. "Jeuz..." "Tandaan mo, Naomi. Kaya kong gawin ang anumang gustohin ko sa pamilya mo, sa 'yo at lalo na sa kapatid mo," aniya. Na ikinatigil ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagbantaan niya ako ng ganito. Matagal na kaming magka-relasyon at hindi ko inaasahan na maririnig ang mga pagbabantang iyon mula sa kaniya. "Nami?" Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad na dumaloy ang kaba maging ang kirot sa sistema ko. Alam kong nasa likod ko siya ngayon at ayoko siyang lingonin hangga't maari. Pero wala akong mapamimilian. Marahan akong humakbang para humarap sa kaniya. Kasabay n'on ang biglaang pag-ihip ng hangin at tumangay sa buhok ko. Sa tingin ko'y uulan dahil sa pagiging kulimlim ng paligid. Para akong sinaksak nang tumama ang mata ko sa mga mata niya. Sa mga mata niyang puno ng pagtataka at mga katanungan. Katanungang kagaya ng, bakit ako nandito ngayon? "Ryo..." mahinang usal ko sa pangalan niya. Dala ng hangin ay naramdaman ko ang mabilis na pagkatuyo ng mga luhang kanina'y tumulo sa pisngi ko. "A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Sa pagkakataong ito'y hindi niya suot ang masamang aura niya. Ang tanging nakikita ko ay ang Ryo na nagustuhan ko. Ang Ryo na siyang naging dahilan kung bakit ko itinataya ang kinabukasan ko ngayon. Gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya, yakapin siya at kumawala sa taling itinali ni Jeuz sa akin. Alam kong siya lang ang makakaputol n'on. Hahakbang sana ako papalapit sa kaniya nang muli kong maalala ang mga sinabi ni Jeuz. Kasabay niyon ay ang kapatid ko, ang pamilya ko. Tumigil ako. Sandali ko pa siyang tinignan bago umakbang muli malapit kay Jeuz. Sorry, Ryo. "I'm one of them," saad ko sa malamig na boses. Agad na nakita ang galit sa mga mata ni Ryo. Naramdaman ko naman ang paghapit ni Jeuz sa bewang ko para ilapit ako sa kaniya. Alam ko na masayang- masaya siya ngayon. Iyon naman ang dapat. Naomi, sumunod ka na lang kasi sa plano. Kahit masakit. "You just got fooled, Mikael Ryo Del Suarez."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD