"Dito hideout n'yo?" tanong ko habang tinitignan ang mga gamit. Ito 'yong lugar kung saan ako unang dinala niya Ryo. Noong unang araw ng pagpapanggap ko at paglapit sa kaniya. Nadaanan ko pa ang lugar kung saan niya ako kinuwelyohan. Pero ngayon, nasa isang kuwarto kami ng bahay na iyon.
Sa loob ng malaking kuwartong ito na napipinturahan ng itim ngunit makintab na pintura, ay nakikita ang ilang gamit sa martial arts. Mayr'on ding table—I'm sure sugalan nila. Ilang couch, punching bag, at gym mat kung saan sila nagbabardagulan. Lol.
Malaki ang space at konti lang din ang gamit. Halatang pag training ko kung ano man ang ginagawa nila dito.
"Kaninong bahay 'to?" tanong ko habang lumalapit sa isang punching bag. Curious lang.
"Abandoned property nila Ian. Binili ng grupo para may matambayan," simpleng sagot ni Ryo.
"Tapos pina-renovate n'yo?" He nodded. "Ayos din kayo mag hanap ng tambayan 'no?" natatawa pang dagdag ko sabay suntok ng malakas sa punching bag.
Malakas ang naging paglipad n'on kaya napngiti ako. Ngunit agad ding nawala ang mga ngiting 'yon at nanlaki ang mata ko nang makitang papalapit iyon sa 'kin ngayon. Hindi agad ako nakakilos dahil hindi ko alam kung susuntukin ko ba ulit para hindi iyon tumama sa akin o kung sasaluhin o na lang, o kung iiwasan ko ba.
Huli na ang lahat bago aki nakapag-react. Napapikit na lang ako at inasahan na ang malakas na ganti noon sa 'kin, pero nang hindi ko iyon maramdaman ilang segundo ang lumipas ay napamulat ako.
Bumungad sa akin ang braso ni Ryo na nakasalag sa punching bag na isang dangkal na lang ang layo sa mukha ko.
Sunod akong napatingin kay Ryo na seryosong nakatingin sa akin. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa nga sandaling ito. Hindi ko na magawang mai-alis ang paningin ko mula sa kaniya. Sa kaniya na walang emosyon pero malalim ang titig.
We remained in that position for a couple of seconds until I finally can't stand it and cleared my throat.
"T-Thanks..." I said and awkwardly laugh, tapos hinawakan ko ulit 'yong punching bag. "Haha, gumaganti pala 'to, grabe." But that can't ease the awkward aura inside this room.
Ryo still isn't showing any reaction. I don't know what's with him. Knowing him, he should've already mocked me for my stupidity.
He finally moved and placed his hands inside his pockets.
"A-Ano palang mayr'on dito? Bakit mo 'ko dinala rito?" tanong ko matapos maalalang nag cutting kami para pumunta sa lugar na 'to. Mukha namang walang something special dito.
"To show you my world," he replied habang naglalakad papalapit sa ilan pang gamit na nasa loob.
I slightly laugh. "Why to you have to? Alam naman ng lahat kung ano at sino ka. Besides, I already told you na gusto kita kahit ang sama ng ugali mo," saad ko na may halong pangaasar pero hindi naman siya natawa.
"I'm afraid that you might not aware of what you had said," he said and then faced me. My mood suddenly changed nang makita ko kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya. Napaseryoso rin tuloy ako.
"Bakit mo ba sinasabi 'yan?"
He sigh and turned his whole body to my direction. His gazes are glued on me and he started to walk towards me.
"'Coz I'm welcoming you to my world," he said, stepping closer to me. And when he's finally inches on me, he said the thing I'd love but didn't want to hear, and it made me paralyzed.
"That means I like you,"
Those words should give butterflies in my stomach. But instead, it pierced my heart. Seeing the sincerity in his eyes makes me hate myself even more.
...and with that, a conversation with Jeuz suddenly flashed back to my mind.
--
"Tell me the next step after making him fall," I said without even looking into his eyes.
"Wait, why? Don't tell me--" I looked at him and I saw how excited and happy he is. "You already made him fall?!"
"Almost there, babe," pagsisinungaling ko. I just wanna know his plans. The detailed one. I showed him the picture of me and Ryo, sa majestic ball. That was a stolen shot. 'Yon din 'yung picture na kumakalat sa gossip page.
I saw him smirked habang tinitignan 'yon. I just rolled my eyes on him.
"Alright. Just wait hanggang sa tuluyan na siyang mahulog sa 'yo, to the point na halos hindi na siya makaahon," aniya. Gusto kong matawa. I can't imagine Ryo in that state. That's really impossible. "Then gawin mo ang lahat para siya mismo ang bumuwag sa gang niya."
I chuckled. "Bakit naman niya bubuwagin ang tropa niya dahil lang sinabi ko?" Nakahit-hit na naman yata 'tong taong 'to.
"Because in that time, he's already blinded with love," seryosong aniya. I really wanted to burst out of laughter.
"Ryo isn't stupid, Jeuz."
"You never know."
"And that's it? I'll break up with him saying na, pagod na 'ko, sawa na 'ko, hindi na 'ko masaya? Cliche."
"No."
"Tell me."
"We'll tell him that he got fooled." Kumunot ang noo ko. Teka naman, sandali. E'di mabubuking din ang panloloko ko?! Hindi ko alam na may balak siyang gan'on.
Akala ko matatapos ang lahat normally. Na parang normal lang na magkarelasyon nagkalabuan.
"Ipapamukha ko sa kaniya kung gaano siya kahangal. He must know that I, his mortal enemy, was the mastermind of his heart break."
"Jeuz, you're not that immature," saad ko dahil kung iisipin, napakababaw ng rason ni Jeuz para i-set up lahat ng 'to.
Alam kong may mas malalim pang dahilan, Jeuz.
"Tell me the real reason behind it. Tell me your real plan, Jeuz! Kasama na rin ako rito! Para mo 'kong pinaglalaro sa isang laro na hindi ko alam ang mechanics!" inis na saad ko. Napahawak na kang siya sa sintido niya sa sobrang inis.
"That's it, babe. Kung ano man ang plano ko right after you broke him, labas ka na r'on, you just have to make him fall para mag work ang lahat," he said and leave.
"You're unbelievable..." I whispered.
--
This thing cannot be happen. Ang tanging paraan para magtagumpay ang plano ni Jeuz ay kung mahuhulog sa 'kin ni Ryo. Mas madali niya siyang masasaktan at mapapaikot.
Naramdaman ko ang kamay ni Ryo sa magkabilang balikat ko. Nararamdaman ko rin ang unti-unti pamumuo ng luha mula sa mga mata ko. Ryo stepped one more closer. We're now so close to each other that I can almost hear him breathing.
"Aren't you happy?" he asked.
Sandaling dinama ko ang mga sandaling ganito kami kalapit sa isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam na ganito ako kalapit sa kaniya. Ngunit alam ko na panandalian lang 'to at maaring hindi na maulit pa. Hindi na dapat.
I stepped backwards, umiwas ako. Nakita ko ang pagka-confuse sa mukha niya.
"You cannot like me back, Ryo..." I said.
"W-what are you saying?" umaasang tanong niya. Muli ko siyang tinignan nang may lakas loob na salubungin ang mga mata niya.
"You cannot fall for me, hindi puwede," dagdag ko pa. Hindi ko 'to inexpect. Akala ko'y mas matigas pa siya sa bato at imposibleng mahulog sa 'kin. Kung alam ko lang, pinanindigan ko na lang sana ang pag-iwas sa kaniya.
"Naomi--"
"Ryo!" I exclaimed and with that, tears that I'm trying my best to hold started to fall. "M-masasaktan ka lang..."
"Ano bang sinasabi mo, Nami, I don't understand. You said you like me!"
"I do! I... I love you, I mean it! I mean every actions that I did, I mean everything that I had said. But you cannot like me back."
"I don't understand..."
"Hindi mo puwedeng maintindihan!" I cried. "I-I'm sorry, I made you fall for nothing."
I lift up my head to look at him. I can see no emotions in his eyes right now. I don't have any hint of what he was thinking.
"Pain," he said, as if he was amazed of that feeling. Para bang ngayon niya lang naramdaman 'yon sa buong buhay niya. "So this is how it feels." But still, sadness, confusion and even, even anger was very evident on his face.
"I'm sorry... but t-trust me. Mas masasaktan ka kung hahayaan mo. That was just a seed, Ryo. Don't let it grow, please."
"You already planted that seed eversince the day you insisted to be mine. Do you think it hasn't grown yet?"
That made me froze. Ibig ba niyang sabihin, matagal na niyang nararamdaman 'yon? At ngayon, masidhi na ang nararamdaman niya kaya hindi na niya napigilan ang sariling aminin ang totoo?
He sigh and shook his head.
"Please think about it," he said and walk away. But before he finally close the door, "the day I decided to admit my feelings for you, is also the day I prepared myself from possible pain. So what are you afraid of?" he said.
With that, he left me hanging.
I never expect that!
Hindi ko na alam ang susunod kong plano. Basta ang mahalaga lang ay mawala ang feelings sa 'kin ni Ryo. Mabuti nang saktan ko siya ngayon kaysa masaktan siya ng mga plano ni Jeuz.
Aish, bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa 'yo, Ryo?! Bakit sa sandaling panahon, kahit na wala ka namang ginagawa e' nagawa mong piliin kita kaysa kay Jeuz na matagal ko nang mahal.
Oo, mahal ko si Jeuz, pero bakit ganoon na lang kadali para kay Ryo na baguhin ang nararamdaman ko?
Hindi na halos ako nakapakinig sa klase. Buong oras akong tulala at wala man lang kahit na anong pumasok sa isip ko. Pati pag-aaral ko naapektuhan.
Nang i-dismiss kami ng prof e' wala rin ako sa sariling naglakad palabas ng room. Hindi ko na rin halos nasagot si Kevin nang magpaalam siyang may meeting sila ng co-officers niya.
Dumiretso ako sa likod ng main building, sa may basketball area. Alam kong wala ulit tao doon. Nakakatamad naman kasi talagang puntahan ang lugar na 'to. Magandang lugar 'to para sandaling takasan ang realidad.
Kagaya ng lagi kong ginagawa doon kapag nas-stress ako e' nag sisindi ng yosi habang nag babasa ng school textbook. Wala na sana akong balak lumabas doon hanggang sa matapos ang break time. Sakto naman na nag text si Kevin.
[Keruvin: Oy Nami, asan ka? Nasa lib ako, tara tapusin natin 'yong report!]
Napairap ako nang mabasa ang text niya. Inapakan ko ang sigarilyo at saka tumayo para pumunta doon. Gagawa pa siya ng report e' hindi niya alam na tinapos ko na n'ong nagdaang linggo.
Papunta na sana ako sa library nang makita ang pamilyar na pigura sa hallway. Naka-t-shirt lang siya ngayon at kagaya ng nakasanayan ay hindi magkamayaw ang mga kababaihan sa pagtingin sa kaniya.
I sigh. Gusto ko siyang lapitan pero ayoko muna siyang harapin. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kapag tinanong niya ulit ako.
Move, Nami.
I said move, ano ba?!
Why can't I move?! I have to move, papalapit na sila!