CHAPTER 17

1897 Words
"Okay. Let's give him what he wanted," ani Jeuz. Agad na dumaloy ang kaba sistema ko matapos marining 'yon. Knowing Jeuz, he's more likely to commit a crime kapag nakikita niyang may balakid sa nga plano niya. "Ano'ng plano mo, tol?" tanong ni Edrick. "Kahit ano... I can even kill him if necessary." Natigilan ako at napatingin kay Jeuz na madilim ngayon ang tingin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot, at the same time umentra na naman ang kyuryosidad ko. Bakit gan'on na lang siya ka determinado na maisakatuparan ang plano niya? Handa siyang pumatay para lang mapagbagsak si Ryo? Bakit ganoon siya kadesperado? Ano ba talagang nasa likod ng lahat ng 'to, Jeuz? Ano'ng mga bagay na hindi mo sinasabi sa 'kin? I cleared my throat. "Guys, can you leave us first?" I asked to the three of them. Nagkatinginan pa sila pero nang makitang tumango si Jeuz, pahiwatig na sumasang-ayon siya ay umalis na rin agad sila. Jeuz then looked at me. "What about it?" "Tell me the next step after making him fall." Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako. Ngayon ay mas sigurado na ako na may mas malalim pang dahilan si Jeuz kaya niya inutos sa 'kin 'to. Whatever it is, I know that it will harm Ryo. It's always against him. Lahat ng 'to para masaktan siya. Bagay na ayokong maramdaman niya. Napaupo na lang ako sa kama ko. Sobrang naiipit ako. Lahat ng desisyon na maari kong gawin at pagpilian, maaring makasakit sa kaniya. Kapag sumuko at umamin sa mga kasalanan ko, masasaktan siya dahil niloko ko siya. Kapag naman ipinagpatuloy ko ang lahat ng 'to mas mapapahamak siya. Hindi ko na alam. Ayokong mapalayo sa kaniya ngayon. Hindi ako handa na lumayo sa kaniya para lang matapos na ang lahat ng 'to. Nakasalalay din dito ang kinabukasan ko, at ng kapatid ko. Hindi ko kayang kalimutan na lang ang lahat ng mga pangarap ko para sa 'min ni Rylen. "Sobrang duwag mo, Naomi. Sobrang selfish mo..." bulong ko sa sarili. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to, pero naagaaw ang atensyon ko ng pumasok na notification sa f*******: ko. Kumunot ang noo ko nang makitang isang hindi kilalang tao ang nag mention sa 'kin sa isang post. Nag sunod-sunod pa ang pasok ng notifications at mentions nila. I hurriedly open the post only to see that that was just a picture of me and Ryo last night. As expected. This isn't the first time na nabalandra ang mukha ko sa gossip page ng university. Last time e' 'yong kay Mae. Ngayon naman ito. Maraming comments ang nagtatanong. May mga kinikilig at naiinis. Maraming fans si Ryo kaya hindi na ako nagulat. Sa ngayon ay wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang weekends na nandito lang sa bahay. Nasa bahay ako pero 'yong isip ko nag t-travel. Inubos ko lahat ng panahon sa pag-aaral para mawala sa isip ko ang lahat ng problema ko. "'Teh, ang lusog ng eyebags mo," ani Kevin pagkalapit sa akin matapos ang klase namin. Late ako nakapasok kanina kaya ngayon lang kami nakapag-usap. Hindi ko naman siya sinagot at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. "Ay, kakaloka, snob." "Sorry, Kevs. Ang dami ko lang talagang iniisip ngayon," bagsak ang balikat na sagot ko. "About ba 'to sa post sa gossip page? Stress ka d'on 'teh? E' kinaiinggitan ka nga ng lahat sa university ngayon e'. Isipin mo 'yon, ikaw pa niyaya ni Ryo sa ball!" malakas ang boses na saad ni Kevin. Hindi ko naman siya mapigilan dahil malakas talaga siya magsalita. Pinagtitinginan tuloy kami ng blockmates ko ngayon dahil sa sinabi niya. "Excuse me." Pareho kaming napalingon ni Kevin sa boses na iyon. Si Maze, suot ang usual aura. Maamo ang mukha pero mataray ang make-up. "Oh, Maze?" tugon ni Kevin pero nanatili ang tingin sa 'kin ni Maze. "Sorry to interfere, but don't be so proud and feel high of yourself, Nami. Knowing my cousin, he probably just asked you to be his date because he's bored, might just wanna play with your feelings, or it's a fan service. After all, ikaw naman ang unang nagpakita sa kaniya ng motibo," aniya sa mahinhin at mala-anghel na boses. Napaka-linis niyang nagsalita at umakto. Halatang mula sa isang disenteng pamilya. "Maze?" usal ni Kevin. "Oh shut up, Kev. Huwag ka ngang uto-uto. She wasn't stressed because her face was all over the university, in fact, she's enjoying it. She's enjoying every. single. attention and envy of people, right Naomi?" "Maze, Nami isn't like that," Kev, defending me but I remained silent. "How do you say so? Kilala mo ba siya? Kailan lang naman kayo naging nag kaibigan. Alam mo Kev, hindi ko alam na makitid pala utak mo," nang iinsultong saad ni Maze. "Alam mo Maze, sa 'ting dalawa ikaw 'yong mas hindi nakakakilala kay Nami. Hindi siya kagaya ng iniisip mo, okay? " medyo inis na rin na saad ni Kevin. "Really?" she sarcastically replied. "And even so, why do you care?" Nakita ko ang pagkapikon sa mukha ni Kevin. Bahagyang naalarma ako nang magbago ang tono niya. "Are you threatened?" he added. "Kevin," I held his arm, giving him a sign to stop. "Huh, me? And why would I be?" "I'm not sure. Maybe because you are trying so hard to be popular in this university for the past years. You're even using your connection with Ryo to gain the popularity you wanted, but look at you. Some professors doesn't even recognize you. Some people just know you as 'Ryo's cousin' and nothing more. Now, you're threatened because you envy Naomi's popularity." "Kevin!" Me. "How dare you?!" "Bakit, nasapul ka? Alam naman ng lahat 'yon, Maze. Famewhore ka and that's the fact!" Tumayo na ako para sana ilayo na si Kevin sa lugar na 'yon. "Kev, let's go," saad ko at hinila siya paalis doon. Bago kami umalis ay nakita ko pa ang inis na inis at puno ng pagkapahiyang mukha ni Maze. Wala na rin siyang nairebat sa huling sinabi ni Kevin. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang tuluyan kaming makalabas. "Huwag ako. Ikaw ba, okay ka lang?" tanong niya. Napaupo ako sa bench, hindi pa rin maka-move-on sa nga sinabi niya. "Wala naman sa 'kin 'yong mga sinabi niya e'. Hindi mo na dapat ginawa 'yon. Nag-away pa tuloy kayo," saad ko. Nakita kong bahagyang natawa si Kevin. "Yes naman, concern na siya sa 'kin!" tuwang-tuwang aniya. Napangiwi na lang ako. "Asa ka. Ayoko lang na may mag-away pa dahil sa 'kin. Marami-rami na akong kasalanan for this year. Ayoko nang madagdagan. Ayoko rin na madamay ka pa sa mga gulo ko," saad ko sa normal na tono ng boses. "Asa ka rin. Feeling mo naman pinagtanggol kita. Napuno na lang talaga ako kay Maze, sobra na siya, pati 'yong mga pang-iinsulto niya sa 'kin kanina." Kumunot ang noo ko. "Akala ko close kayo ni Maze? Kung makayaya ka sa 'kin noon sa party sa bahay nila eh." Umupo siya sa tabi ko. "I'm gonna tell you a secret," aniya sa malamlam na boses. Tumaas naman ang kilay ko. "Ano namang sikret?" "I was bullied way back high school. Sa probinsya namin," panimula niya. Akala ko nagbibiro lang siya pero nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang kinukwento ang mga naranasan niya sa mga nambubully sa kaniya n'ong high school. "Kaya n'ong lumipat kami dito, first year college. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ko na ulit mararanasan 'yon. That's why I tried to fit in with them." "With... Maze and friends?" I asked, and he nodded. "I just think their fun to be with. Mukha naman kasing mabait si Maze. Yes, mabait rin naman kasi siya, but she's too manipulative. N'ong una masaya ako with them, kahit na ginagamit niya ang position ko sa School's Government para magawa ang gusto niya, hanggang sa ma-realize ko kung gaano siya kaplastik, grabe." Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam na may ganoong pinagdaraanan pala si Kevin. He seems so happy and friendly to everyone. "Dahil sa 'yo 'yon, Nami. Eversince, I admire you for being independent. Matagal na tayong magkaklase pero never kitang nakitang nakipag-kaibigan sa school, and you look just fine, contented, satisfied, and happy. Parang wala kang ka-toxic-an sa katawan. Authentic. Kaya ginusto kitang kaibiganin kahit ang hirap mong i-approach." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman at sabihin sa kaniya. Gusto kong matawa na ganoon pala ang pagkakakilala niya sa 'kin. Paano na lang kung malaman niyang mas worst pa ako sa mga taong kinagagalitan niya. I covered my smirk. Well I guess, everyone has their bad sides, and a darkest secrets. "What happened earlier, it was so satisfying. Hindi nakakapanghinayang itapon ang walang kwentang pagkakaibigan." "You really hate liars and users, I guess." "No one wants those kind of people to their lives." "I'm happy for you. Let me take my lunch," saad ko at tumayo. Narinig ko naman ang tawa niya. I guess sanay na siya sa 'kin. Bago ako tuluyang makalayo ay muli niya akong tinawag. "Nams!" Lumingon ako. He smiled. "I'm sincere. You're really is a good person... and friend." I forced smile. Sorry In advance, Kevin. Hindi naman talaga ako mag lu-lunch, gusto ko na lang takasan si Kevin, hehe. Medyo nagu-guilty ako sa tingin niya sa 'kin e. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Napatunhay na kang ako nang maramdaman na may papadaan sa harap ko. Darryl. Kasama niya ang ilang tropa niya. Tinapunan niya ako nang tingin ngunit dire-diretso lang nag lakad papalayo. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya. "Tss, do you want him?" My eyes widened as I heard his voice. My heard took a sudden leap as I turn to him. "R-Ryo... Hi!" I awkwardly greeted but he just looked at me for a second. "Mamamo Hi." "Huh?" "Ang hirap mong hagilapin," medyo inis na aniya. "Bakit mo naman ako hinahanap?" tanong ko. Mula sa kamay niya na nasa bulsa ay kinuha niya ang pulsuhan ko. "Let's skip class," he said. Nanlaki ang mata ko. "Hoy sandale, a-anong skip class. Hindi ako puwedeng mag skip!" nagpapanic na tugon pero kagaya nang nakasanayan ay wala na akong nagawa nang hulahin niya ako palabas ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD