"I didn't know that this place does exist," I said while looking up the stars. Sobrang tahimik at kalmado ng lugar na 'to. Tanging ang mga alon lang mula sa dalampasigan ang lumilikha ng nakaka-relax na ingay.
"Hindi naman 'to kalayuan sa lugar natin," aniya. Sabagay, hindi kasi ako gala. Mas prefer ko na mag-aral, mag basa, mag-yosi o tumambay sa kuta kapag wala akong ginagawa. Doon lang umiikot ang buhay ko.
"Hmm, paano mo pala nalaman 'to?" tanong ko.
"Nag check-in kami dati sa hotel malapit dito," sagot niya. Tumango na kang ako wala nang iba pang nasabi. Muli akong humigop sa kape na binili niya. Ang sarap sa pakiramdam na parang humahahod 'yong init ng kape sa lalamunan at dibdib ko.
"Oh?!" halos mapatayo ako nang makakita ng isang bulalakaw. Ano bang month ngayon? August? Yeah, usually nag pe-peak ang Perseid meteor shower kapag August!
"What?"
"Perseid, Ryo! Peak ngayon ng perseid!" saad ko nang mapagnantong alas 2:00 na ng madaling araw kung saan ito ang perpektong oras para panuorin ang meteor shower.
"Perseid?"
"Tignan mo, ayun!" saad ko sabay turo sa kaniya ng dumaang bulalakaw pero hindi naman niya nakita. Ang bagal kasi niya e' seconds lang 'yon.
"Wala naman." Tumingin siya ulit sa 'kin pero kasabay n'on ang pagdaan ulit ng isa pang meteor.
"Ayun oh!" Turo ko pa at ipinaling ang ulo niya sa direksyon na itinuturo ko pero natigilan ako nang hindi siya sumunod.
Naiwan ang kamay ko sa mukha niya. Napatitig na lang ako sa mga mata niya habang marahang ibinababa ang kamay ko.
Pilit akong tumawa nang tuluyang maibaba ang kamay ko.
"S-sorry, na-adrenaline rush..." saad ko at napaiwas ng tingin. Napatingin na lang ako sa kape na hawak ko. Awit, Naomi.
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago ko muling ibalik ang tingin ko sa kalawakan.
"T-totoo nga. May mga meteors, h-hindi mo lang nakikita..."
"Naka-focus kasi ako sa buwan. It's beautiful, isn't it?" Napatingin tuloy ako sa langit. Wala namang buwan. Ang pangit kayang manood ng meteor shower kapag maliwanag ang buwan.
"Wala namang buwan, Ryo. May nakikita ka ba na hindi ko nakikita, ha?" bwelta ko at muling bumaling sa kaniya na nakapikit ngayon at nakasandal sa kotse niya na nasa likod lang namin. Hindi na kasi kami lumayo at umupo na lang sa tabi ng kotse para hindi na rin kami mahirapan pagbalik.
Napatitig na lang ako sa kaniya. Halata sa mukha niya na antok na rin siya. Madaling araw na rin kasi. Hindi ko alam kung makakapag maneho pa siya pauwi.
"Awit," bulong ko. Mukhang balak pa 'kong tulugan nito ni Ryo. Napangiwi na lang ako at muling tumitig sa kalawakan. Nang makaramdam ng pangangalay ay sumandal na rin ako sa sasakyan, katabi ni Ryo.
Hinayaan ko siyang matulog habang nag bibilang ako ng bulalakaw at inuubos ang kape at pagkaing dala namin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagbagsak ng ulo niya sa balikat ko.
Hindi ko maiwasang ma-awkward at kabahan. Napa-ayos bigla ako ng upo. Matangkad siya at mababa lang ang balikat ko kaya siguradong mangangalay siya, kaya naman umayos ako ng upo.
I cleared my throat two times, baka sakaling magising siya 'pag narinig niya 'yon pero wala pa rin. Mukhang tulog na nga.
Napangitin na lang ako sa kaniya na nakasandal sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatanaw ang bawat detalye ng mukha niya. Sa totoo lang, gusto kong kabisaduhin ang mga sandaling ito. Alam ko na maaring hindi na ito maulit pa...
Lalo na ngayon at alam na ni Darryl ang totoong pagkatao ko. Ang totoong pakay ko kay Ryo.
Marahang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang maalala 'yon. Parang isang bangungot. Hindi ko inasahan na sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko ay natatakot ako ng ganoon.
Takot na sa sandaling sabihin niya ang totoo kay Ryo ay kamuhian niya ako.
Kasabay ng pagbuntong hinunga ko ay ang pagsandal ng ulo ko sa sasakyan. Halos iuntog ko pa iyon.
Masasaktan kaya siya kapag nalaman niya ang totoo? O, puro galit at poot lang ang mararamdaman niya?
Sa totoo lang, mas gugustuhin ko na 'yon, na magalit siya at kapootan niya ako, kaysa naman ang masaktan ko pa siya. Double kill 'yon man! Isa pa, kasalanan ko rin naman. I deserve his anger, but him? He doesn't deserve the possible pain.
And the only thing that can save him from pain and heartbreak, is when he never fall in love with me.
Unexpectedly, I felt a warm liquid from my eyes streaming down my face. Ang bigat ng bawat patak. The last time I cried like this is when my father's flighting for his life on the hospital.
That's when I realized that Ryo is really meant something to me.
And the only thing I could ask right now...
"Please don't fall in love with me... " I said as my voice breaks. I hardly closed my eyes and feel the tears from my eyes down to my cheeks.
I don't deserve him. She deserves someone better. 'Yong hindi siya lolokohin. 'Yong hindi siya sasaktan.
I admire meteors, pero kahit kailan ay hindi ako humiling dito. Pero sa kauna-unahang pagkakataon hinihiling ko na sana, kung dumating man ang panahon na malaman ni Ryo ang katotohanan, sana mapatawad niya ako.
Iyon na ang huling bagay na naaalala ko bago ako gisingin ng unti-untling lumiliwanag na paligid. Nakita ko na lang ang coat ni Ryo na nasa akin. Nang-agaw na naman ba ako ng kumot?!
Tumingin ako sa paligid para hanapin si Ryo. Hindi naman ako nahirapan dahil natanaw ko agad siya hindi kalayuan nalapit sa pampang.
6:00 AM na. Ilang oras din akong nakatulog.
Tumayo ako para ayusin ang sarili ko. Baka mamaya e' mag panis na laway pa ako o muta. Inilagay ko 'yong coat ni Ryo sa backseat ng sasakyan. Bahala na siya d'on, basta ibinalik ko.
Tinanggal ko ang braid ng buhok ko na ako mismo ang gumawa. Magulo na rin kasi 'yon. Nilahat ko na lang ang tali doon para kahit paano'y umimis ang mukha ko.
Marahan akong naglakad papalapit kay Ryo habang dinadama at nilalanghap ang sea breeze. Nakaka-relax. Gan'on din siguro ang ginagawa niya.
"Kanina ka pa gising?" tanong ko nang makalapit.
"Medyo," aniya tumango na lang ako at muling humarap sa dagat. "Are you hungry?" tanong pa niya. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko kung gutom nga ako.
"Not yet."
"Let's eat," he said and walk towards the car. Laglag ang pangang napalingon na lang ako sa kaniya. Mapagdesisyon. Hindi naman ako pumayag ah?
Sumunod na lang ako sa kaniya sa sasakyan. Wala naman akong magagawa. Baka mamaya e' topakin 'to at iwan ako dito.
Agad na dumaloy ang kaba sa sistema ko nang makita kung gaano na karami ang tao sa syudad. Pa'no 'yan, kakain ba kami ng nakagown ako at naka formal naman siya?
"Baba." Literal na nalaglag ang panga ko nang bumaba siya. Hindi naman ako makagalaw. Siguradong pagtitinginan ako ng mga tao, saka isa pa, sabog na 'ko. Ano 'ko? Si Cinderellang natipos? Cinderellang sabog?
"Oy?" ani Ryo at kinatok pa ako. Binuksan ko ang bintana para kausapin siya.
"Ayoko," sagot ko. Nanlaki naman ang mata niya sa inakto ko.
"Anong ayaw mo?"
"Ayokong bumaba."
"Hindi ka kakain?"
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Ine-expect mo talaga na baba ako at kakain ng ganito hitsura?!" Hindi ko alam kung maiinis ako o maiiyak.
"Ano ba'ng problema sa hitsura mo?"
Hindi pa rin niya gets?! Ryo naman!
"Ayoko, uuwi na lang ako," sagot ko at kinapitan ang seat belt ko para siguraduhing nakakabit pa rin. Baka mamaya e' hilahin niya ako palabas.
Bahala siyang magalit pero hindi ako bababa. Baka mamaya sinasadya niya para pagtripa o ipahiya ako sa nga tao eh. Ang dumi-dumi ko na kaya.
Kumunot ang noo ko nang makita siyang umikot at bumalik sa sasakyan. Puno nang katanungan ang matang tinignan ko siya.
"Bakit ka bumalik, akala ko kakain ka?" tanong ko.
"Forget it."
And the next I knew, we're already eating inside the car. Yes, nag drive thru na lang ang lolo n'yo. Salamat naman at nakaramdam din.
Hindi ko na rin namalayan kung paano lumipas ang mga sandaling iyon. Nadatnan ko na lang ang sarili ko na pagod na nakahiga sa kama ko. Gusto ko sanang matulog dahil iilang oras lang naman ang natulog ko kanina. Hindi rin ako natulog sa byahe pauwi dahil nga sa kumain ako.
Pero hindi ako puwedeng matulog. Napatayo ako nang maalala ang mahalagang bagay na kailangan kong ayusin. Walang pahi-pahingang naligo agad ako para pumunta sa kuta. I wore my usual outfit. Tokong pants and oversized shirt. Sinuot ko na rin 'yong favorite cap ko. Ganito lagi suot ko kapag nasa bahay o lalabas lang para pumunta sa tabi-tabi.
Nag-jeep na lang ako. Mas tipid 'yon kaysa tricycle. Tinext ko na rin si Jeuz na pupunta ako roon para ibalita sa kaniya ang nalaman ko.
"Darryl?" tanong niya matapos marinig ang kuwento ko.
"Akala ko naman kilala mo," sagot ko saabay taas ng paa sa lamesa kung nasaan ang mga baraha nila. Si Anton, Reymart, at Edrick lang ang nandito kasama si Jeuz. Hindi ko alam kung nasaan ang iba sa kanila.
"Pasali ako sa next game," saad ko habang hinihintay ang sagot ni Jeuz.
"Oo na, baba mo paa mo!" ani Edrick.
"Arte mo!" inismiran ko siya at muling bumaling kay Jeuz. "Babe? Ano? Wala kang gagawin? Paano kung magsalita 'yon?" kunyari'y kalmadong saad ko pero ang totoo e' hindi pa rin mawala ang kaba at pagaalala ko.
Kagaya ng pagkakakilala n'yo sa 'kin ay magaling akong mag sinungaling. Magaling din mag panggap. Bagay na hindi ko akalaing magagamit ko kay Jeuz ngayon.
"Paano na lang kapag nalaman ni Ryo ang totoo? Baka mapatay ako n'on?" kunyari pang natatawang tugon ko.
"Isa lang naman ang Darryl na kilala ko eh... " malamin ang iniisip na aniya. Napa-ayos ako ng upo at seryosong tumingin sa kaniya.
"Sino, tol? 'Yong lalaking mukhang pugo?!" natatawang saad ni Reymart but thay caught my attention.
"Oy, ano ulit 'yon? Mukhang ano?"
"Ano, mukhang pugo?" Nanlaki ang mata ko.
"Siya nga 'yon!"
"Woah 'di nga?" naa-amaze na saad niya. "Grabe, ang galing mo talaga, Mart!" aniya na pinupuri ang sarili.
"Tumigil ka nga," saway ni Anton at bumaling kay Jeuz matapos ilapag ang baraha. "Siguro nga siya 'yon. The first time I saw him e' noong pinagkakaisahan natin si Ryo. Noong dapat ay itatakas ko na paalis si Naomi. Nakita niya kami, he's there the whole time," saad niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! At bakit hinayaan mo na may ibang makakita sa ginagawa natin? Ano ka ba naman, Anton?!" inis na saad ni Jeuz. I remained silent and let Anton talk.
"Hindi ko siya kilala noon. Akala ko napadaan lang. Nilapitan ko siya noon para paalisin, at umalis naman siya. Akala ko hindi ko na siya makikita, pero ayon, nung nakaraan inaagawan tayo ng pwesto sa bilyaran kasama 'yong mga kumag niyang tropa," kwento pa niya. Pilit kong inabsorb ang mga sinabi niya para makabuo ng konklusyon. So maaring nalaman nga ni Darryl ang lahat dahil nakita niya ako sa pangyayaring 'yon.
"Okay. Let's give him what he wanted."