"Shut up. I asked her." I looked Ryo. He suddenly drink his wine after saying that. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay natahimik ang lahat.
Clint cleared his throat. "Sorry. Well, t-that's unsual. Haha. Wow, I mean, you really asked someone to be your date, cool."
Napangiwi na lang ako sa inasta ni Clint. Grabe naman kasi ako kung husgahan. Akala naman niya e' gawa sa ginto 'tong tropa niya.
I sigh. Awit.
I looked around. Ang gaganda at ang gugwapo ng lahat. They're all look decent, expensive. And there I saw Kevin having fun with some guys of his life.
Eto na ba 'yon? Party na 'to? Iinom-inom lang habang nakikipag landian at nakikipag pabonggahan sa iba? Awit. Sabi ko na hindi talaga ako para sa mga ganitong event.
Halos masamid ako ng iniinom kong wine nang biglang tumugtog ang malakas na musika. Kasabay n'on ay ang masiglang pagsasalita ng MC, anunsyong simula na ng majestic ball.
Nagsimulang humungong ang ingay na halos bumasag sa eardrums ko. Excitement was very evident in everyone's face. Ryo remained cool while drinking a glass of champagne. Me? I didn't show any expression. I'm good at it.
"The dancefloor is open, everyone! The party. Starts. Now!"
And so everyone placed themselves in the dance floor, enjoying the party and fogetting who are their parents are.
I rolled my eyes. Nalimutan na ang pagiging disente kapag naaapak sa dance floor.
Si Clint pati ang date niya ay nasa dance floor na rin. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis nila. Isama mo na 'yong iba pang kasama namin sa table. Kami na lang tuloy ni Ryo ang naiwan.
I looked at Ryo. I can't help but to laugh. Sobrang boring niya, grabe. I mean, ako rin naman boring kasama, pero grabe. Nag tandem pa talaga kaming dalawa ha? Parehong wala sa hitsura namin ang sumayaw sa budots.
"What?!" inis na tanong niya nang matantong tinatawanan ko siya.
"Bakit ka uma-attend ng party kung party isn't your thing?" natatawang saad ko habang pinaglalaruan ang baso ng wine na hawak ko.
"It's not like it's not my thing. I grew up with parties and gatherings, you see," he said. Napatango-tango ako habang dumadapo sa isang konklusyon.
"Sawa ka na."
Sasagot pa sana siya nang biglang magsalita 'yong MC. Kasunod n'on ay ang pagtugtog ng romantikong musika. Nag hiyawan ang lahat at mula sa magaslaw nilang pagsayaw ay napalitan ng pagiging romantiko. Ang iba na ayaw ng ganoong konsepto ng sayaw ay nanatili na lamang sa kani-kanilang upuan.
Hindi ko maiwasang mapangiti at maumay at the same time nang makita ang ilan na sobrang lapit sa isa't isa. May boyfriend din ako kaya hindi naman ako basherist ng mga couples.
Ewan ko na kang dito sa kalapit ko na sunod-sunod ang naging pagtikhim. Napatingin tuloy ako sa kaniya, baka mamaya'y nasasamid na pala siya, hindi ko pa alam.
"A-ah, ma-makati lang la-lalamunan," nauutal na aniya nang makitang tinignan ko siya.
"Tubig, gusto mo?" tanong ko habang iniaabot sa kaniya ang tubig na nasa lamesa. Tumigil naman siya at tumingin hindi sa baso kundi sa mga mata ko. "Oh, ayaw mo rin?" tanong ko pa nang hindi pa rin niya ito kunin.
Hindi ko alam kung ilang sandali kaming tumagal sa ganoong posisyon. Nangalay na rin ako at akmang ibababa ko na ulit 'yong baso sa lamesa nang hawakan niya ang brado ko at kuhanin iyon. Akala ko'y iinomin na niya pero sa halip ay ibinaba niya iyon sa lamesa at hinila ako pagtayo.
"T-Teka," pigil ko nang matanto kung ano'ng balak niya. Tinaasan niya ako ng kilay. Grabe ang confidence ha. "H-Hindi naman ako p-pumayag na sum--"
"Hindi ko hinihingi ang permiso mo," aniya at wala na akong nagawa. I just found myself on the dance floor, dancing romantically, with my hand on his shoulder and his' on my waist.
I gulped. "I don't know how to dance..."
"You're already dancing. Just be graceful. Everyone's looking at us," he said, and so I started to scan the surrounding. Ryo is right. Almost everyone if not everyone is looking at us.
"It doesn't helped, Ryo. Lalo mo 'kong pinakaba. You know I hate attentions," I said. Nervousness was very evident on my voice and I just can't cover it up.
"Yeah, and I love it." I stopped scanning the surrounding and glued my eyes on him. Ano daw? "I love how you hate everyone's attention but seeks for mine," he said and plastered a smile.
Beat.
I don't know if it's because of what I drink earlier o ano, pero pakiramdam ko'y sandaling huminto ang paligid at ang nag blur ang lahat, maliban sa kaniya na nakangiti pa rin ngayon habang nakatingin sa kung saan.
My heart.
It feels like my heart wanted to go out of my chest. It keeps on beating eratically and I don't know how to stop it.
"Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba? Tsk, huwag ka ngang nagpahalata na ako ang first dance mo," aniya. Napaiwas na lang ako ng tingin.
Ang presko talaga ng neto. Sa kahit anong sentence naisisingit ang kayabangan eh.
"Wait, don't tell me ako nga?"
I smirked. Kala mo ikaw lang marunong may yabang ah.
"Don't tell me big deal sa 'yo 'yon. Bakit, so much pleasure ba?" I replied, mocking him. I want to burst out of laughter as I saw how shocked he was.
"Tss, baka ikaw. Ikaw ang may gusto sa 'kin eh."
"Feel na feel mo naman."
"Hindi."
"E'di don't!"
Hindi na siya nakarebat nang umikot kami for a sudden change of partners. Lol, sa mga classical movies ko lang 'to napapanood.
At kung ang kapalaran ay tunay na sawi, matatapat ka pa sa taong mukhang pugo. Mr. Clean cut. Yes, Darryl, boyfriend ni Mae pero hindi ko alam kung sila pa.
"You look feminine. Parang hindi nanapak ah," aniya, halatang nang-aasaar.
"Bakit, nasapak na ba kita?" maangas na tanong ko. Kahit madilim ang paligid ag nakita ko ang sarkastikong ngisi sa kaniyang mga labi. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya upang bumulong sa tenga ko. I felt uncomfortable, pero hindi ako natatakot dahil alam ko naman kung paano dedepensahan ang sarili ko sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
"Naomi La Torre. Nice name. But be careful, I may know who really is the person behind that name," aniya. Sandaling tagilan ako sa sinabi niya pero agad ding nag hayag ng ngiti at pilit ipinakitang hindi ako apektado.
"In contrary, your name isn't. Darryl. The real? It doesn't suits you kasi hindi ka naman totoong mahal," I replied, trying to change the topic and divert his attention.
"Stop talking nonsense." I smiled as I saw how he became distracted and affected.
"Of course I'm not. Hanggang ngayon hindi ka pa rin na-inform? Na... hindi ka naman talaga mahal ni Mae. You know he likes Ryo, don't you?"
He then twisted me.
Ramdam ko ang inis niya dahil sa humihigpit na paghawak niya sa akin. Hindi ko naman alam na ganito pala ang epekto sa kaniya n'on. Akala ko'y hindi siya seryoso kay Mae. Awit.
"Hmm?" saad ko nang makaharap ulit sa kaniya. "Oh, poor Darryl. Alam mo man lang ba kung bakit kami nag away sa hallway? Because she hates it when I follow Ryo, pero boyfriend ka niya? Nagulat nga ako eh. May boyfriend pala 'yon?"
"Shut up." Halata sa mukha niya na nagpipigil siya ng galit. Sige lang, sumabog ka. I need to know what you know about me.
"Tsk, tsk. Huwag ka kasing masyadong mag bulag-bulagan kay Mae. You know who I am? Bakit hindi muna sa Mae ang kilalanin mo? Tapos bumalik ka sa 'kin at sasabihin ko kung sino talaga ako," saad ko at kumalas sa kaniya. "It was a pleasure to dance with you."
I was about to leave when he finally say the things that I don't want but I needed to hear.
"If what you said about Mae is true, then don't be so proud because I know that you are no different. Hindi ba niloloko mo lang din naman si Ryo?"
Napapikit ako sa inis. Paano niya nalaman?!
Humarap muli ako sa kaniya. Hindi ko alam kung nasaan na si Ryo. Nagpalit-palit na rin kasi ng partner hanggang sa makaikot sa lahat ng nasaa dance floor.
"I believe you wouldn't tell him," I smiled.
"Why not?"
"Because you hate him," I said and finally leave. Lumabas ako ng ballroom. Kailangan malaman ni Jeuz na alam na n'ong pugong 'yon ang totoo. Wala akong ideya sa kung paano niya nalaman pero hindi maganda 'yon.
Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ililihim 'yon mula kay Jeuz. Alam ko na may tinatagong inis din kay Ryo ang aspiring gang leader na 'yon, at mas nadagdagan 'yon dahil sa nalaman niya kay Mae, pero hindi ko alam kung paano tumatakbo ang utak ng pugong 'yon.
I almost shout out of anger nang makitang low batt na ang phone ko. Nalimutan ko na naman yatang patayin ang data.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naiiyak ako. Ang bigat sa pakiramdam. Parang may kung anong nakadagan sa puso ko. Halo-halong kaba, stress at takot. Takot na sakaling malaman ni Ryo ang pagpapanggap ko ay kamuhian niya ako.
I can't.
Okay let's jut admit it!
I like him! Nahulog na ako sa kaniya. Wala naman na akong pakialam kung mabulilyaso ang plano ni Jeuz. Wala e', sorry I failed. Hindi ko rin naman gusto 'to at the first place. Pero 'yong magalit sa 'kin si Ryo, I can't afford it.
Napaupo na lang ako.
Badtrip.
"Hinahanap kita sa loob." Agad akong napatayo nang marinig ang boses ni Ryo.
"Ah, na-nagpapahangin lang, s-sorry hindi ako nakapagpaalam. Hindi na rin kasi kita mahanap," sagot ko sabay iwas ng tingin.
"Oh, do you want to go home already?"
"N-No."
Liar. I badly want to.
"Hmm, I bet you don't wanna go back inside again." Tumango ako. Ayokong makita si Darryl sa loob. Natatakot din ako na baka magkita sila ni Darryl at sabihin sa kaniya ng pugong 'yon ang lahat.
"C-can we... can we just go somewhere. 'Yong tahimik. Kahit sandali lang?" Hindi ko na maitago ang pagkabalisa sa boses ko. Tumango na lang si Ryo bilang sagot. Sumunod ako sa kaniya sa sasakyan.
"S-sorry..."
"It's okay. Ayoko na rin namang magtagal r'on." He then started the car. Buong byahe ay lutang ako. Hindi ko na rin namalayan kung nasaan na kami.
"I saw you talking to Darryl, kanina." Bumalik ako sa reyalidad nang marinig 'yon.
"Y-Yeah."
"What did he tell you?"
"N-Nothing new. A-as usual, he's talking about his girlfriend. Ayoko na ring pagusapan."
"I see. Dito ka lang." Nilingon ko siya at natanto na nasa tapat pala kami ng isang convenience store. Pumasok siya doon, hindi na rin ako sumunod at inantay na lang siya.
I sigh.
"Get back to your senses, Naomi. Chill. Kasama mo si Ryo, hindi masasabi ni Darryl ang nalalaman niya."
Inayos ko ang sarili ko. Ilang sandali lang ay bumalik na rin si Ryo dala ang ilang pagkain na binili niya.
Kumunot ako. "Para saan 'yan?"
"Do you like stars, or city lights?" he asked, making me confuse. Anong connect ng stars at city lights sa mga pagkain na dala niya?
"S-stars," I answered anyway.
"Let's then see stars."