Hindi ko alam kung matatawa ako o ano matapos makarating sa akin ang balita na palpak ang transaction nila Jeuz. First time nangyari 'yon sa history nila. And guess what? It is because of Ryo. And now mas tumindi ang galit ni Jeuz sa kaniya. Ang transaction kasing iyon ay ang isa sa pinakamahalaga at matagal nilang pinagplanuhan. Malaki sana ang kikitain nila kung hindi lang napalpak. Napailing na lang ako at dumiretso sa computer lab. Nasanay na ako sa tingin ng nga kapuwa ko estudyante, maging sa mga bulungan nila. Wala naman kaming klase dito sa computer lab today. I just need to use a computer para sa project ko na kagabi ko pa dapat ginawa. Wala naman akong computer at internet sa bahay kaya dito na lang muna. Hindi ko na nabilang kung gaano ako katagal doon. Gl

