"What is this?!" tanong ni Jeuz matapos ipakita sa akin ang video at ilang kuha ko noong nga sandaling nakaluhod ako at nag mamakaawa kay Ryo. Hindi naman ako agad nakasagot. Napaiwas ako ng tingin. "'Yan lang ba ang dahilan kaya pinapunta mo 'ko rito?" walang ganang tanong ko. "Oo! Now tell me, what are you doing. Are you out of your mind?!" Ramdam ko ang unti-unting pagtaas ng boses niya. Humarap ako sa kaniya. "Ano'ng pakialam mo. Wala na naman 'yong plano 'di ba?" Hindi maitago ang pagkairita sa boses at mukha ko. "Hindi ka ba talaga nag-iisip? Humihingi ka ng tawad sa taong 'yon while explaining na hindi mo naman ginusto ang lahat? Sino'ng inilalaglag mo?!" "Dahil totoo naman, 'di ba? Ikaw lang naman ang mastermind ng lahat ng 'yon!" "So you're playing like a v

