Mabilis akong nagpalit ng ekspersyon. Tsk, magiging best actress yata ako ah.
Malapad akong ngumiti.
"Ryo!" bati ko sa kaniya. Nakita ko naman na tinapunan niya ako ng tingin at bahagyang kumunot ang noo habang may sinasabi sa kasama. Kasabay niya kasing nag lalakad ang gang niya.
Kunyari ay excited kong inayos ang damit ko at ang sarili ko. Kailangan na mapansin niya ang pagbabago ko para hindi naman sayang ang effort ko.
Muli akong lumingon sa kaniya. Akala ko ay kagaya ng nakasanayan ay lalampasan niya ako at hindi papansinin pero ikinagulat ko nang humiwalay siya sa mga kaibigan niya para lumapit sa akin at harapin ako. Suot niya ang inis na reaction niya.
Nakaramdam ako nang pagka-ilang nang tignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Tumaas ang kilay niya. "Bakit?" tanong niya dahilan para mapakurap ako nang dalawang beses.
"H-ha?" tae, bakit nga ba? Wala akong mahanap na sagot dahil hindi ko rin naman alam bakit ko siya tinawag. Alangan namang sabihin ko na tignan niya 'ko.
Nakita ko ang disappointment sa mukha niya. Agad akong humanap ng salita para may masabi.
"Ah, y-ya-yayayain sana k-kita mag lu-lunch… mamaya…" I bit my lower lip. Bakit ako nauutal?!
Nakaramdam ako ng kaba habang iniintay ang sagot niya. Para saan naman ang kabang 'yon, Naomi?
"Alright. Meet me sa likod ng university… mamaya," saad niya at umalis. Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko. Gusto ko pa sana siyang sigawan para kumpirmahin kung tama ang dinig ko pero huwag na lang dahil baka bawiin niya.
Buong klase ay iyon lang ang inisip ko. Hindi ko na halos inintindi ang madugong lesson namin sa calculus. Nasa isip ko lang ang kung ano'ng mangyayari mamaya.
Inip na nag hintay ako kahit para bang napaka-bagal ng pag-usad ng oras, hanggang sa marinig ko ang sign.
Mabilis na niligpit ko ang gamit ko pero bago pa man ako tuluyang makatayo ay naramdaman ko ang pag lapit ng isang blocmate ko.
"Hi, Naomi, right?" I nodded. "Since patapos 'tong first semester, gusto sana ng bloc na magkaroon ng simpleng get together. Chill lang gan'on. Sama ka," aniya.
"An'yare? Dati naman hindi n'yo 'ko niyayaya," sagot ko habang hinahanap ang strap ng bag ko. Hindi naman sa nag tatampo ako na hindi nila ako isinasama sa gathering ng bloc. Hindi rin naman talaga ako sasama kahit yayain nila. Nakakapanibago lang na kinonsider nila ako.
"Sorry, pero eto na nga. Sa bahay daw nila Mika," sagot pa niya. Sino naman si Mika?
"Ayoko," sagot ko at tinalikuran siya. Hindi ko naman sila mga kilala. Hindi ko ng kilala kung sino 'tong kausap ko e'.
"Naomi, ayaw mo talaga?" Habol pa niya. Napairap ako nang tuluyan niyang harangan ang daan ko bago pa man ako makalabas.
"Kahit saglit lang Naomi. Ang importante lang sa 'min e' kumpleto ang bloc."
"Ano namang mapapala ko?" inip na tanong ko. Ayoko nang sinasayang ang oras ko. Kung wala naman akong mapapala sa isang bagay, bakit pa ako pupunta?
Nakita ko naman na nag isip siya. Nanlaki ang mata niya matapos mukhang may maisip. "I heard you are rooting for Ryo Del Suarez." Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Ganoon ba 'yon kakalat? "Kapatid niya si Mika, that'll be a good start!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Kasunod ay napalingon ako sa babaeng itinuro niya. Ang Mika na sinasabi niyang kapatid ni Ryo. Cute siya at mukhang harmless. Bakit hindi ko agad nalaman na may kapatid siya rito?
Mukhang tama 'tong lalaking 'to ah.
I licked my inner cheek at hinila 'yong lalaki sa gilid.
"Kailan?" tanong ko. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. Matapos n'on ay iniwan ko na siya.
Kagaya ng sinabi ni Ryo ay sa likod nga aki ng university pumunta. Hindi ko alam na may lugar pala sa likod ng university. Unti-unti ko nang nae-explore ang mundo dahil sa misyon na 'to.
Kabadong inayos ko ang damit ko bago ako tuluyang lumiko sa likod ng university. Hindi ko pa rin talaga maintindihan paano nakakaya ng mga babae na mag suot ng dress with hills.
Huminga ako ng malalim at lumiko pero nanlaki ang mata ko nang makita ang kaguluhan sa likod.
Mukhang gang fight. Nakasama na ako sa isang gang fight isang beses. Protektado naman ako ni Jeuz pero nakakalaban din ako.
Hindi ko na pinansin ang nag aaway. Normal na sa 'kin 'yan. Wala nang bago. Hinanap ko na lang si Ryo na malamang ay nag hihintay.
Nahirapan ako na mahanap siya dahil sa away. Lalakad na sana ako pero nagulat ako nang isang braso ang pumulupot sa leeg ko. Kasabay n'on ay ang pag dampi ng malamig na metal sa leeg ko. Kutsilyo.
I knew at this moment that I'm trapped.
"Del Suarez!" sigaw ng lalaki sa likod ko sabay malakas na tumawa. Nakita mo naman kung paanong nahinto ang lahat at ibinaling ang atensyon nila sa akin.
"Bitawan mo 'ko," sabi ko sa lalaki habang hawak ang braso niya na nasa leeg ko.
"Bakit kita papakawalan. Magagamit kita laban sa kaaway ko."
"Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy mo. Napadaan lang ako rito," pag sisinungaling ko. Alam ko na walang nakakarinig sa usapan namin dahil sa distansya namin mula sa iba.
"Sinungaling. Ilang beses na kitang nakita na kasama si Ryo. Huwag mo 'kong lokohin," sagot niya. Napapikit na lang ako sa inis. Bakit ba ako nag dress ngayon? E'di sana mas makakalaban ako.
"Ano, Ryo?! E' kung saksakin ko 'tong syota mo, ha?"
Mas bumigat ang pag hinga ko nang magtama ang mata namin ni Ryo. Hindi ako sigurado kung tutulungan niya ako, pero kung hindi… wala akong choice kundi ipakita ang totoong pagkatao ko at kalimutan ang misyon ko.
Tiim bagang at matalim na tinignan ni Ryo ang lalaking may hawak sa akin ngayon. Hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba para sa buhay ko.
"Go. Get gone," malamig na tugon ni Ryo. Nakita ko naman ang violent reaction ng nga kasama niya sa gang. Hindi sila sang-ayon sa desisyon ni Ryo. Wala akong alam sa kung anong usapan mayroon sila, at kung bakit sila nag aaway ngayon.
Napa-atras ako nang maramdamang hinihila niya ako pa-atras. Unti-unti ko ring nararamdaman ang hapdi ng pagdampi ng kutsilyong hawak niya na nasa leeg ko.
Napapikit ako nang marahas niya akong itulak sabay tumakbo paliko upang makatakas. Agad naman na sumunod ang gang ni Ryo.
Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa tuhod dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig. Malapit na 'kong maniwala sa malas.
Gusto ko lang naman mag lunch.
Bumuntong hininga ako at pinilit ang sarili na tumayo. I will never wear dress again. Never.
Naramdaman ko ang isang kamay na tumulong sa akin sa pag tayo. Natigilan ako. "Stupid. Alam mo nang may riot hindi ka pa tumakas," saad niya na para bang kasalanan ko pa.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Isinisisi niya ba sa 'kin ang nangyari? Hindi ko alam kung paano ako mag re-react. Gusto ko siyang bulyawan, awayin at sapakin, pero sa halip…
"Sorry." I pouted, trying to look cute kahit masakit na.
Nakita ko naman na mas lalo siyang nainis. Ano ba? Ano ba'ng gusto ng taong 'to?! Ayaw niya sa boyish, ayaw din sa girly, ayaw rin naman sa pabebe. Tao pa ba 'to?!
"Uuwi na 'ko," saad ko habang binabawi sa kaniya ang braso ko na kinuha niya para tulungan akong tumayo.
"Sandali," saad niya at inangat ang baba ko para mas makita ang leeg ko. "You're bleeding," he added. Kumunot ang noo ko at agad na napahawak sa leeg ko. Oo nga, nag dudugo nga.
"I can handle this," sagot ko at pilit na umiwas sa kaniya. Pagod na 'kong mag panggap. Gusto ko na ring mawala siya sa paningin ko dahil suyang-suya na 'ko sa kaniya. "Next time na kang tayo lunch, sorry mukhang nakatakas kaaway n'yo dahil sa 'kin."
Hahakbang na sana ako paalis nang maramdaman ko ang kamay niya sa akin. Sunod-sunod ang naging pag lunok ko nang maramdaman ang kakaibang kuryente na dumaloy mula doon. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa sasakyan niya. Ang rahas talaga.
Hindi na ako nakapag salita lalo na nang mabilis niyang paandarin ang sasakyan niya.
"Oh." Napalingon ako nang may naiabot siyang panyo sa akin. Hindi ko naman 'yon makuha dahil hindi ko alam kung para saan. "It keeps on bleeding, wipe it," saad niya pa. Doon ko naman naintindihan. Halos makalimutan ko na may sugat ako.
Mabilis na kinuha ko ang panyo para punasan at pigilan ang pag daloy ng dugo mula sa leeg ko.
Nanatili kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa matanaw ko ang isang mansion na dead end ng daang tinatahak namin. Kanino na namang bahay 'to? No'ng nakaraan ibang bahay din 'yon.
"A-ano'ng--"
Magtatanong pa sana ako nang bigla siyang bumaba ng sasakyan at ibinagsak ang pinto nito. Nakagat ko na lang ang labi ko, nag pipigil ng inis. Maya-maya ay sumunod na rin ako.
Inilibot ko ang paningin ko sa marangyang interior design ng mansion. Mas maaliwalas at maliwanag ito kaysa sa unang mansion na pinagdalhan niya sa akin.
Natigil ako sa ginagawang pag uusisa nang marinig ang tikhim ng isang matandang babae na sa tingin ko e' mayor doma ng mansion.
Pilit akong napangiti. "Magandang araw po," saad ko at mabilis na sumulyap sa paligid para hanapin si Ryo na nauna sa aking pumasok.
Napansin din siguro n'ong matanda na hinahanap ko si Ryo kaya nagsalita na siya. "Nasa kuwarto niya si Kael, ibinilin ka niya sa akin," aniya. So Kael pala ang childhood nickname niya.
Muli akong nabaling sa matanda. Mukha naman siyang mabait pero parang medyo reserved.
"Ah, gan'on po ba."
"Halika. Ano'ng nangyari sa leeg mo?" tanong niya at iginiya ako sa living area.
Sumunod na lang ako kahit na hindi ko alam kung bakit dapat pa akong manatili rito.
Tinignan nung matanda ang sugat ko, sandali siyang nagpaalam para kumuha ng gamot kaya naman naiwan ako sa living room. Mangha pa rin na tumingin ako sa paligid hanggang sa dumako ang mata ko sa area kung saan nakalagay ang ilang mga litrato.
Dala ng kyuryosidad ay lumapit ako roon para silipin habang hinihintay ang pagbalik ng matanda.
Natigil ako sa family picture nila. Tama nga 'yong blockmate ko, kapatid niya nga si Mika na blockmate ko rin. Hindi ko man lang napansin ang pagkakahawig nga nila. Napansin ko na mas kamukha sila pareho ng mommy nila kaysa sa daddy nila.
Napatitig tuloy ako sa daddy niya para tignan kung ano ba ang nakuha ni Ryo sa kaniya.
Napakunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar ito sa akin habang tumatagal ang titig ko rito. Hindi ko alam. Sigurado naman ako na hindi pa kami nagkikita kahit kailan. Parang ano lang…
"Hija?" Mabilis na napalingon ako dahil sa tawag na iyon.