CHAPTER 06

1748 Words
"Hija, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong n'ong matanda na may dalang first aid kit. Napakamot na lang ako ng ulo, ayoko na sanang mag tagal pa rito e. "Na-curious lang po sa mga pictures…" nahihiyang tugon ko sabay napakamot sa ulo. "Halika, gagamutin na kita," aniya. Nag-alangan pa ako pero wala rin naman akong nagawa kundi ang hayaan siya na gawin ang gusto niya. Pagtapos nito, uuwi na talaga ako dahil wala naman akong gagawin dito. "Salamat po, pero kailangan ko na po sigurong umuwi," saad ko habang nililigpit niya ang mga gamit. Natigilan siya. "Sige, pero umakyat ka muna sa taas para magpaalam kay Kael," sagot niya na ikinagulat ko. "H-ha?" Bakit kailangan kong magpaalam sa taong 'yon? "Baka magalit si Kael kapag pinauwi kita nang hindi sinasabi sa kaniya, kaya ikaw na mismo ang magpaalam," aniya at ngumiti. "Hindi na po siguro kailangan, hindi naman po kami magkaibigan. T-tinulungan niya lang po ako." "E'di mas lalo kang dapat magpaalam at magpasalamat sa kaniya," sagot niya. Medyo napahiya ako roon dahil lumalabas na hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob. Matapos tulungan ay aalis na lang basta. Wala na akong nagawa. Napakagat ako sa labi. "Saan po ba ang k'warto niya?" tanong ko at inilibot muli ang mata sa paligid. Ngumiti naman ang matanda at saka ako sinamahan paakyat ng hagdan. "Diretsohin mo 'yang pasilyo. Sa 'yong pinakang dulong pinto ang kuwarto ni Kael," aniya na tinanguan ko na lang habang tinatanaw ang pasilyong tinutukoy niya. "Maiwan na kita at marami pa akong gagawin." Napangiwi na lang ako nang tuluyan nang bumaba ang matanda. Sa laki ng bahay nila ay maliligaw ka talaga. Hindi maitatago ang kayamanan sa bawat bagay na na nakikita ko. Lalo na 'yong mga collections at paintings sa pader. Kahit yata isa lang sa mga iyon ang maibenta ko e' yayaman na ako. Ang unfair talaga ng mundo. Bumuntong hininga ako bago simulang katukin ang pinto. Dalawang beses. Mahina. "Ryo…" tawag ko sa halos maglahong boses. Napakagat ako sa labi ko nang wala akong marinig na sagot. Sure naman ako na ito 'yon. Ito ang pinakang huling pinto sa pasilyo na 'to. Natatakot naman ako na baka ibang kuwarto ang makatok ko. Muli sana akong kakatok pero nagulat ako nang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang walang t-shirt na si Ryo. Agad na napatalikod ako. Kadiri ang walah. Mukhang kakagaling lang niya ng C.R at hindi pa bihis. Mahina siyang natawa sa inasal ko. Tss, kala naman niya ang ganda ng katawan niya. "Did you got cured?" tanong niya. Hindi ko pa rin ibinabalik ang tingin ko sa kaniya. Nanatili iyon kung saan. "O-oo," nauutal na saad ko. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mailang sa harap niya. Ngayon lang yata. "Good." "A-alis na 'ko," paalam ko. Wala sa puso ko ang magpasalamat dahil kasalanan din naman niya kung bakit nangyari sa 'kin 'to. Isa pa, hindi ko naman hiniling na tulungan niya ako. Nagsimula akong humakbang paalis ngunit hindi pa ako nakakalayo nang muli siyang magsalita. "Lunch," he said. Kumunot ang noo ko at mabilis na napaharap sa kaniya. Tumutlo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha niya. Ngumisi siya at mag simulamg maglakad palapit sa akin. Agad akong binalot ng pagkailang at mabilis na sinuri amg paligid kung may tao ba dahil nakakahiya ang ginagawa niya ngayon. "You asked me for a lunch, didn't you?" aniya na sobrang lapit na sa akin. I can almost hear him breathing. "Unfortunate things happened," tanging nasambit ko. "That doesn't mean it was cancelled," pilit niya. Napanganga na lang ako sa inasal niya. Bakit parang ini-insist niya na makasama ako ngayon. Ayokong mag assume pero kinakabahan ako sa ipinapakita niya. "I--" "Meet me downstairs," he cut me off. "What?" I mean for what? Tumaas ang kilay niya. "But if you want, you can wait for me inside," nang-aasar na saad niya sabay turo sa kuwarto niya. I sigh. Pasalamat ka kailangan ko na mahulog ka sa akin. "Don't make me wait for so long," saad ko at tinalikuran siya. Bawas na rin ang energy ko sa pagpapanggap kaya naman ganoon ko na lang tinapos 'yon. Bumaba ako at naabutan ko ang matanda nilang kasambahay na nag aayos ng dining table. Kanina ko pa rin napapansin na parang wala silang ibang kasama dito sa bahay. "Sigurado akong hindi ka niya hinayaang umalis," saad nang matanda paglapit ko sa table. Tipid akong ngumiti. "Ano ulit ang ngalan mo, hija?" "Nami ho," sagot ko. Tumango siya. "Ako si Manang Lita, ang mayor doma dito," pakilala niya sa sarili. Kinuha ko na rin ang pagkakataon na iyon para magtanong ng mga bagay na kanina pa nag lalaro sa isip ko. "Oh, matagal na ho siguro kayong nagt-trabaho rito," saad ko at kinuha ang tubig na kanina'y sinalin niya. "Oo, bagong kasal ang mga magulang ni Kael nang pumasok ako rito." "Oh, speaking of his parents, nasaan po sila? Pasensya na, hindi ko kasi sila napapansin kanina pa," saad ko at kunyari pang hinanap sila sa paligid. "Huwag mo na hanapin, madalas silang wala rito," sagot niya at iniwan ako para kumuha ng kung ano. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at nanatili sa puwesto ko hanggang sa bumaba si Ryo. Umupo siya sa katapat ko at nagsimulang galawin ang pagkain nang hindi man lang ako tinitignan. Hindi ko tuloy ako kumportable na galawin ang pagkain ko at sa tingin ko'y napansin niya 'yon. "You're not eating," komento niya. Automatic naman na napahawak ako sa kubyertos na nasa harap ko. "Hindi ka naman mukhang mapili sa pagkain." Hindi ko alam kung nang iinsulto siya o ano. "Sorry," sagot ko at nag simulang kumain. "So, when did you start liking me?" tanong niya na halos ikasamid ko. Mabilis kong kinuha ang tubig at nakita ko naman ang lihim na pag ngisi niya. "W-what?" hindi ko na naisip ang sinagot ko. "Do you want me to repeat it?" "No, uhm," wala na akong choice kundi sumagot. Nag isip ako, at hindi ko naman pwedeng sabihing recently lang at napilitan lang ako. "N-Noong first year college ako, pero ngayon lang ako nag lakas ng loob na l-lumapit sa 'yo," sagot ko, pinipilit na huwag masuka sa kasinungalingan ko. Tumango lang siya at hindi na sumagot. Mabuti na rin dahil ayoko naman talaga siya kausap. Ang hirap niyang pakisamahan sa totoo lang. Minadali ko na rin ang pagkain ko para naman makaalis na agad ako rito. Ayokong maabutan pa ang pag dating ng kung sino pa man sa pamilya niya na dapat ko pang pagsinungalingan. Akala ko ay hahayaan niya lang akong umalis mag-isa kagaya ng nakasanayan. Kagaya ng ginawa niya sa 'kin noong una. Ang hirap pa naman humanap ng sakayan dahil malayo rito 'yong main road. "Sakay," aniya at pumasok na sa driver's seat. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya sa loob ng sasakyan. Ni-start na siya iyon at muli siyang tumingin sa akin na nasa labas pa rin. Tumaas ang kilay niya. "Sasakay ka o mag lalakad ka?" tanong niya. Agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Syempre ayokong mag lakad, ayoko rin naman siyang kasama pero sumakay na lang ako. "Saan ka ba nakatira," tanong niya. Ngayon ko lang napansin na kanin pa siya tanong ng tanong tungkol sa akin. Kanina'y tungkol sa pagka-gusto ko sa kaniya, ngayon naman ay kung saan ako nakatira. Ayoko namang bigyan ng kahulugan ang mga iyon. "Ah, sa tingin ko hindi kasya 'tong kotse mo sa eskinita," sagot ko ba lang at isinandal ang ulo sa bintana para tignan ang langit. "Eskinita?" "Ibaba mo na lang ako d'on sa coffee shop malapit sa amin," saad ko at hindi na muling nakipag-usap. Ubos na ubos na ang baterya ko, alas 3:00 pa lang ng hapon. "Did you got scared?" maya-maya'y tanong niya. Makakatulog na pa naman sana ako. "Saan?" "Kanina, d'on sa gang fight." Napaisip naman ako. Hindi naman talaga ako natakot, pero syempre magiging weird ang dating n'on sa kaniya. "Of course. Bakit mo naitanong?" "That's why you're acting different," saad niya nang hindi man lang pinansin ang tanong ko. Na-gets ko naman 'yon. Napansin niya siguro na hindi ako makulit ngayong hapon. Well, let's just say na nakakapagod ding mag panggap. "You too." Siya rin naman. Inihatid niya ako tapos ang daldal pa niya. He's acting different din. "Dito na lang," saad ko nang matapat sa coffee shop. Hindi naman iyon mahirap hanapin. Walang habas siyang pumreno kaya halos masubsob ako. Buti na lang mag seat belt. Ang sama niya talaga. "Thank you, Ryo," ngumiti ako kahit paano. Well, siguro sincere 'yong thank you na 'yon. Tinulungan niya ako kanina, tapos pinagamot pa 'ko. Hindi naman siya sumagot. Hindi rin tumingin sa akin. Hinintay niya lang na bumaba ako at ganoon nga ang ginawa ko. Tinignan ko siya na mabilis na pinatakbo ang sasakyan paalis. Kahit kailan talaga hindi ko makakapa ang mood niya. Bumubtong hininga ako. I can now be myself. Lalakad na sana ako para umuwi pero natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Babe?" Napalingon ako sa boses na iyon. Pakiramdam ko ay natanggal lahat ng pagod ko buong maghapon nang makita ko si Jeuz. "Babe!" Nakangiting tugon ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Naalala ko naman na mahilig siyang mag kape kaya malamang ay bumili siya ng kape rito. "Coffee lang," sagot niya. Hindi nga ako nagkamali. Manghang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Woah, ang ganda mo," puri niya. Sa lahat ng tao na nagsabi na maganda ako ngayong araw, sa kaniya lang ako naniwala. "Salamat." "Si Ryo ba 'yon?" tanong niya at tinanaw ang sasakyan ni Ryo kahit na hindi na naman niya iyon makikita. Lumingon din ako kahit wala na naman. "Oo," mapait na tugon ko. Nakakapagod marinig ang pangalan niya ngayong araw. "You dressed up for him?" tanong niya, mukhang selos. Napangiti naman ako. Ang cute niya. "No, I dressed up for you. Para sa 'yo lahat ng ginagawa ko. Bakit, selos ka?" saad ko, habang pilit na itinatago ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko na napigil ang mga ngiting iyon nang yakapin niya ako. Nawala talaga lahat ng pagod ko. "Ano'ng nangyari sa leeg mo?" tanong niya, hindi pa rin kumakalas sa yakap niya sa akin. Napansin niya pala 'yon. "It's been a long day, I love you," I replied.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD