CHAPTER 07

1991 Words
"La Torre, basta go ka sa gathering ha?" muling paalala sa 'kin ni Gavin, 'yong kaklase ko na nag iinvite sa 'kin sa bahay nila Mika. Sinabi ko naman sa kaniya ba pupunta ako. Ang kulit niya, paulit-ulit. "Oo na, sige na," iritadong tugon ko sa isnakbit ang bag ko. Pababa na sana ako sa pinto palabas ng classroom namin nang mapansin ko ang bulungan ng blockmates ko. Natigilan din sila nang mapansin na nakatingin ako. Kumunot ang noo ko pero iniwan na rin sila. Ang weird nila ha. Hindi naman nila ako pinapansin dati. Hays, pakiramdam ko unti-unti nang nagbabago ang lahat. Sana naman ay hanggang ganito na lang. Kapag naging boyfriend ko si Ryo, o kung mahulog nga siya sa akin, siguradong mas gugulo ang mundo ko sa university. "Siya 'yon? Ang lakas ng loob ha," rinig ko pagdaan sa hallway. I usually ignore gossips and make my own world in this university alone, pero ngayon ang weird lang na napapansin ko lahat. Hindi ko alam kung ako lang pero pakiramdam ko nasa akin ang atensyon nang lahat. Ayoko pa naman ng ganoon. Nagmadali na lang ako na ibalik ang mga gamit ko sa locker para makalabas na agad. Bubuksan ko pa lang sana 'yong locker nang isang kamay ang pumigil noon at malakas na isinara ang locker ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Inis na tumingin ako sa taong gumawa noon at bumungad sa akin ang isang hindi ko kilala lalaki. Naka varsity at malinis ang gupit niya. Matangkad at may hitsura naman. "Oh, bakit ang sama ng tingin mo? May problema ka?" maangas na tanong niya at saka tumawa. Nagbulunga naman ang ilang kaibigan na kasama niya sa likod. Dinig ko ang bulungan sa paligid pero wala akong pinagtuunan ng pansin. Pinilit ko na lang na palampasin. Muli akong humarap sa locker at bahagyang tinabig ang kamay niya na naka-kapit pa rin doon para mabuksan ko pero hindi niya pa rin inalis. Sinasagad niya ako. "Sino ka ba?" tanong niya. Hindi naman siya si Ryo, so hindi ko kailangang magpanggap na mabait, mahinhin at mahinang binibini. "Pakialam mo ba?" sagot ko nang muling humarap sa kaniya. Hindi makapaniwalang natawa siya. Nanliit ang mata ko nang marinig ang nakakainis niyang tawa. "Puwede paki-alis na 'yong kamay mo sa pinto ng locker ko? Ang sagwang tignan e'. Akala mo maganda kamay mo?" saad ko para inisin siya at mawala ang tawa niya. "Mayabang ka pala talaga, bakit sino ka ba?" sagot niya. I crossed arms at bahagyang tumawa. Paninindigan ko na 'to. "Hah, bangag ka ba? Ano 'to random bullying? Nakakahiya ka," sagot ko. Masaya na sana ako dahil sa inis niyang reaksyon pero hindi ko inasahan na sasaktan niya ako. Hinila niya ang buhok ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Ramdam ko ang gigil at inis niya. Mapangiwi ako nang maramdaman ang totoong sakit. "A-ano ba. Ano ba'ng kasalanan ko sa 'yo?!" saad ko habang pilit binabawi ang buhok ko. " Sa akin wala, pero sa girlfriend ko, mayr'on," mariing aniya. "Hindi nga kita kialala, girlfriend mo pa kaya?!" inis na sagot ko kasabay n'on ay ang mas matindi niyang paghila sa buhok ko. “Bastos ka talaga.” Nanlaki ang mata ko nang makita ang kamay niyang naka-angat para sampalin ako. Hindi ko naman kasi talaga kilala ang girlfriend niya e’! Napapikit na lang ako nang maramdaman ang kamay niya na papalapit sa mukha ko. Tinanggap ko na lang ang inihanda ang sarili sa daranasing sakit mula sa kaniya pero lumipas ang ilang sandali ay wala pa rin iyon. “R-Ryo?” Manilis na napamulat ako nang marinig ang sinabing iyon ng lalaki. Mas lumakas ang ugong ng mga bulungan sa paligid kaya naman mabilis akong napatingin sa kamay n’ong lalaki na dapat ay isasampal niya sa akin. Hawak iyon ngayon ni Ryo. Totoo ba ‘to? He actually saved me? “Let go of her,” aniya. Napalunok ako nang maramdaman ang pagluwag ng hawak niya sa buhok ko, hanggang sa tuluyan niya akong bitawan. Mabilis kong inayos ang sarili ko. “Sorry Ryo, pero may atraso kasi sa girlfriend ko ang babaeng ‘yan e’. Ibigay mo na sa ‘kin ‘to oh,” pangangatuwiran naman nang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung anong atraso ang tinutukoy niya. Wala nga kong kinakausap dito sa school. “Nasa’n ang girlfriend mo? Bakit hindi siya ang gumanti?” malamig ang boses na tanong ni Ryo. Inilayo ko na lang ang tingin ko nang maisip na hindi naman uubra sa ‘kin kung sinuman ang grilfriend ng lalaking ‘to. Mukha talaga akong mahina sa paningin ni Ryo. “Just give her to me--” “She’s mine.” Mabilis na naibalik ko ang tingin ko sa kay Ryo matapos marinig ang sinabi niya. Wait lang, tama ba ‘yung naring ko? Agad ko namang nakumpirma nang marinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Ryo sa pag sasabi n’on pero iba ang epekto n’on sa ‘kin kaya mas na-we-weirdohan ako sa nararamdaman ko. “Pasensya na,” wala nang nagawa ang lalaki. Nakita ko pa na tinignan niya ako ng masama bago siya umalis pero hindi ko na pinansin ‘yon. Nakay Ryo lang ang mga tingin ko. Sinundan niya ng tingin ang lalaki bago muling bumaling sa akin, tamad na tinignan niya ako bago ako siniringan at nilampasan. Sandali pa akong natulala pero humabol din sa kaniya, dahilan para mas umingay ang hallway. “Sandali lang, Ryo,” habol ko at humawak sa braso niya. Bumaling naman siya sa akin. “What?” Napalunok ako, bakit nga ba? Sigurado ako na hindi na ‘to kasama sa palabas ko. “‘Yung sinabi mo kanina.” Napakagat ako sa labi ko, nag aalangan na baka mag mukha akong assuming, pero dahil sinira ko na naman ang image ko sa harap niya mula noong nagsimula akong tanggapin ang misyon para kay Jeuz, lulubosin ko na. “What?” tanong niya at tuluyang bumaling sa akin,mukhang interesado na sa sasabihin ko. “‘Yong kanina.” “Marami akong sinabi kanina, ano doon?” tanong niya pa. Alam ko naman na nag mamaang-maangan lang siya na kunyari ay hindi niya alam ang sinasabi ko. Hindi ko alam bakit nakikipaglaro siya sa akin ngayon. Badtrip. “Thank you na lang. Ilang beses mo na akong tinutulungan. Sabihin mo lang kung paano ako makakabawi,” saad ko na lang. Ayoko nang i-bring up ‘yong kanina. Sigurado naman ako na hindi siya seryoso doon at sinabi niya lang ‘yon para tigilan ako n’ong lalaki kanina. “Gusto mong makabawi?” tanong niya. Agad na napa-angat ako ng tingin sa kaniya na mukhang sineryoso nga ang sinabi ko. “Oo,” kabadong tugon ko, napasubo na ako. Doble ang kabang narandaman ko nang makita ang konting ngisi sa labi niya. Knowing him, wala siyang awa, bayolente at walang pakiaalam kung babae at mahina ka. Naaalala ko pa nung unang beses na sinakal niya ako gamit ang kwelyo ng damit ko. Yumuko siya para magpantay ang tingin naming dalawa. Bahagya akong napa-atras sa lapit ng mukha niya sa akin. "Wala akong kailangan mula sa 'yo. I want you to just stay away from me," aniya na ipinagtaka ko. Ang gulo naman niya. Tinulungan niya ako tapos sasabihin niya na layuan ko siya. Hindi puwede 'yon! "A-ah, iba na lang! Ano, kahit anong iutos mo, susundin ko. Uhm, I'll do your maths, projects--balita ko bagsak ka sa business math, I can do it--" Natigilan ako nang mapansin ko ang pagbabago sa mukha niya. Naisip ko naman ang sinabi ko at napagtanto na medyo below the belt nga 'yung fact na bagsak siya sa business math nila. "Sorry…" tanging salitang nasambit ko. Nakita ko naman kung paanong nag pipigil siya ng inis. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang nag pigil. Sa pagkakatanda ko kapag galit siya hinahayaan niya ang sarili niyang gawin ang nakaka-satisfy sa kaniya. "Fine, meet me on the SB later," aniya. Hindi ko naman makapa ang mood niya. Ang hirap niya talagang basahin. Napangiwi na lang ako pagka-alis niya. I sigh. You just put yourself on another trap, Naomi. Bagsak ang balikat na nag lakad ako pabalik sa locker area para tapusin ang business ko r'on. Meet him on SB daw. Hindi ko pa naman afford d'on. Hindi naman siguro siya 'yong tipo na magpapalibre 'di ba? "Naomi, bakla ka." Napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Si Gavin. Baklang 'to, kinakarir ang pagkausap sa akin. "Ano?" walang ganang tugon ko. Syempre hindi ko kailangang umaktong feminine sa harap niya. "Napano ka kay Darryl?" "Sinong Darryl?" "Darryl, 'yong boyfriend ni Mae!" Kumunot ang noi ko nang medyo tumaas boses niya. Sinisigawan niya ba 'ko? "Hindi ko sila mga kilala," sagot ko at isinara ang locker ko matapos ayusin ang mga libro doon. Naglakad ako paalisa pero sumunod pa rin si Gavin. "Si Darryl kanina 'yong lalaking nang-bully sa 'yo," aniya. Medyo naging interesado ako sa sinabi niya. Iyong lalaking naka-clean cut pala ang tinutukoy niya. "Ah, tss. Sino naman 'yong Mae? Ano'ng atraso ko d'on para ganonin ako ng boyfriend niya?" Humarang siya sa daan ko. "Huh? Viral video n'yo sa gossip page ng university ah," aniya at kinuha ang cellphone. "Gossip page?" bulong ko at sumilip sa cellphone niya. Ano namang video 'yon? Wala talaga akong maalala. Pinanood niya sa 'kin 'yong video. Eto 'yong nangyari noong mga nakaraang linggo pa ah. 'Yong babaeng kinuwelyohan at itinulak ko dahil hinaharangan niya ako papunta kay Ryo. Iyon pala 'yon. Napapikit na lang ako sa inis. May atraso nga ako. Hindi naman alam! Saka hindi ako mag so-sorry! "Ang tapang mo 'te." "Ang babaw naman niya. Sinabunutan niya nga ako, hindi ko naman tinawag si Jeuz," bulong ko sa sarili. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglakad tungo sa library. Sandali lang naman ako mag-aaral at aalis na rin para puntahan si Ryo sa SB. "Ang bilis mo naman mag lakad," saad ng humahabol na si Gavin. Hindi ko pa rin alam kung paano talaga mafa-fall sa akin si Ryo. Ang tagal ko nang nagpapaka-dalagang pilipina. "Gavin, tama?" tanong ko nang humarap kay Gavin. Nakita ko naman ang gulat at medyo dissapointment sa mukha niya. "K-Kevin be, Kevin Bautista, hehe," sagot niya. Napanganga na lang ako sa hiya. Ganoon ba ako kawalang interes sa kaniya? "S-Sorry, Kevin. Okay, uhm… hindi ko alam kung masasagot mo 'to. Pero wala kasi akong ibang mapagtanungan…" nag hehesitate pang saad ko. "Ano ba 'yun?" "Uhm, you know I like Ryo, right?" panimula ko. "Everyone here in university knows, baby girl. Ang obvious mo kaya these past few weeks. Lagi kang nakabuntot sa kaniya--" "Oo na, oo na! Let's just say na, I am now desperate to make him fall. I just don't know how. What should I do?" Wala nang hiya-hiya 'to. I'll do my best para kay Jeuz. Nakita ko naman ang pagbagsak ng panga niya. Sana siya ang tamang tao na mapagtatanungan ko tungkol sa bagay na 'to. "Wow, jowang-jowa ka na talaga 'te?" natatawang tanong niya, pero seryoso pa rin ako at napansin niya 'yon kaya naman nag seryoso siya. Hinila niya ako para umupo sa bench. "Alam mo girl, you're pretty naman e'. Kulang ka lang sa aura. Na-try mo na bang landiin siya to the highest level?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko. I can't imagine. "Paanong to the highest level?" "I'll teach you, little girl," aniya at saka malapad na ngumiti. Hindi ko alam kung dapat kong pagkatiwalaan ang mga sinabi niya pero wala naman sigurong masama kung susubukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD