Nasa lib na ako pero hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yong mga sinabi si Kevin. Hindi ko alam kung dapat ba ‘yon pero mukha namang maganda ‘yong mga suggestions niya.
“Argh! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?!” wala sa sariling nasambit ko. Narinig ko na lang na basta ako sinaway nung librarian. Nag sorry naman ako pero pinaalis na niya ako sa library, ang sama ng ugali n’ong matandang dalaga na ‘yon.
Ano pa bang kamalasan ang naghihintay sa akin ngayong araw?
Inayos ko na lang ang sarili ko at nag handa sa pagpunta sa Starbucks na sinasabi ni Ryo.
Hindi naman iyon kalayuan sa university. Nilakad ko lang din, sayang naman pamasahe. Buti nalang kumportable ang suot ko lalo na ang sapatos kaya hindi masakit sa paa mag lakad.
Inilibot ko ang paningin ko nang makarating sa Starbucks, hindi namang ako nahirapang hanapin si Ryo. Agad akong umupo sa harap niya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.
“Hi, kanina ka pa?” tanong ko sa pinaka-malambing na boses na kaya ko. Kagaya ng nakasanayan kapag siya ang kaharap, kailangan kong mag mukhang harmless.
Imbis na sumagot ay inilapag niya ang sandamakmak na worksheet sa table at tinignan niya lang ako kung paano ang gagawin ko rito. Seryoso pala talaga siya sa inalok kong tutulungan ko siya. Conscious din pala ang mga gangster sa grades sila?
“A-ah, ‘yan lang ba?” saad ko kahit na sa totoo lang ay masyado akong nalulula sa dami ng worksheet niya. Hindi ko alam na kailangan ko rin palang mag-aral ng business management. Ang alam ko e’ engineering ako. Sabagay math lang naman.
Tinignan ko isa-isa ‘yong worksheet niya. Nagtaka ako dahil sa laman niyon.
“Madali lang ‘to ah?” seryosong saad ko habang tinitignan iyon.
“Sino bang may sabing mahirap?” tanong niya. Napatingin ako sa kanya at ibinaba ‘yong worksheets.
“E’ bakit mo pa binigay sa ‘kin ‘to kung hindi ka naman pala nahihirapan?” tanong ko. Wala naman sa hitsura niya na bobo siya sa academic.
“Busy akong tao, wala akong panahong intindihin ang mga walang kwentang bagay. Bigay mo na lang sa ‘kin bukas, inaantay na ‘ko ng gang,” aniya iniwan ako. Hindi naman ako papayag na gan'on na lang siya aalis. 'Di ko pa nga nasusubukan 'yong mga itinuro sa 'kin ni Kevin eh.
Mabilis na niligpit ko ang mga gamit at tumakbo para habulin siya. Nakita ko siya ba lumiko isang kanto. Madaming tao pero dahil matangkad siya ay hindi ako nahirapang sundan siya.
Mabilis akong tumakbo para mahabol siya sa mga nilikuan niya. Kung saan-saan naman kasi nag susuot 'tong taong 'to. Parang hindi anak mayaman ah.
Huminto lamang ako nang pagliko'y nakita ko siya. Doon ko na-realize na mali pala na sinundan ko pa siya. Another gang fight. Pero mas natigilan ako nang makita kung sino ang kaaway nila.
Jeuz.
Napalunok ako nang magtama ang mata naming dalawa. Kumunot ang noo niya. Aalis na dapat ako dahil alam kong maiipit lang ako sa gulong 'to, pero huli na nang lingonin ako ni Ryo.
Lahat ng mata eh nasa 'kin. Muling bumaling si Ryo kay Jeuz na ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin. Nawala lang iyon nang bumago si Ryo para saluhin ang nga tingin ni Jeuz na mukhang ayaw niyang patamain sa 'kin.
"What do you need from me, Tuazon?" maangas na tanong ni Ryo habang ang kamay ay nasa bulsa ng coat niya. Doon ko napansin na hindi kasama ni Ryo ang gang niya. All of them, against me.
"Galit na galit ka sa 'kin 'no?" si Ryo.
"You started this, Del Suarez."
"Really? Kailan? Noong naangasan ka dahil kamuntikan ka nang mabangga ng sasakyan ko?" sarkastikong saad ni Ryo.
"Wala kang alam, Ryo." Kilala ko si Jeuz, hindi siya ganoon kababaw para palakihin ang away na hindi naman malalim ang pinag-ugatan. Kaya alam ko na hindi lang iyon ang dahilan niya.
Ryo sarcastically nodded. "So, why do you want me here? Is it all of you, against me?"
Doon ko napansin na nag-iisa nga lang si Ryo, pero kasama ni Jeuz ang gang. Alam kong patas lumaban si Jeuz, hindi niya sasaktan si Ryo nang siya lang laban sa kanila.
Pero sa tingin ko, mali ako.
"Naomi, halika na." Napalingon ako nang hawakan ni Anton ang pulsuhan ko para itakas ako, kung kailan nagsimula na silang bugbogin si Ryo.
Hindi ko pa rin maigalaw ang paa ko dahil para bang napako ito. Hindi ko matanggap na mali ang pagkakilala ko sa taong matagal ko nang minamahal.
Nagtama ang paningin namin ni Jeuz bago ako tuluyang hilahin ni Anton.
Tumigil ako, hindi pa man kami gaanong nakakalayo sa lugar kung saan pinagtutulungan nila si Ryo.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ni Anton. Hindi pa rin ako makapagsalita. "Oy, okay ka lang?"
Mula rito ay rinig ko ang mga sigaw ni Ryo, at tawanan ng gang.
Mali ito. Hindi ganito kasama si Jeuz para gawin niya kay Ryo 'yon. Alam kong patas siya lumaban. Gang sa gang, siya laban kay Ryo.
Mabilis akong tumakbo para bumalik sa lugar na 'yon. Narinig ko pang tinawag at hinabol ako ni Anton pero hindi ko na siya pinakinggan. Bahala kang managot kay Jeuz.
For some unknown reason, tears started to form in my eyes as I saw all of them, against Ryo. Sunod-sunod akong napalunok. Alam kong wala na ako sa sarili ko. Jeuz isn't this bad, you see.
Again, Anton held me. "Huwag ka nang makialam, Naomi. Baka magalit lang sa 'yo sa Jeuz," aniya.
"This is unfair, Anton. All of you against him, papatayin n'yo ba siya?!" I exclaimed while still holding my tears. With that, Anton gave me a questioning look.
I stopped when I realized,
Do I really want to stop Jeuz for doing this because I know it is against his moral standards, or I just wanted to save Ryo?
Whatever the reason is, I feel like doing this.
Naramdaman kong lumuwag ang hawak ni Anton sa pulsuhan ko. Hindi pa rin nabago ang tingin niya sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para takasan siya at mabilis na lumapit sa lanta nang si Ryo. Nakaupo na lang siya habang sinisipa ng ilan.
I covered him when Jeuz was about to hit him with the tube Jeuz was holding.
"Please..." I pleaded.
"What are you doing?!" naguguluhang tanong ni Jeuz. I was looking up at him while holding Ryo.
"Stop it, please," I begged, hoping for him to consider my request as his girlfriend.
Confusion and the feeling of betrayal was very evident on his face. Maging ang mga kasama niya ay naguguluhan na rin, but none of them have the guts to speak.
I was relieved when I saw how Jeuz let go of the metal tube he was holding.
His eyes were still on me.
"Tara," aniya, nasa akin pa rin ang tingin. Naguguluhan man ang iba ay wala na ring nagawa kundi sumunod sa leader nila. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko.
Bumaling ako kay Ryo.
"Hey," I called. "I'll bring you the hospital, huh? C-can you walk?"
Tinulungan ko siya na umayos ng upo. Sumandal siya sa pader at doon ko mas nakita kung gaano siya kabugbog. May dugo rin mula sa bibig niya.
"Ryo..."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya para tumawag sa kung sino. Bago pa man tuluyang makasagot ang nasa kabilang linya ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
In a blink, I just found myself sitting beside him in the hospital. Sabi ng doktor hindi naman daw ganoon napinsala si Ryo, pero kailangan niya ng maraming pahinga para tuluyang maka-recover.
Hanggang ngayon ay mababanaag mo pa rin sa mukha niya ang pagkaputla at pagod.
Sunod-sunod akong napabuntong hininga at napairap.
Ang bobo naman kasi. Susugod doon ng mag-isa tapos hahayaan ang sariling mabugbog.
Napa-ayos ako mula sa walang class kong pag upo nang pumasok 'yong kaibigan ni Ryo.
"Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Adrian. Siya 'yong tinawagan ni Ryo kanina. Siya rin ang sumundo sa amin doon para madala si Ryo dito.
Muli kong naalala ang mga nangyari kanina.
"Just ask him once he woke up," I replied and suddenly get my things para umalis.
"Hey, we're not yet done talking!" pahabol pa ni Adrian pero hindi ko na pinansin dahil sa pagmamadali kong umalis.
I need to see Jeuz. Hindi ko alam kung ano'ng tingin niya sa 'kin ngayon. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano, but I don't care. I need to clear things up with him.
Mula sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ko ang kuta nila. Isang abandonadong mansion na wala akong idea kung sino ang may-ari at kung kanino sila humingi ng permiso na magkuta rito. Wala na itong pintura at bulok na rin ang ilang bahagi.
Kakaiba ang aura ng kuta nang pumasok ako.
Kagaya nang nakasanayan ay nakasalubong ko ang ilan sa kanila na hindi ko rin naman kinakausap aside kay Anton na matalik na kaibigan ni Jeuz.
"Si Jeuz?" tanong ko nang masalubong siya.
"Umuwi ka na lang muna, Naomi. Mukhang wala sa mood eh," aniya. Sa halip na pakinggan ay lalo kong ginusto na makita siya.
Nilampasan ko si Anton at dumiretso sa loob. Hindi nga ako nagkamali. Nandoon si Jeuz kasama ang ilan pang myembro ng gang, nag-iinom.
"Babe," I called. Napatingin silang lahat sa akin. Sumenyas si Jeuz, senyales na nais niyang iwan muna kami ng grupo.
Tumayo siya at lumapit naman ako sa kaniya. Amoy ko ang alak sa kaniya. Walang emosyon na mababanaag sa mga mukha niya. Hindi ko siya mabasa.
"I'm sorry--" I said, pero bago pa man matapos 'yon ay isang malakas na sampal ang hindi ko inaasahang makuha mula sa kaniya.
Gulat at hindi ako makagalaw.
Never niya akong sinaktan.
Pero bakit ngayon?
"What's wrong with you, Naomi?!" sigaw niya. Ramdam ko ang galit niya. Napapikit na lang ako nang marinig ang sunod-sunod na mura mula sa kaniya.
"I-I j-just did it b-because it w-was the right thing--"
"Right thing?! Kailan ba naging tama ang lahat ng 'to, ha?! Hindi naman ganiyan dati ah?!"
"Please calm down, l-let me explain..." I begged. "T-This wasn't you, Jeuz," I said with a quivering lips. "What you did earlier is unfair at alam ko na hindi ikaw 'yon! H-Hindi ka ganoon kasama."
Nakita ko naman kung paanong bahagyang kumalma ang hitsura niya.
"You guys almost killed him. You are not a murderer, please."
"But I am a criminal."
"No, just—just please, it's not like I did it because I'm against you. You know I'm on your side," I said. He's my boyfriend, I love him so I'm on his side.
You're with Jeuz, Naomi. Please.
"If you're not really agaisnt us, and if you really want me to forgive you, then finish your mission," he said, seems like not convinced on what I've said.