CHAPTER 09

1962 Words
Bagsak ang balikat na bumalik ako sa hospital nang mga sumunod na araw. Kakagaling ko lang sa school at kagaya ng nakasanayan ay si Manang Lita lang na Mayor Doma ng mansion nila ang nandoon. Hindi pa rin daw makakauwi ang parents ni Ryo mula sa Europe dahil maraming inaasikaso para sa businesses nila. Hindi rin naman kami nag kakaiba. Wala rin siyang magulang kahit mayr'on. Ang lamang lang niya e' mayaman sila at hindi kailangang gumawa ng masama para mabuhay at magpanggap para mabuhay. "Nandito ka ulit," nakangiting bungad sa akin ni Manang Lita. Ngumiti rin ako. "Babalik at babalik ho ako hanggang sa magising siya," saad ko at bumaling kay Ryo na dalawang araw na'y hindi pa rin nagigising. Dahil na rin siguro iyon sa mga gamot niya. "S'ya sige, ikaw na muna magbantay sa kaniya, uuwi lang ako saglit para kumuha ng damit niya," wika niya. Tumango na lang ako. Muli akong umupo sa upuan malapit sa kama ni Ryo. Hindi ko alam bakit pa ako pumupunta rito gayong alam ko naman na hindi makikita ni Ryo kahit magpanggap ako ngayon. Kung iisipin ay nag sasayang lang ako ng oras dito sa halip na mag-aral ako o matulog. Pero hindi gan'on ang nararamdaman ko. I feel like, I really should be here. Siguro I'm just doing my best para makabawi kay Jeuz. Ganoon nga siguro. I sigh. Gumising ka na kasi para maging worth it naman 'yong pag papanggap ko... Dahil wala akong magawa ay tamad na tinignan ko ang walang kwenta niyang mukha. Hindi ko naman maitanggi na kahit bangas-bangas e' gwapo pa rin. Kanino niya kaya naman 'yong haba ng lashes niya? Hindi bagay. Gangster tapos ang haba ng pilik-mata? Bawas angas. Nice nose. Tangos ah. Ang clear din ng skin. Sana all may skincare. When kaya? Napangiwi ako. Hanep, walang pores. Holy water siguro pinang hihilamos neto. Natigilan ako nang dumako ang mata ko sa labi niya. Manipis lang, pero pouty. Nag li-lip tint ba siya? Kung oo, aba e' ayos ah. Babae pa sa 'kin. Pakiramdam ko tuloy mas maganda siya kahit lalaki. "When kaya?" bulong ko sa sarili. "Until when will you stare?" "Until you die--" wait what?! Dala ng gulat ay napatayo ako at aatras sana nang hawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan akong lumayo. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Mula sa kamay niya sa pulsuhan ko ay dumako at sa mata niya na nakapikit pa rin. Gising na siya. Sa loob-loob ko ay pilit kong nire-recall ang mga sinabi ko kanina. Hindi ko naman siguro sinabi nang malakas ang tungkol sa pag papanggap ko 'di ba? Tell me I didn't just ruined my own mission! "If you want me to die, then you should just left me there," he said. "K-kailan ka pa g-gising?" kabadong tanong ko. Mulat siya at tumingin sa akin. Naramdaman ko na kang na hinila niya ako para muling umupo sa upuan katabi ng kama niya. . "I hate the view. I feel like I was inside a coffin. Sit down," with that, he said. "H-How are y-you?" I asked, starting a conversation. Wait, why do I want a conversation with him?! "You aren't scary," he said, looking outside the window. I ended up confuse. "What?" "You're not that pretty too." "Hey, that's an insult--" "You ain't popular, and literally nobody." Aba?! Sumusobra na 'to ah! "So why would they follow you?" that stopped me, literally. He then looked at me with his eyes full of curiousness. "Why did they listen to you when you begged for them to stop?" "Did I?" I asked, trying to look innocent. "I thought it was threatening." "What?" "I told them I called the police when I actually did not. Hindi mo ba 'yun narinig?" I asked. Wala naman talaga akong sinabing ganoon that time. Sinusubukan ko lang lumusot. "Maybe I did not," he replied. Nakahinga ako ng maluwag. "Do you want anything?" I asked, changing the topic. Napatayo ako nang marahan siyang tumayo. Inalalayan ko siya pero tinabig niya lang ang kamay ko. Nasasagad na 'ko ha. "Tell them to discharge me," aniya nang nakatayo. "S-Sandali lang, wala pa si Manang," I said, trying to stop him, pero ano pa nga bang magagawa ko. Nakita ko siya na kinuha ang damit na suot din niya n'ong araw na 'yon. Malinis na iyon at wala na rin ang mga mantsa ng dugo. "Ryo, hindi ka p'wedeng umalis. Hindi ka pa sinasabi ng doktor. Baka mamaya kung mapa'no ka," saad ko pero tuluyan na siyang nakapasok ng C.R. para magpalit. Natigilan naman ako nang mapagtanto ang mga sinabi ko. Ano bang pakialam ko?! "Aish," bulong ko at bumalik sa upuan para magbalat ng orange. Ayaw naman kainin ni Ryo, akin na lang. Iuuwi ko rin 'yong iba mamaya. Tagal naman n'on lumabas. Lumabas na siya! Binitawag ko 'yong orange at mabilis na kumapit sa kaniya. "Saan ka pupunta?" tanong ko. Bumaling siya sa akin, mukhang naiinis na. "Why do you care, and why would I tell you?" he arrgoantly asked. Aba, mukhang magaling na nga ah? "Why not? I was just worried. Afterall, I saved you," I said, kinda proud. What's happening to me, really? Why am I being silly in front of him? "I'll pay you. Ayoko ng utang na loob, so get out of my way," he said. Natigilan ako at kinuha niyang pagkakataon iyon para umalis ng hindi ko pinipigilan. Napangiwi na lang ako at tinanaw siya kahit wala na. "Pay? Magkano? Lakihan mo ha!!" sigaw ko, alam ko naman na wala na siya. I crossed arms. "Mai-in love ka rin sa 'kin," saad ko at binalikan 'yong mga prutas na iuuwi ko. The next day I found myself reminding by Kevin to attend their so-called gathering sa bahay nila Maze. I already said yes when I later on realized na mayaman sila at hindi kailangang makitira, makihati, o maki-share ng bahay kina Ryo. So it means, hindi ko rin makikita si Ryo sa gathering na 'yon. Ayoko namang isipin nila na tokis ako. Isa pa, they already count me in. "Oo na," inis na sagot ko nang kulitin niya 'ko sa lib. Baklang 'to. "Sabay tayo ha," aniya at sa wakas ay nilubayan ako. Sandali na lang naman ako mag-aaral at sasabay na rin sa kaniya papunta roon. Wala 'yong last prof namin pero hindi naman kami makalabas kaya tambay na lang ako sa library. Ilang sandali ang lumipas at niligpit ko na rin ang mga gamit ko. Lumabas ako ng library para hanapin si Kevin para sumabay sa kaniya. Woah, I can't believe I'm actually being close with a classmate. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya. I licked my inner cheek at ubos ang pasensyang tinawag siya na busy nakipag harutan sa ilang estudyante. "Hoy," tawag ko, ang kamay sa bulsa. Napalingon naman agad siya. "Ay 'teh! Tapos ka na magpaka-studious?" tanong niya. Tumango ako, isa lang. Nagpaalam siya sa mga kausap niya kanina at sumabay sa akin. "Nakaka-excite. First time mong sasama," masayang saad niya. Nagkibit balikat lang ako. "Hindi naman ako magtatagal," sagot ko sa malamig na tono ng boses. N'ong marealize ko na hindi ko rin pala makikita r'on si Ryo e' naisip ko na huwag na lang magtagal. "Oo, ang mahalaga lang naman e' maging kumpleto tayo kahit minsan," aniya. Hindi na ako sumagot dahil wala na rin naman akong maisip na sabihin. Nag commute lang kami ni Kevin since pareho kaming hampaslupa na walang sariling sasakyan. In no time, we're already at the front of their mansion. Binayaran muna ni Kevin 'yong taxi habang ako'y tulala pa rin sa laki ng bahay nila Maze. Maze and I weren't close. Never pa kaming nag-usap o nag eye to eye contact man lang. Alam kong popular siya sa school dahil nga sa pinsan siya ni Ryo, and she's enjoying it. She looks like an angel though. "Woah, laki pala talaga ng bahay nila Maze," ani Kevin. Halatang mangha at excited. "Tara na, 6:00 PM na oh, siguradong nandiyan na sila," excited na saad niya. Napailing na lang ako. We were greeted by the guards and welcomed by some of their maids until we finally enter the mansion. Kevin can't help himself but to shout out of excitement nang makita niya si Maze at ang iba pa naming kaklase na nasa living area. Cool, they just turned the house into a bar. "Hi Kevs!" rinig kong bati ni Maze. Inilibot ko lang ang paningin ko sa paligid para tignan ang familiar na mukha ng mga kaklase kong hindi ko naman alam ang mga pangalan. "Naks, La Torre came!" Humarang sa daan ko ang isang lalaki. Siya 'yong kengkoy sa klase pero hindi ko sigurado kung Kian nga ang pangalan niya. "Tabi nga, Kian!" sulpot ni Kevin at kinuha ang kamay ko para hilahin ako sa couch kung saan nasaan ang karamihan. With that, they started putting drinks at the table in front of everyone. They even started a game at wala akong choice kundi sumali. Games is fun, but I don't like the idea of playing games with more than two people na hindi ko close. It makes me drain. They also make me drink while teasing me, thinking that it is my first time. Hindi nila alam expertise ko 'to. The fact that all of their attentions was on me makes me feel uncomfortable. You know I hate it. "Guys, late's play again na," I heard Maze stated in an irritated tone, but I was busy drinking to pay attention. Everyone's still teasing me. Maya-maya pa ay tumayo si Maze. Natigil na rin ang asaran nang inumin ko 'yung last shot. Hindi nila inasahan na kahit marami na akong nainom ay wala pa rin akong tama. "Sorry, we're late." Napalingon ako sa boses na iyon mula sa pinto kung nasaan si Maze. Pinagbuksan niya ang ilan pang kababaihan na mukhang inimbita rin niya. "No, it's okay," masayang saad ni Maze habang pinapapasok sila. Busy ang lahat sa patuloy na inuman at kuwentuhan habang ako'y hindi maalis ang tingin sa huling babae na pumasok. Mae? "Huh, akala ko block lang?" Narinig kong bulong ni Kevin sa isa ko pang kaklase. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kag Mae hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. Bumuntong hininga na lang ako at ibinalik ang tingin sa mga kaklase ko. Hindi ako nag hahanap ng sakit sa katawan ngayon e'. Next time na lang. Kahit nasa iba ang tingin ay kita ko sa gilid ng mata ko kung paanong nakipag-bulungan si Mae sa kasama niya. I saw her smirked as she slowly walk towards me. I licked my inner cheek. Trouble na naman 'to. Hindi nga ako nagkamali nang mayabang niya akong kalabitin. Hindi pa pala 'to nadala sa ginawa ko n'ong nakaraan? "Oy," aniya. Natahimik ang lahat at nabaling ang atensyon sa aming dalawa. "Tayo." I hardly closed my eyes and sigh. Ininom ko muna 'yong shot na inilapag nila kanina sa harap ko bago tuluyang tumayo at harapin si Mae. Pagtayo ko'y saka ko lamang naramdaman ang epekto ng alak sa akin. I still stand firm. Ramdam ko ang hilo pero pinipilit kong umayos. "You know each other?" tanong ni Maze. Akala ko pa naman ay dahil it-girl siya at kaibigan niya si Mae e' updated siya. "You didn't told me that you invited this trash, Maze," saad ni Mae habang sarkastikong nakatingin pa rin sa 'kin. "She's from our block..." "Kung papalarin ka nga naman, tadhana na ang gumagawa ng paraan para makaganti ako sa 'yo," aniya, kasunod noon ay ang isang malakas na sampal mula sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD