I licked my inner cheek habang dinadama ang malakas na sampal na sa akala niya e' masasaktan ako. She have no idea how much I trained from this kind of pain.
Flabbergasted, everyone started murmuring with each other.
Mae was obviously proud and satisfied from what she did, while me? I don't know what to do next. Tipsy, I can't move.
"What now, Naomi?" mayabang na tanong niya. Bagaman nahihilo ay kusa akong natawa sa inaakto niya. Mahina akong natawa sa sarkasikong paraan at dahil d'on ay mas lalo siyang nainis.
"Mae, right? Oh. Whatever. Please, don't start a fight that you can't finish and later on ask your boyfriend to finish it for you," I said. Her indescribable reaction was really satisfying. I wish I could capture it.
"How dare you!" she exclaimed. The next thing I knew, I was already on the floor. Sobrang bilis ng pangyayari. Halos mabingi ako sa pagsampal niya na naging dahilan ng pagkakasalampak ko sa sahig. Epekto ng alak ay nanlalambot ang buong katawan ko kaya hindi man lang ako makatayo.
She was about to hit me again. Napapikit na lang ako at hinayaan siyang saktana ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang kagaya niya ang nakapanakit sa akin. Isang kagaya niya na kung tutuosin ay wala namang binatbat.
She placed herself at the top of me while still slapping me and pulling my hair. In no time, I suddenly saw myself in someone's point of view. How pathetic, Naomi. Hindi ko alam kung epekto 'to ng alak o ano, pero pakiramdam ko gusto ko na lang maiyak, hindi dahil sa pisikal na sakit kundi dahil naaawa ako sa sarili ko.
I heard Kevin and others, trying to stop Mae, pero 'yong mga kaibigan ni Mae ang nag sasabing huwag silang makialam. Some of them was just watching while taking videos.
"Maze!" I heard a familiar voice. Maze was the one he called but Mae and everyone also froze.
"K-Kuya Ryo," kabadong tugon ni Maze. Wala sa sariling napatayo naman si Mae nang balingan siya ni Ryo. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para umupo. Agad naman akong dinaluhan ni Kevin.
Hindi ko na napansin ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay marahas na hinila ni Ryo si Mae at itinulak ito hanggang sa mapasalampak na kang ito na parang laruan. Hindi na ako nagulat dahil kahit ako'y ilang beses na ring nasaktan ni Ryo.
Right from where I am sitting while holding Kevin's arm, helping me to stand, I can see the anger in Ryo's eyes. Galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling at kung bakit.
Kasabay nang pagtayo ko ay ang pagtama ng mata naming dalawa. Natigilan ako nang sandaling narinig ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay gusto kong lumapit sa kaniya, yakapin siya at takasan na ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko safe na ako kasi nandito na siya.
Pakiramdam ko, hindi na ako masasaktan.
I gulped. I don't know if it's just because of the alcohol but everything went slowmo as he walks towards me and suddenly grab my hands. It flabbergasts me.
"To everyone who took a video. Delete it or else, you'll be deleted."
That is the last word he said before grabbing me outside the house.
Tumigil lang siya sa paghila at pagtakbo nang nasa harap na kami ng sasakyan niya. Napabuntong hininga siya nang harapin ako. Hindi naman ako makatingin sa kaniya dahil sa hitsura ko. Hindi ko alam kung bakit ako conscious sa hitsura ko ngayon. Never ako nanging conscious ng ganito buong buhay ko, kahit kay Jeuz.
"Aish," inis na saad niya. "Ayusin mo 'yang hitsura mo. Ang pangit mo," saad pa niya na mas lalong nagpabigat ng damdamin ko. Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko sa pagkakataong ito. Halo-halong emosyon at hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.
I just suddenly felt a warm liquid streaming down my face. I can't even move. Sabi ko na nga ba, hindi dapat ako nag-inom e'.
"H-hey, u-umiiyak ka ba?" tanong niya. Gusto ko siyang sapakin. Nakita na nga niya na umiiyak 'yong tao e', tatanongin pa. Kasalanan naman niya lahat 'to. Kung hindi niya inaway si Jeuz e' hindi naman ako uutusan ni Jeuz na gawin ang lahat ng 'to. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inasahan na darating sa punto na kailangan kong ipahiya ang sarili ko sa mga tao, at umiyak sa harap niya.
Isinusuka ako ng sistema ko.
"H-Hoy, Naomi, huwag ka ngang umiyak sa harap ko," aniya. Sabagay, ano naman ang aasahan ko sa kaniya. Isa lang siyang walang kwentang tao na walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Masyadong matigas ang puso niya at kahit sino e' sinasaktan.
Inayos ko ang sarili ko at lumuluhang lakas-loob na tumingin sa kaniya.
"Alam mo, kasalanan mo naman 'to lahat eh!" paninisi ko sa kaniya.
"Kasalanan ko?" seryosong tanong niya. Natigil ako sa pag-iyak nang makita ang pagbabago sa mood niya. Humakbang siya papalapit sa akin. Sunod-sunod akong napalunok. "Bakit? Sabihin mo sa 'kin, bakit kasalanan ko?"
Napalunok ako. Stupid, Naomi. Alangan namang sabihin mo na kung hindi sila magka-away ni Jeuz ay hindi ka malalagay sa ganitong sitwasyon.
Napaiwas ako ng tingin. Masyadong malalim ang mga tingin niya na para bang may hinahanap siya sa mga mata ko. Para bang hinahalukay niya at binabasa ang nasa isip ko. Hindi ko kayang labanan.
Tinulak ko siya. "Kasalanan mo nga. Kung walang gusto sa 'yo si Mae, hindi niya naman ako aawayin at sasaktan dahil lang sa lumalapit ako sa 'yo!" saad ko at tinalikuran siya.
I heard him laugh kaya mas lalo akong nainis. Malapit na talaga akong makasapak.
"Ikaw naman ang may gusto na mapalapit sa 'kin, 'di ba?" Kunot ang noong nilingon ko siya. "I tried to push you away but you insisted to stay regardless of how demon I am. Panindigan mo," saad niya at muli akong hinila para isakay sa kotse niya. Wala na akong nagawa kundi isandal na lang ang ulo ko sa upuan at sandaling umidlip para mawala ang hilo. Bahala siya sa buhay niya.
"I know you're awake," maya-maya'y rinig kong saad niya. "Are you sure you wanted to sleep? Hindi ka ba natatakot na baka kung saan kita dalhin?" tanong niya.
"Akala mo naman natatakot ako sa 'yo. Hoy, ano, suntukan ba?!" saad ko, hindi mumulat. Hindi ko na rin makontrol ang dila ko.
"Everyone's afraid of me."
"Baliw ka kasi."
"What?!"
"Baliw ka. Ginusto mo 'yan 'di ba? Gangster-gangter ka pa tapos sadboi ka pala," inis na tugon ko. Bakit ba kasi ang daldal niya. Hindi ako makatulog oh!
"Hoy, hindi ako sad boy!" depensa niya.
"Oo na! P'wede ba huwag mo 'kong kausapin, nahihilo ako!" sigaw ko sa kaniya. Gusto kong matawa. Eto ba 'yung kinatatakutan nilang gangster? Sinisigaw-sigawan ko lang?
Napamulat ako nang may maramdamang kakaiba. Pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko at umaakyat lahat ng ininom at kinain ko tungo sa dibdib ko palabas ng bibig ko.
Napansin 'yon ni Ryo kaya napalingon siya sa akin.
"What?--H-hey do-don't tell me--"
I held my mouth.
"Huwag dito, Naomi!" nag-aalalang saad niya.
"S-saan?" naiiyak na tanong ko. I can't hold it anymore.
"Basta huwag dito! I'm gonna kill you, I'm telling you--"
Hindi ko na napigilan.
I, again, embarassed myself. But this time, it's kinda satisfying. Lalo na no'ng nakita ko ang stress at diring-diring mukha ni Ryo. I even want to laugh but I shoudn't. Baka nga mapatay niya ako.
He exclaimed.
"S-sorry, kasalanan mo naman eh! Sabi ko sa 'yo huwag mo 'kong kausapin kasi nahihilo ako!" depensa ko sa sarili ko. Ano, ako lang sisisihin niya?
Napanganga na lang siya sa reason ko.
"You're unbelievable," he said and went down the car. Stress pa rin ang koya n'yo.
"Bakit ka bumaba?" tanong ko habang inaayos ang sarili ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pagkakasuka kong 'yon ah.
"Aish! Alam mo ba kung magkano 'tong kotse ko, ha? Tapos susukahan mo lang?"
"Sorry na nga eh! Matatanggal naman 'yon. Ako bahala, maraming tambay sa 'min, papalinis ko. Murang-mura lang, promise!"
Baka nga kahit Gin lang o Emperador ibayad niya d'on sa mga 'yon, okay na eh!
Napailing na lang siya at nagsimulang maglakad. Kumunot ang noo ko. May mali ba sa sinabi ko?
"Hoy, s'an ka pupunta?!" tanong ko, nag-aalangan kung susunod ba sa kaniya o mag s-stay na lang sa loob ng sasakyan. "Oy, teka, nasaan ba tayo?!"
"Iiwan mo 'yong kotse mo d'on?" tanong ko nang sa wakas ay makahabol na sa kaniya. Nilingon ko pa yung kotse niya na nasa madilim na parte. Ang dilim dito, sa totoo lang. May pailan-ilang sasakyan lang ang dumadaan at mukhang walang transportasyon.
"Sa tingin mo makakasakay pa 'ko r'on?" inis na tanong niya. Ang arte naman neto. Parang 'yun lang e'. 'Di naman nasira 'yong sasakyan.
"Paano tayo uuwi?" tanong ko.
"Anong tayo? Umuwi ka mag-isa mo. Hahanap ako ng taxi," sagot niya. Tignan mo 'tong taong 'to. Dinala ako rito tapos pauuwiin ako mag-isa.
Tumigil na siya sa paglakad para mag-abang ng taxi pero mukhang madalang talaga dumaan ang mga taxi rito. Kung mayr'on man ay may sakay na. 'Yung ibang sasakyan naman e' puro mga private cars.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Mag aalas onse na pala. Habang lumalalim ang gabi ay mas nahihirapan kami na mag hanap ng taxi. Ang arte naman kasi ni Ryo!
Napaupo na lang ako sa lapag dahil sa pagod na nararamdaman. Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung nag-message si Jeuz pero wala palang signal. Badtrip talaga oh.
First time kong sumama sa party o gathering tapos ganito pa mararanasan ko. Puro sakit lang talaga sa ulo 'yang mga ganiyan eh. Swear, this will be the first and the last!
Napasabunot na lang ako.
I badly want to go home.
"Ehem, tumayo ka nga riyan," masungit na saad ni Ryo. Tinignan ko siya ng masama. "Mukhang walang taxi na dadaan dito. Lumalalim na ang gabi, we're both tired so I can't drive na rin."
Napangiwi ako. "Please, don't tell me--"
"There's an inn near here. Let's just stay there for tonight," aniya, sunod-sunod ang galaw ng adams apple, senyales ng sunod-sunod na paglunok.
"Ayoko!" sagot ko agad. Hindi naman kasama sa kasunduan namin ni Jeuz ang matulog ako kasama niya. Saka isa pa, hindi rin naman 'yun gugustuhin ni Jeuz. May boyfriend ako. Loyal kaya ako!
"E'di huwag! Bahala ka riyan. Basta 'pag may nangyari sa 'yo, labas ako ah," aniya at iniwan ako.
Nilingon ko muna ang madilim na paligid. Napa-angil na lang ako sa sobrang inis. Eto na yata ang pinaka-pangit na araw sa buhay ko!
"Ryo, sandali lang!" sigaw ko, humahabol sa kaniya. Hindi naman siya huminto kaya tumakbo na ako para mahabol siya.