"Isa na lang po 'yung available, sir," rinig kong saad n'ong babae sa information desk pagkalapit ko. Kapapasok ko lang kaya hindi ko alam kung ano'ng pinagusapan nila.
"May problema ba?" tanong ko nang makita ang problemadong mukha ni Ryo.
"Ma'am, isa na lang po kasi 'yung available na room," sagot naman n'ong babae. Napangiwi na lang ako at pinagmasdan ang paligid. Mukha oa namang mahal dito.
Hays, bakit ba kasi ako napunta rito samantalang hindi naman ganoon kalayo 'yong bahay nila Maze mula sa university!
"I'll pay double—no, triple. Just ask one of the occupants to leave and let us have two rooms." Nanlaki ang mata ko sa sinabi Ryo.
"Sir, we can't do that--"
"I'll pay--"
"We'll share rooms!" I said, cutting the conversation. Hindi makapaniwalang napalingon sa akin si Ryo. Ako naman ay napakagat na lang sa dila ko. Wala e', sayang bayad! Kahit pera niya 'yon syempre nanghihinayang ako.
"Okay ma'am," agad naman na sumagot 'yong babae kaya wala nang nagawa si Ryo. "Room 305 po," sagot niya at ibinigay na basta ko na lang kinuha. Umalis kasi agad si Ryo matapos marinig ang room number.
Nakangiwing sinundan ko na lang siya. Akala naman niya gusto ko talaga na makasama siya sa isang kwarto.
"Dito ako, doon ka," aniya sabay turo sa kama kung saan daw siya hihiga at ako doon sa baba. Napanganga na lang ako.
"Parang baliktad naman yata," pag-alma ko. "Ako 'yong babae dapat ako sa kama. Magpaka-gentleman ka naman!" saad ko at akmang pupwesto sa kama nang hilahin niya ako paatras.
"Wala 'yon sa bokabularyo ko. Isa pa, sa ating dalawa ikaw 'yong nag gusto sa 'kin. Is that how you treat the man you like?" aniya at humiga na sa kama. Hindi makapaniwalang tinignan ko lang siya habang dinadama ang init at lambot ng hinihigaan niya.
Badtrip.
Hinila ko sa kaniya 'yong kumot. Malakas ako at hindi niya 'yon inasahan kaya wala na siyang nagawa. Inilatag ko 'yon at kumuha ng isang unan para doon na 'ko mahiga. Bahala siyang walang kumot.
Napahinga ako ng malalim nang maramdamang unti-unti akong nagiging kumportable sa hinihigaan ko. Hindi naman ako mayaman kagaya niya kaya sanay ako saan man matulog.
Ilang sandali ang lumipas nang muli ko siyang sulyapan. Tulog na ba siya? Ang bilis naman.
Alam ko sa 'ming dalawa ako 'yong naka-inom at hilong-hilo kanina, pero ngayon hindi man lang ako matulog. Hindi ko alam kung makakatulog ako sa pagka-alam na nasa tabi ko lang siya. How weird. Unusual.
Muling bumalik sa 'kin 'yong mga ginawa niya kanina. He saved me. Muli ring bumalik 'yong mga naramdaman ko noong mga oras na 'yon.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
Bakit gan'on ang nararamdaman ko? I've never felt this way before, kahit kay Jeuz. Iba 'yong pakiramdam e'. Hindi ko ma-explain.
I sigh again.
"Don't sigh, I can't sleep hearing those." My forehead creased analyzing his words. Ang arte naman nito! Wala namang ingay na nagagawa ang pag bubuntong hininga ah?
"Ang sensitive mo naman!" sagot ko.
"Lumalaban ka na," saad niya sa malalim at antok na antok nang boses. Kumunot ang noo ko at napagtanto na tama nga siya. Dati pumapayag ako na siya ang masunod. Sunod-sunuran lang ako sa kaniya tapos hindi ako sumasagot, pero ngayon, inaaway ko na siya.
Paano siya mai-in love sa 'yo kung ganiyan ka, Naomi!
Napapikit na lang ako sa inis. I can't help myself. I don't know but it really satisfies me. Kapag nakikita ko siyang naiinis o inaasar ko.
"K-Kasi naman. Bakit ba?!" saad ko, wala na talagang masabi.
"We're even now, Naomi," aniya na ipinagtaka ko. Ano na namang even?!
"What do you mean?"
"You saved me from those gangsters, and I saved you from Mae. We're even. Wala na 'kong utang na loob sa 'yo. I just pay you so you don't have to thank me." Napalunok ako. So 'yun pala 'yon. Ginawala lang niya 'yon para kwits na kami. Yeah, so bakit ko inisip na higit pa r'on 'yon? Na may iba siyang intensyon.
Somehow I feel dissapointed, but I'm not in the position to feel so.
Okay, e'di wow.
"And who says I'm gonna thank you?" mataray na sagot ko at tumalikod para pilitin ang sariling gumawa ng tulog.
Just forget about it, Naomi. He's Mikael Ryo Del Suarez, and you can never make him fall. This mission is almost impossible.
"Dismiss."
Kagaya nang nakasanayan ay tinapos ko muna 'yung notes ko bago iligpit ang nga gamit ko. Usap-usapan pa rin ako ng mga blockmates ko matapos 'yong nangyari sa 'kin sa kagagawan ni Mae.
I hate the attention.
I started to avoid everyone again, even Kevin. I know he's a good friend pero wala pa ako sa mood na kausapin ulit siya. Wala naman siyang kasalanan.
"'Teh, hindi mo pa rin ako papansinin?" habol niya sa 'kin matapos akong makalabas ng classroom.
Humarang siya sa daan ko.
"Sorry na, Naomi. Hindi ko naman alam na darating sila Mae. Kung alam ko lang hindi na sana kita pinilit. Please, it's not like I set you up.
I sigh.
"Alam ko 'yon, tol. Wala akong sama ng loob sa 'yo, okay? Hayaan mo na 'ko. Wala pa lang talaga ako sa mood na makipag-usap sa 'yo, o sa kahit kanino sa block," saad ko sa normal at maangas na tono ng boses ko.
"Sigurado ka?" kalmado nang saad niya. Tumango lang ako at nilagpasan siya. "Kapag ready ka nang kausapin ako, let me know ha?!" pahabol pa niya.
Ilang hakbang pa lang ako nang magbago ang isip ko. Awit.
Nilingon ko siya.
"Samahan mo 'ko," saad ako nagtuloy sa paglakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa 'kin.
"Saan?" excited na tanong niya. Tipid na napangiti na lang ako dahil ramdam ko ang saya niya ngayong pinansin ko na siya.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid nang makalabas ako nang bulding. Wala nang tao sa room nila Ryo kaya sigurado ako na nasa paligid lang siya.
Badtrip talaga 'yong taong 'yon. Siya na nga ang ginawan ng pabor, papahirapan pa ako.
Natigil ako nang mapansin ang lalaking naka-gucci na leather jacket. Kahit sa malayo at kumikinang ang nga alahas niya sa katawan. Ganoon pa rin naman ang istilo ng buhok niya. Kahit sa malayo ay alam kong si Ryo 'yon kasama ng gang niya.
Lumakad ako sa kainitan para marating 'yong bench na nasa kabilang side ng athletic field. Nagreklamo pa si Kevin dahil sa init at masusunog daw ang mukha niya. Sayang daw ang brilliant, pero wala na rin naman siyang nagawa.
Inayos ko ang sarili ko nang papalapit na ako. Tumikhim ako bago siya tawagin. Nakatalikod kasi siya sa 'kin at nakaharap sa mga tropa niya.
"Ryo," tawag ko. Agad naman siyang lumingon.
"Woooooaaaaah!" sabay-sabay at nang-aasar na saad ng mga tropa niya. Hindi ko alam kung bakit apektado ako. Gusto ko tuloy silang bigwasan, isa-isa.
"Lakas talaga, Del Suarez!"
"Ryo n'yo may lovelife na!"
"Shut up," lingon ni Ryo sa mga kasama saka muling bumaling sa akin. "Ano'ng kailangan mo?" tanong niya.
Tss, ikaw diyan may kailangan e.
Kinuha ko 'yung mga papel sa bag ko.
"Business math," saad ko. Oo, sinasagutan at ginagawa ko ang ilan sa mga projects niya. Hindi ko nga alam kung paano ko nasisikmurang gawin ang mga 'to.
Imbis na siya ang kumuha n'on sa 'kin ay isa sa mga kasama niya ang gumawa. Pinipilit kong huwag magpakita nang kahit na anong emosyon.
"SB later," he emotionless stated and walk away. I lips slightly parted while looking at him walking.
"Oh my, ate gorl. You're answering his maths?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kevin. Bumuntong hininga ako at inialis na ang tingin ko sa papalayo nang si Ryo.
Kevin and I started to walk to nowhere.
I sigh.
"Yeah, it's almost 3 weeks since I volunteered," walang ganang saad ko.
"What's wrong with you, girl?!" inis na saad ni Kevin matapos kong aminin 'yon.
"I'm tryin' to make him fall."
"But can't you see it, he's just using you as an errand!"
"If that what it takes to make him fall, I don't mind." Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng misyon na 'to. Hindi ko nga alam kung sinusunod ko pa si Jeuz. Hindi ko na maintindihan. Nawawala na 'ko. Jeuz and I weren't seeing each other for almost 1 month. Sinusubukan kong bumisita sa kuta pero lagi siyang wala roon. Hindi ko alam kung galit pa rin ba siya sa 'kin.
"'Teh, huwag kang nagpaka-martyr diyan kay Ryo! Saka, hindi hindi siya ma-fa-fall sa paganiyan-ganiyan mo. I know guys, ayaw nila nang ginagawan sila ng pabor, lalo na kung gusto nila ang babae," paliwanag niya.
"What else can I do?" I hopelessly stated. I mean it.
"Take a break 'teh."
"Break agad, 'di pa nga nagiging kami!"
"That's not what I mean! Take a break muna. Ayusin mo sarili mo. Lately napapansin ko na lutang ka. You even failed our midterm exam for the first time after getting a series of perfect scores!"
Tama siya. Nakakalimutan ko na minsan mag-aral kakaisip sa sitwasyon ko ngayon at sa nararamdaman ko.
"After taking a break from Ryo and sa lahat ng nakaka-stress na bagay, ask yourself if you really like the person you like or you are just blinded," aniya na ipinagpatuloy pa pero natigilan ako. I know he's pertaining to Ryo, but why do I suddenly think of Jeuz?
Later on that day, I decided not to go and meet Ryo. Siguro tama nga si Kevin. I need a break kahit ilang araw lang. Ayoko munang masangkot sa kahit anong may kinalaman kay Ryo, Jeuz o sa mga gangster. Napapadalas ang paninigarilyo ko bilang stress reliever. I focused on my studies again.
Taking a break seemed to be helpful para makapahinga, pero hindi nakatulong 'yon para linawin ang nararamdaman ko.
Sana puwede akong mag take-a-break habang buhay.
Papasok na 'ko sa university nang mapansin ang familiar na figure. A walking gucci. He's looking at everywhere as if finding something or waiting for someone.
I looked at my watch. Badtrip naman oh, bakit ngayon pa siya haharang doon kung kailan nag mamadali ako?!
Iikot sana ako sa isang entrance ng university pero masyadong malayo 'yon at kailangan ko na talagang makapasok.
I guess I had no choice.
I walked slightly faster, looking down and prentending to be very busy at something while trying to avoid him. Wala akong pake kung assuming lang ako at hindi pala ako ang hinihintay niya. I just have to escape!
But then, a familiar warmth of a hand held my arms, stopping me from walking. I gulped. Alam ko kung sino 'yon, and I don't know why I'm so afraid to meet his eyes. As if it's gonna kill me. As if I'm gonna fall for those instead of the other way around.