CHAPTER 12

1913 Words
"Let's talk," he then clenched his jaw. "What else do you need?" I asked. Well, if he's just gonna lend me his projects, I'm currently sick of it. I'm trying to have a break and will later on talk to Jeuz na ayoko na. I don't know why. I'm just tired. I'm afraid. My heart was so treacherous to the point that I don't even know what it wants, what it is afraid of. In no time I just found myself being pulled by him. Sabi ko huwag ngayon e'. Sabi ko nag mamadali ako, pero bakit ako sumasama. "You didn't come..." He let go of my wrist. Na-realize ko kung nasaan kami. Nasa likod ng main building kung saan nandoon 'yong basketball area. Paborito kong tambayan noon kapag nag-yo-yosi. Kumunot ang noo ko, pero agad ko ring naalala na hindi ko nga siya sinipot sa SB last time. I play dumb. "I don't know what you're saying," I said and tried to escaped but he cornered me with his hands against the wall behind me. "Why are you avoiding me then?" tanong niya. Sandaling napapikit ako dahil sa inis. Alam niya naman palang iniiwasan ko siya e', bakit kailangan pa niya akong kausapin ng ganito?! "I'm not avoiding you. B-Busy lang ako, maraming ginagawa," palusot ko kahit alam ko naman na maliit lang ang chance na paniwalaan niya 'yon. "Bakit ba? Ayaw mo n'on, walang nangungulit sa 'yo--" "Ayoko," aniya. Natigilan ako na sunod-sunod ang lunok na marahang tumingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay nanlambot ako nang magtama ang mata namin. His gazes are so deep and serious. And what he just said, it makes my heart flutters... I can't help it. Napaiwas ako ng tingin at ginamit ang buong lakas ko para tabigin ang kamay niya at maka-buo ng malaking distansya sa pagitan naming dalawa. "E'di don't!" sagot ko, matapos mapagtanto na wala akong ibang mahanap na salita na maaring sabihin sa kaniya. Paraan na rin 'yon para pagaanin ang sitwasyon at sandaling pahupain ang nararamdaman ko. I awkwardly laugh. Hindi ko na alam ang nangyayari sa 'kin. Kanina naiinis ako, tapos ngayon biglang awkward na natatawa. Ano ba'ng ginawa niya sa 'kin? Why do my mood suddenly changed after hearing that mere 'ayoko'?! "Pasok na 'ko," saad ko at tinalikuran siya. I sigh. As if it really means something, Naomi. And so what if it really means something?! I have a boyfriend! Napa-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglakad hanggang sa makarating sa room. Late na nga ako, tulala pa ako buong klase. Hindi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi at ginawa niya. Napasabunot na lang ako sa sarili ko. Ang gulo na! Ang gulo-gulo! Hindi ko na alam! Hindi ko na rin pinakinggan 'yung announcement ng president para sa majestic ball. Hindi rin naman ako interesado. After mag dismiss n'ong prof ay lumabas agad ako para dumiretso sa canteen. Hindi nakakain ng umagahan kanin dahil sa pagmamadali tapos mala-late lang pala ako. Gutom tuloy ako. Eto na yata ang pinakamarami kong na-order sa canteen buong taon. Para akong bibitayin sa dami ng binili ko. Usually nag titipid ako at nag babaon na lang para hindi na bumili, pero ngayon wala akong choice. Umupo ako sa isang bakanteng table. Inilibot ko pa ang mata ko, baka sakaling makita ko si Kevin, may makasabay man kang sa pagkain, pero bigo akong makita siya. Napangiwi na lang ako at nagsimulang kumain. Wala namang papansin sa 'kin dito kaya kumportable akong kumain with my usual aura kapag wala si Ryo. Natigil ako sa pagsubo nang marinig ang tilian sa paligid. Ang ingay talaga nitong mga 'to. Akala ko kapag mayayaman tinuturuan ng tamang table manner at bawal mag ingay sa hapag. "Everyone, leave!" nagulat ako nang marinig ang malakas at puno ng awtoridad na boses na iyon. Pamilyar ang malalim at malamig ng boses kaya alam ko na agad kung sino 'yon. Bastos talaga nitong taong 'to oh. Kumakain e' papaalisin. Inis na umalis 'yung iba. 'Yung iba naman ay nagreklamo pa pero agad ding hinarap ng mga kasama ni Ryo. Kung hindi ko siya iniiwasan ay hindi naman ako aalis. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba talaga 'tong pagiwas-iwas ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay lalo lang akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Pinapahirapan ko pa sarili ko. Everyone's out, and I was about too when Ryo suddenly blocked my way. I gulped as I felt my heart flutters... again. He's standing inches on me and I just can't move. I can't even look up on him. Natatakot ako sa mga mata niya. "Excuse me," I said. "What did I do wrong?" he asked. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Ano ba'ng sinasabi nito? "A-anong ba'ng t-trip mo?" kabadong tanong ko nang maramdaman ang galit sa aura niya. "Ikaw, ano'ng trip mo?!" "Anong trip ko?" naguguluhang tanong ko. "Hindi kita maintindihan, bakit ka ba nagagalit?!" And just like that, I found myself arguing with him. "Ikaw ang hindi ko maintindihan. You're confusing me!" he said. "You ask them to leave just to argue with me?! Alam mo, ang gulo mo!" "Hindi mo ba maintindihan?!" "Ang ano ba? Hindi mo naman pinapaintindi!" Natahimik kami sandali nang hindi na siya sumagot at tinitigan na lang ako. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Perhaps you've changed your mind," he said while nodding. And with that he suddenly walked away as if nothing happened. I was left dumbfounded. What was that?! Mas lalo akong hindi nakapag-focus sa pag-aaral at sa iba pang bagay. Hindi mawala sa isip ko ang mga inakto niya. Pilit kong iniisip kung saan galing ang lahat ng 'yon. What does he mean when he said that I perhaps changed my mind? He's confusing me. "Aish!" I exclaimed and throw myself on my bed. I decided to sleep since hindi rin naman ako makakapag focus sa pag-aaral. It's just a normal day. Sobrang normal. It's weird but I like it. This is how my life used to be. Pakiramdam ko wala lang ulit ako. Sana ganito na lang. I sat on my usual place at the back of the main building. Kinuha ko 'yong kaha ng sigarilyo at nag sindi ng isa. Tinitigan ko iyon, iniisip kung ita-take ko ba or not. This is Malboro black. 'Yung kaha kong bakal e' regalo sa 'kin ni Jeuz. 'Di ba, napaka supportive sa bisyo ko. Sa kanila ko naman 'to natutuhan and I'm now addicted. Napanguso ako nang maalala ang mga araw na 'yon kasama ng gang. Para akong prinsesa sa gitna nila. They're all treating me like a queen of the gang, but more like a little sister na kasama sa lahat ng kalokohan at illegal activities nila. It's been a thousand years since the last time I visited them. My boyfriend isn't calling me, nor answering mine's. He want me to focus on doing what he commanded. Bagay na sa una'y akala ko madali. Akala ko ayos lang. Nakakatakot pala. I don't wanna do this anymore. Natatakot ako... Natatakot akong mahulog sa taong 'yon. I stood up. Jeuz will surely understand. He loves me at ganoon din dapat ako. Mali 'yong mga nararamdaman ko para kay Ryo. Akala ko'y huhupa ang nararamdaman ko kapag humiwalay ako sandali kay Ryo. Pero it turns out na mas naging malinaw sa akin ang lahat. Dapat nang mamatay 'tong feelings na 'to bago pa mag grow. I stood up. "Okay! Let's go to the hideout," I stated and sigh. Palabas na ako ng university at sakto namang nakita ko si Rylen sa labas. Hindi siya dito nag-aaral kaya ipinagtaka ko kung bakit siya nandito. Pinag masdan ko siya habang nag lalakad ako palabas. Nakasuot pa siya ng school uniform from public high school na pinapasukan niya. Matangkad ang kapatid ko, maputi at may kapayatan. Kagaya ko'y mukha rin siyang japanese dahil sa hugis ng mukha at singkit niyang mata. I just noticed how he was looking around with his face full of frustration. Kumunot ang noo ko. Nabuhayan siya nang magtama ang mata namin. He ran towards me. So ako pala ang pinunta niya dito? Akala ko'y may pinopormahan siya from this university. "Ate!" aniya, hinihingal pa. "Ryle, ba't ka nandito?" tanong ko. "Ate, s-si m-mama kasi, s-sinugod sa hospital n-n'ong mga k-kapit-bahay natin kanina..." mangiyak-ngiyak na saad niya. My eyes grew bigges as his words sinked in my mind. "Ano?! Bakit? S-Saang hospital?!" tanong ko at hinawakan siya sa balikat dahil nagpa-panic na siya. "Sa public hospital malapit sa atin," aniya at agad akong lumakad para pumunta doon. Malaki ang galit ko kay mama pero mama ko pa rin siya, at nag-aalala ako sa kaniya. Kasabay ng kapatid ko ay sumakay ako ng jeep, badtrip naman oh, traffic pa. Hindi ako mapakali habang nakaupo. "Ate, natatakot ako," aniya. Nilingon ko siya. "Nanggaling ka na ba d'on? Kumusta ang lagay ni mama?" tanong ko sa kaniya. "Hindi pa, dumiretso ako sa 'yo matapos kong malaman," nanginginig ang boses na saad niya. Napayakap na lamang ako sa kaniya habang ipinagdarasal na sana'y okay lang si mama. Pagdating namin d'on ay agad kong nakita si Aling Precy. Kapit-bahay namin na lagi ring kasama ni mama sa sugalan. "Ano po'ng nangyari?" tanong ko. "Mabuti naman at nandito ka na, Naomi. Kanina pa ako tinatanong ng doktor. Kailangan daw kasing operahan ang nanay mo dahil sa sakit niya sa atay," aniya na ipinagtaka ko. "Sakit sa atay? Pero wala pong sakit si mama," sagot ko. "Hindi ko rin alam pero iyon ang sabi ng doktor. Naku naman, iyan kasing nanay mo e' sagana sa inuman," naii-stress na rin na saad ni Aling Precy. Napakagat na lang ako sa labi ko habang pinoproseso ang lahat. Tama siya, maaring doon nga 'yon nakuha ni mama. Kinausap ko 'yong doktor nang makita ko siyang lumabas. Diniscuss niya sa 'kin ang lagay ni mama, at na kailangan nito ng operasyon, pati na rin ang mga gamot. Halos manlumo ako matapos kalkulahin sa isip ko ang lahat. Saan ako kukuha ng pera para sa mga 'yon?! May part-time job ako dati pero dahil sa gusto ni Jeuz na mag resign ako at mag focus na lang sa pag-aaral ko'y tinigilan ko nga. Napahilamos na lang ako. Nasa loob ng kuwarto si Rylen, kasama si mama. Ayokong pumasok sa ngayon. Ibinilin ko si mama kay Rylen at agad na umalis. Ang bigat sa pakiramdam na tumuntong sa kuta nang iba ang pakay ko. Pero wala na akong pakialam. Wala akong ibang malalapitan. "Nami?" "Uy, long time no see!" Hindi ko pinansin ang mga bumati saa akin pag pasok ko. Dire-diretso ako sa loob ng kuta kung saan sigurado akong nandoon si Jeuz. I gulped as I saw him busy holding a folder or whatever it is. He's in his usual look. His usual aura. Right now, serious and busy reading something. He's wearing a simple white t-shirt that fits him perfectly partnered with his maong pants. Hindi maitatago ang kisig ng pangangatawan niya. I slowly walk towards him. His eyes were still on the folder. And me, I'm out of words. I don't know what to say, how to start. I was about to talk when he interrupt. "I missed you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD