CHAPTER 13

1950 Words
"I missed you," he stated and then look at me in the eye. Sunod-sunod ang naging pag lunok ko. I didn't expect to hear those words from him. "B-Babe," my voice breaks. I have to admit that I somehow missed him too. Pero 'yung kilig at pananabik tuwing nakikita ko siya, wala na. 'Yung butterflies? I don't feel it anymore... as if... as if my feelings for him faded. He then stood and up and walk towards me. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong niya. He then hugged me but I feel like there's something wrong. I can't feel the warmth. I can't feel sa sincerity. What happened to us, babe? "Are you alright? You look so pale," aniya. Nag-angat ako nang tingin sa kaniya. Nagtama ang mata namin pero hindi kagaya noon ay hindi ko na ito mabasa. Tears started to form inside my eyes. Dala ng halo-halong emosyon. Dala ng halo-halong problema. "Hey, babe, tell me what happened?" he then cupped my face. I still can't speak. Nang hindi pa rin ako magsalita ay napabuntong hininga na lang siya at niyakap ako. Kasabay n'on ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. "You know I'm always here, Naomi. I love you, so please, tell me." How can he be this kind? Isn't he a gangster? Yeah, kahit mawala ang pagtingin ko kay Jeuz, kahit ano'ng sabihin at gawin niya, hindi n'on maitatago ang kabaitan niya. Bagay na nagustuhan ko sa kaniya noon. "Si mama..." and I told him everything. "Alam mo namang wala akong ibang malalapitan. K-Kahit i-isama n'yo na lang ako sa transcations n'yo. I-I just c-can't--" "Hindi ka sasama sa transactions. Delikado. Pinag-usapan na natin noon na ayaw kita r'on," aniya. Naalala ko tuloy 'yong panahon na gusto kong sumama sa transaction nila sa drugs. Oo, hindi lingid sa kaalaman ko ang pag gawa nila ng ilegal. Masama sa isip ng iba, pero sa amin na walang ibang makapitan, normal lang 'yon. But that time he said that he'll never allow me to be involve to any of their illegal transactions. Sabi niya ayaw niyang masira ang buhay ko, and until now pinaninidigan niya. "What else I can do?" I said desperately. Oo, desperada na ako na pasukin kahit ang ilegal na gawain makakuha lang ng pampagamot kay mama. Seryosong bumaling siya sa akin at pinahid ang mga luhang walang tigil na umaagos sa mga mata ko. "Just complete your task, I'll take care of your mother," he said, and that caught me off guard. But I was about to resign! "Why? We're still on the same page, right?" No, Jeuz. We've never been on the same page when it comes to this. I never wanted this. "Yeah, of course. I'm on your side," I said, very contradicting to what's on my mind. He smiled and continue touching my face. "Stop crying. There's nothing to worry about anymore. I'm here." Bumalik ako sa hosptal matapos kumuha ng ilang damit at bumili na rin ng pagkain para sa 'min nila mama habang nananatili kami r'on. Naabutan ko si Rylen at mama na nagkakagulo. Halos mapatakbo ako papalapit sa kanila nang makitang nagpipilit si mama na tumayo. "Ma, Ryle, ano'ng nangyayari?" tanong ko matapos ilapag ang nga dala ko sa table. "Si mama kasi, gusto nang umalis. Hindi naman puwede," sagot ni Rylen na pilit pinipigilan si mama. "Ma, ano ba?" saad ko. Matalim siyang tumingin sa akin. "Anong ano ba? Bakit, may pambayad ka ba, ha?!" bulyaw niya sa akin na para bang kasalanan ko pa na inadmit namin siya rito. "Sabi ng doktor kailangan n'yong ma-operahan para gumaling kayo. Pupunta ako doon mamaya para kausapin ang doktor n'yo para mai-schedule na ang operasyon n'yo--" Halos makalagat ko ang sarili kong dila nang marinig ko ang malutong na mura nula sa kaniya. "Hindi mo ba naiintindihan, ayoko nga! At saan ka kukuha ng pambayad, aber? Uutang ka, kanino? Wala ka nang mauutangan dahil sira na tayo sa mga kapit-bahay natin! Ano, hihingi ka ng pera sa syota mo? Aba, mahiya ka naman!" "Ma," saway ni Rylen sa walang prenong bibig ni mama. "E' kung hindi naman ho kasi kayo nag-inom e'di sana hindi nasira 'yang atay n'yo at wala sanang problema ngayon," inis na saad ko at saka sila iniwan d'on. Tss, kailan ba titino ang taong 'yon?! Dumiretso na lang ako sa doktor kaysa makipag bangayan kay mama. Matapos makausap ang doktor niya e' dumiretso naman ako sa cafeteria ng hospital para bumili ng kape. Ramdam ko ang stress at pagod nang umupo ako sa pang-dalawahang table. Ang daming problema. Sa totoo lang hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Nalilito ako sa nararamdaman ko, lalo na nang makita ko si Jeuz ulit. Tapos ngayon eto pang si mama. Hindi na halos ako makapag focus sa pag-aaral. "Ang lalim." Isang pamilyar na malamig at malalim na boses ang humila sa akin pabalik sa reyalidad. Halos mapatayo ako nang makumpirma ko kung sino 'yon. Umupo siya sa harap ko. Sunod-sunod akong napalunok at napaiwas ng tingin habang iniisip 'yong nangyari no'ng nakaraan. Akala ko ba'y galit siya sa 'kin? Tumikhim siya. "Don't get me wrong. I have no choice but to seat here with you," saad niya. Tumingin ako paligid at doon ko narealize na okupado nga ang lahat ng upuan at lamesa. Tumango lang ako. "Uhm, patapos na rin naman ako," saad ko. Gusto ko rin na umalis na agad pero ayokong maging masyadong halata. "Sinungaling," bulong niya sabay halo sa kape niya. Mabilis akong napatingin sa kaniya. "Excuse me?" inis na tanong ko. Nakita ko naman na dumako ang mata niya sa kape na hawak ko, sabay kibit-balikat. Doon ko natanto na marami pa ngang laman 'yong kape ko. Tatatlong higop pa lang yata ang nagawa ko roon, tapos sinabi kong patapos na ako. Ngayon naman ay ako ang napatikhim. "H-Hindi ko gusto 'yong k-kape kaya hindi ko uubusin," palusot ko na lang. Akmang aalis na ako nang magsalita siya. "Why are you here? Check up? Bakit, may sakit ka?" wala pa ring emosyon na tanong niya habang nakatingin lang sa kape niya. Tumaas ang kilay ko. Some part of me was irritated. "Puwede ba, huwag ka ngang umakto na parang may pakialam ka?" I said, remembering the night in the inn. The night when I thought he really cares for me because he saved me from Mae, only to found out na ginagawa niya lang 'yon para kwits na kami. Kumunot ang noo niya. "Ano ba'ng problema mo? Tinatanong lang naman kita," saad niya. I sarcastically chuckled. Siya pa pala ang may ganang mag tanong n'on? "Ikaw ang problema ko! You keep on confusing me! Are you playing with my feelings, huh?!" inis na saad ko, walang pakialam sa mga taong pinag titinginan na kaming dalawa. But then, he remained calm kahit na nag eeskandalo na ako. Seriously, how can he do that?! "As if you're not doing the same. As if you're not confusing me too," aniya. Napailing na lang ako. There's no point of arguing with him. Alam ko naman na hindi namin maiintindihan ang isa't isa. I finally walk away. Dinatnan kong tulog si mama, nandoon pa rin si Rylen. Naaawa ako sa kapatid ko. Dapat sana'y focus lang siya sa pag-aaral niya ngayon at ineenjoy ang high school life niya, pero eto siya ngayon, problemado sa buhay, kay mama, sa kinabukasan niya. My brother is a fine man. Gentleman as always, a man of few words but sweet, torpe daw 'yan sabi nang ilang kakilala. I sigh. I'm doing my best para sa kaniya. Gusto ko ng magandang buhay at kinabukasan para sa kaniya, bagay na hindi mailaan ng mga magulang namin. Napangiti ako nang makita siyang humikab. Lumapit ako sa kaniya. "Pahinga ka na," saad ko. "Ate, ba't ang tagal mo?" tanong niya at nag kusot ng mata. Halatang antok na. Ugali kasi nito na matulog maya't maya. Kaya ang tangkad eh. Pero ngayon hindi siya makatulog kasi baka umalis si mama. "Sige na, kung gusto mong umuwi puwede naman," saad ko. "Ako na bahala kay mama." Ilang araw din ang itinagal ni mama sa hospital matapos ang operasyon niya. Kailangan pa daw kasi siyang obserbahan ng mga doktor. Ilang araw din akong absent kakabantay sa kaniya. Ayoko kasi na si Rylen ang umabsent sa school kaya ako na lang. Nanghihingi na lang ako ng updates mula kay Kevin para kahit paano'y alam ko ang nangyayari sa school. "'Teh, kumusta na mudra mo?" tanong niya nang makita kami sa cafeteria sa tapat ng hospital. "Nagrerecover na. Sana nga bilisan niya nang makaalis na kami. Lumalaki lalo ang bill namin e'," sagot ko. "Balita sa school?" "Ah, oo nga. Bale 'yong majestic ball--" "Next," pigil ko. "Anong next?" "Next update. Hindi ako interesado sa majestic ball," sagot ko sabay higop ng kape. "Ha? Hindi ka aattend?!" tanong niya. "Hindi." "Pero isa ako sa mga officer ng event na 'yon!" "Ano naman?" "Support naman oh!" "Bakit, hindi ka ba makakagalaw kapag wala ako r'on?" tanong ko. Napangiwi naman siya. "Ibig kong sabihin--" "Stop it, Kevin. Do you really expect me to wear a gown and a make up for that night? Isa pa, I'm not into parties, may trauma na ako," saad ko habang inaalala ang ginawa sa 'kin ni Mae sa unang party na dinaluhan ko. "Oh, sorry," he said with apologetic face. Alam ko na somehow sinisisi niya pa rin ang sarili niya kasi pinilit niya ako na sumama r'on. "Forget it." "Naisip ko lang na magandang start 'yon para makahabol ka sa nga quizzes na na-miss mo. Malaki kasi ang extra points kung aattend ka ng ball," saad niya. Natigilan ako. Badtrip naman oh. "Sigurado akong may iba pang way para makahabol," umaasang sagot ko. Sa loob-loob ay nanghihinayang ako. Ayokong bumagsak. "Sana nga. Dean's Lister ka pa naman. Siguradong bawat points e' mahalaga sa 'yo," aniya, at totoo 'yon. Napahilamos na lang ako. "Huwag kang mag-alala, sigurado naman ako na makakahabol ka," he said, encouraging me. I awkwardly smile. Pambihirang patis. Nagdadalawang isip tuloy ako kung aattend ba ako o manatili na lang sa desisyon ko na hindi. Ang hirap. "Awit." Ilang linggo pa ang lumipas bago tuluyang makalabas si mama sa hospital. Fully recovered na siya pero inabisuhan ng doktor na itigil ang mga bisyo niya. Sana naman e' makinig 'tong nanay ko. "Welcome back, Nams!" bungad ni Kevin nang makita ako sa hallway. Napangiti na kang ako. Masaya rin pala ang may kaibigan 'no? Didn't realize that. Kung hindi pa dahil sa mission ko, hindi ko magiging kaibigan si Kevin. At sa lahat naman, bakla pa talaga. "Ilang linggo lang akong absent pero pakiramdam ko ang laki ng pinagbago ng university," natatawang saad ko. Isinabit ni Kevin ang braso niya sa braso ko habang binabash 'yong most hated professor namin. Natawa na lang ako sa nga rants niya habang papunta kami sa room. Papasok na sana kami nang marinig ko ang piit na tilian ng mga babae. Dahil chismosa si Kevin, "Wait lang 'teh," aniya at tumigil para tignan ang nangyayari. "Omoooooo!" tili niya. Napalingon din tuloy ako. Na pinagsisihan ko. My eyes grew bigger as I saw Ryo with his usual arrogant aura, walking towards us. Nagtama ang paningin namin pero hindi kagaya ng lagi kong ginagawa, hindi ito maiiwas. Para bang naka-glue 'yon sa kaniya. I gulped when he stop in front of me. Okay, so, ano na namang palabas 'to? Paano mo na naman sisirain ang buhay ko? "Be my date on the majestic ball."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD