SHAKKI :
Kinaumagahan din iyon ay maaga ako nagising. Pansin ko na wala na si Vaughn sa tabi ko. Bahagya akong bumangon. Siguro nauna na siyang bumaba. Nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama. Nagtoothbrush at naghilamos muna ako bago ako tuluyang nakalabas ng kuwarto. Pagkasara ko ng pinto ay nakita ko sina Naya at Laraya na papalapit sa aking direksyon.
"Good morning!" masayang bati nila sa akin. Binati ko din sila pabalik na may ngiti sa aking mga labi. "Susunduin ka sana namin para makakain tayo ng brekafast." wika ni Laraya.
"Halika na, naghihintay na sila sa Dining Area." aya ni Naya sabay pinulupot niya ang kaniyang braso sa akin.
Kusang sumunod ang katawan ko sa kanilang dalawa. Now, I'm wondering, kung nagkausap na ba sina Vaughn at Finlay? Kasi nagkainitan silang dalawa kagabi. Sana maging maayos na ang magkapatid na iyon. Sana mas nangingibabaw ang pagmamahal nila bilang magkapatid.
Pagtapak ko sa Dining Area ay medyo nalula naman ako dahil sa dami ng magpipinsan, kasama pa ang mga asawa nila. Pero mas nangingibabaw ang kasiyahan ko sa aking nakita. Mas naging masaya at naging makulay ang silid na ito. Ramdam na ramdam ko ang good vibes.
Binati nila ako pagkakita nila sa akin. Binati ko din sila pabalik. Nilapitan ako ni Vaughn saka hinalikan ako sa sentido pagkatapos ay hinatid niya ako sa dining chair.
"Okay na ba kayo ni Finlay?" bulong ko sa kaniya habang pinaghahain niya ako.
"Yeah, nagkaayos an din kami." tugon niya na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Mas gumaan ang pakiramdam ko buhat kagabi, mi amor. Thanks to you."
Ngiti lang ang naging sagot ko. Ang totoo niyan, wala naman talaga ako ginawa. Tanging pagkikinig lang ang ginawa ko. Doon ko napagtanto na masyado siyang matibay para makayanan niya ang mga unos na dumadating sa buhay niya. Lahat ginagawa niya para makabangon ulit.
"Vaughn, cous," tawag sa kaniya bigla ni Suther. Nakuha niya ang atensyon naming lahat. "Tumawag si ahma kanina, tinatanong niya kung kailan daw ba tayo uuwi ng Cavite?"
"Tayo?" nagtatakang ulit ni Vaughn.
"Yeah, gusto ni ahma na sabay-sabay tayong babalik ng Cavite. Baka nakalimutan mo, kinabukasan ay birthday mo na? Maybe she want to throw a party for you." dugtong pa ni Archie habang nakaakbay kay Jaycelle.
Umaawang ang bibig ko. Oo nga pala! Muntik ko na makalimutan ang birthday niya! Gusto ko tuloy kastiguhin ang sarili ko! Asawa pa man din ako tapos kakalimutan ko ang birthday ng asawa ko!
"Kapag natapos na natin ipagiba ang kuwarto, aalis din tayo agad." kaswal na sagot ni Vaughn sa kanila. Natigilan kaming lahat sa kaniyang naisagot, lalo na si Finlay na hindi makapaniwala. "Thank you sa pagpunta ninyo dito at pinarealize ninyo sa akin ang mga bagay na dapat kong ibaon na sa limot."
Napangiti kaming lahat sa kaniyang naging pahayag.
"Don't mention it, cous," wika ni Keiran. "Parte ka ng pamilya. You deserved to be a Hochengco."
Tumango na may ngiti sa labi si Vaughn.
_
Pagkatapos kumain, sunod namin pinuntahan ang kuwarto na ipapagiba ng mga magpipinsan. Pinagtutulungan nilang sirain ang naturang kuwarto na iyon habang ang mga asawa nila ay nag-aasikaso sa loob. Ang tanging kasama ko lang dito sa labas ay ang mga pinsan na babae ni Vaughn. Sina Archie at Keiran naman ang pumutol sa puno ng bayabas. Lahat yata ng mga bagay na may kinalaman sa masamang alaala ni Vaughn ay sisirain nila. Parang humahaplos sa aking puso habang pinapanood ko ang eksenang ito. Kita sa mukha ng magpipinsan ang galit sa mukha habang sinisira nila ang silid.
"Shakki," tawag sa akin ni Fae. Lumingon ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Thank you."
"Ako dapat ang magpasalamat, Fae. Dahil mabuti nalang, sa inyo lumapit si Vaughn sa mga panahon na lugmok na siya at walang masasandalan. Salamat dahil tinanggap ninyo siya."
"Pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa nanay niya." seryosong bigkas ni Carys. "Huwag na huwag siyang magkakamali na magpakita siya sa amin."
"Oo nga pala, hindi pa ba nagkikita sina Vaughn at ang nanay niya pagkatapos?" hindi ko mapigilang itanong iyon.
Umiling sila. "Hindi pa, actually. Siguro dahil nahihiya siya dahil sa ginawa niyang pagpapababaya niya noon kay Vaughn." si Nemesis ang sumagot. "Kahit ang isa sa mga grandparents niya, hindi pa naharap nina tito Kyros o ni ahma para makausap."
Natahimik ako saka huminga ng malalim. Bumaling ako sa direksyon ni
_
POSTPONED ang renovation ni Vaughn sa bahay. Dahil sa utos ng Grande Matriarch ay wala na siyang magagawa kungdi sumabay kami sa mga pinsan niya pabalik ng Cavite. Bigla ako ginapangan ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang mga tinuturing na magulang ni Vaughn, lalo na ang lola ng magpipinsan. Napapaisip ako kung ano ang magiging reaction ng lola nila kapag nalam niyang ikinasal na kami ni Vaughn? Sisiklab din ba siya sa galit? Huwag naman sana...
"Hey, you alright?" nag-alalang tanong ni Vaughn, kasalukuyan na kaming nasa backseat ng kotse na ipinadala pa ng kanilang ahma bilang sundo sa amin.
Napangiwi ako. "I'm just worried... Baka magalit ang ahma mo dahil kasal ka na sa akin." pag-amin ko.
Ngumuso siya saka ngumiti. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko at dinampian niya iyon ng halik. "Don't be scared. Mabait naman si ahma, maliban nalang talaga sa unang impresyon mo sa kaniya na intimidating naman talaga."
"Vaughn naman, eh. Tinatakot mo na talaga ako."
He chuckled. "Hindi kita tinatakot. Binibigyan lang kita ng tip." hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa akin. "Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan."
Until we reached the massive mansion here in Cavite. It's an elegant and classic ancestral house! Mukhang alagang-alaga talaga ang bahay na ito kahit sa paglipas ng ilang taon na nagdaan. Parang walang bahid na nasira man lang ito. Tumigil ang mga sasakyan sa malawak na lote dito.
Mabagal akong kumawala ng malalim na hininga. Hinahanda ko ang sarili ko sa anumang sasabihin o tingin sa akin ng kanilang ahma. Kung maganda o masama ang ibabato nitong salita laban sa akin. Unang lumabas ng sasakyan si Vaughn pagkatapos ay nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng sasakyan. I pressed my lips before I released a few steps.
While we approaching the door, kusa na iyon nagbukas. Tumambad sa amin ang mga kasambahay na nakahilera doon para pagsalubong sa magpipinsan.
"Nasa veranda po sila, sir Kalous." sagot ng isa sa mga kasambahay nang magtanong si Kalous.
Sila? Ibig sabihin, hindi lang ang lola ang makikita ko dito?! Lalo bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
Nakasunod lang kami hanggang sa marating namin ang veranda. Mas lalo ako namangha sa ganda ng veranda. Ang sosyal talaga tingnan lalo na't malawak pa. Dahil din sa lawak ng hardin sa likod ng mansion na ito, pupwede ka talagang magpaparty dito, anytime. Kung may malaking fountain sa harap, may fountain din dito sa likod!
Natanaw ko ang tatlong babae at dalawang lalaki.
"Oh! Here they are!" bulalas ng isang magandang babae. Chinita ito at mala-gatas ang kaputian! Parang hindi nakamake-up pero daig pang nakablush on dahil sa namumula nitong mga pisngi. "Vaughn, Finlay... Mga anak ko!"
Natigilan ako. What?! Siya ang tinutukoy na nanay nina Vaughn at Finlay?! Ang tinuturing na nanay ngayon ng asawa ko?!
"Hi, ma." bati ng magkapatid sa kaniya.
"Kamusta ang mini-vacation ninyo?" nakangiting tanong niya.
"Enjoy naman ma. Unexpected lang na may natagpuan kami doon." nakangising tugon ni Finlay sabay sulyap niya sa amin. "Bro, ipakilala mo na ang asawa mo."
Ramdam ko ang paghawak ni Vaughn sa aking bewang. "Ma, this is Shakki Hamilton. Ang asawa ko..."
"Oh! You got a wife!" bulalas niya sa amin sabay ipinagdikit niya ang mga palad niya. Namilog pa ang mga mata niya dahil sa pagkabigla niya. Lumingon siya sa kaniyang likuran. "Mama! Idette! Kyros! Lennart! May asawa na ang anak kong si Vaughn!" sabay hawak niya sa akin at talagang kinaladkad niya ako patungo sa mga kasama niya! Bumaling ako kay Vaughn para humingi ng tulong pero ngumisi lang ang walanghiya! Ganoon din ang mga pinsan niya at mga asawa nito! Sa hitsura nila, parang alam na nila kung ano ang mangyayari. Ano ba? Tulungan ninyo ako!
"Asawa ni Vaughn?" tanong ng isang may edad na lalaki sabay tingin sa akin. "Shakki Hamilton? If I'm not mistaken, you're the COO of Hamilton Building Corporation." Lumunok ako. Dahan-dahan akong tumango. Pakiramdam ko kasi, umurong ang dila ko dahil sa kaba. Bigla siyang tumayo sabay lahad ng kaniyang palad sa akin. "It's nice to meet you, iha."
Agad kong tinanggap iyon. "S-salamat po..." nahihiyang usal ko.
"Oh, iha, huwag kang mahiya." natatawa ng isa pang babae. Siya yata ang tinatawag ni Madame Fiorella na Idette... Hindi ko lang alam kung sino ang nanay niya. Inalis niya ang kaniyang tingin sa akin at bumaling sa ibang direksyon. "Vlad, natawagan mo na ba si Inez na pupunta ka ng Japan today?"
"No, not yet 'ma. Didiretso na ako sa unit niya doon pagdating ko doon. I want her to surprise." masayang sagot ni Vlad mula sa likuran ko.
"I see. Give her our regards, iho. Ingat ka sa byahe mo mamaya."
"Sure, ma." then he left.
Bigla akong pinaupo ni Madame Fiorella. Nagsialisan na ang ibang magpipinsan. Lumapit naman si Vaughn at tumabi sa akin. "Here, iha. Feel at home ka lang." aniya saka umupo na din siya sa may available na couch.
Napatingin ako sa matandang babae na abala sa kaniyang tsaa. Muli ako napalunok. Parang sasabog na anytime ang puso ko dahil sa kaba. Totoo nga ang sinasabi ni Vaughn, unang impresyon ko nga sa kanilang ahma, she's really intimidating and I can sense her dominance in the air! Napaupo ako ng tuwid nang inilapag ng Grande Matriarch ang tasa sa mababang mesa. Tumingin siya sa akin ng ilang segundo. Pinag-aaralan niya ako ng mabuti. Oh, God! Please help me!
"So you are my grandson's wife." kahit boses niya, mararamdaman mo na kailangan mo siyang respetuhin! "Shakki Hamilton... The heiress of Hamilton Building Corporation."
"Y-yes, madame..." saka yumuko ako.
"Nabalitaan kong lumulubog na sa utang ang negosyo ninyo. And suddenly you married to my grandson, hm?" she said. Hindi ko magawang magsalita. "Akala mo, hindi ko malalaman iyon?"
Umaawang ang bibig ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nalaman niya ang bagay na iyon! "M-Madame..."
"You're not even a chinese." segunda pa niya.
"Ahma..." tawag sa kaniya ni Vaughn.
Pumikit siya ng mariin st nagpakawala ng malalim na hininga. "Kailan kayo magpapakasal ulit?"
Napamaang ako. "P-po?" gulat akong bumaling kay Vaughn. Tulad ko ay ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "H-hindi pa po namin alam..." iyan lang ang naging tugon ko.
"Nex week, magpakasal kayo. Baka hindi mo alam, ang ibang pinsan ni Vaughn ay ilang beses nang pinakasalan ang mga asawa nila dahil sa katigasan ng mga ulo at pagsuway sa akin." ngumiti na din siya. "Nagbitaw na din ako ng salita sa kanila, na hinding hindi na ako kokontra pa sa mga buhay pag-ibig nila. Sa oras na tumutol na naman ako, aawayin na naman ako ni Laraya." saka napabuntong-hininga siya.
Ha? Aawayin daw siya ni Laraya? Papaanong...
Bumaling siya kay Vaughn. "Apo, ihatid mo na ang asawa mo sa kuwarto mo. Alam kong pagod pa kayo sa byahe. Pagkatapos ng birthday celebration mo, pupunta tayo sa bahay ng mga Hamilton para mamanhikan. Kyros, Fiorella, tell Finlay and Pasha what to do."
"Yes, mama." sagot ng mag-asawa sa kanila.
"Welcome to the Hochengco Family, iha." ngumiti ang Grande Matriarch sa akin. "Tawagan mo na din ang pamilya mo para hindi sila magulat sa oras na sumugod kami sa inyo."