Ilang beses na ako pumaparito at pumaparoon. Nakabihis at nakaayos na ako. Walang tigil ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib, pinaglalaruan ko din ang aking mga hinalalaking daliri para maibsan ang kaba pero mukhang hindi pa effective. Sa huli ay umupo nalang ako sa harap ng vanity mirror. Kasalukuyang hinihintay ko ang pagsundo sa akin ni Vaughn. Pinapunta siya ng ahma niya sa Library para kausapin, mukhang seryoso pa ang pag-uusapan nila.
Pumikit ako ng mariin nang sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Madame Eufemia kanina. Gusto daw niya daw ako kausapin dahil magiging abala daw siya mamaya dahil sa party. She wants everything will be settled according to her plan.
"The Hochengcos didn't deserve a no, iha." seryosong sabi ni Madame Eufemia habang pinipirmahan niya ang papel. Tiniklop niya din iyon saka inabot sa kaniyang sekretarya. Bumaling siya sa akin. "Tonight, it's Vaughn's birthday party. Isasabay ko na din ang engagement party ninyo."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "M-madame..."
She offer me a small smile. "I mean it, iha. Tutal naman ay imbitado na din ang mga board of members and also the stockholders. Pati na din ang mga business media ay imbitado din." Umayos siya ng upo. "So, you have doubts to marry my grandson?"
Agad akong umiling. "Naku, h-hindi po... Hindi ko lang po inaasahan na... May ganap pong engagement party."
"I see, well, I mean it that I treat Vaughn as a bastard of this family, really. Ngayon lang nangyari iyon sa pamilya ko. But, I think he really deserved to be part of this family too because I saw his dedication in his studies and work. He manage the company so well. Doon ko napagtanto na mapapabuti sa kamay niya ang Hochengco Prime Holdings, though, hindi pa naalis si Kyros bilang Chairman doon." huminga siya ng malalim at tumingin nang diretso sa aking mga mata. "Iha, ako na mismo ang makikiusap sa iyo. Don't ever hurt him. Huwag na huwag mong iparanas ulit sa kaniya ang sakit na naranasan niya sa pamilya ng kaniyang ina. Can I count on you for that?"
Kusa akong tumango. "Opo, madame. Hinding hindi ko po sasaktan si Vaughn. Hindi na." I assured.
Tumango siya't mas lumapad ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa aking naisagot. "Thank you, iha. Thank you for loving Vaughn from his best to worst."
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid na ito. Bumaling ako doon at napatayo nang tumambad sa akin ay si Vaughn. Hindi ko maipagkaila na mas tumingkad ang kaguwapuhan niyang taglay dahil sa suot niyang three-piece-suit. Nakabrush-up ang kaniyang buhok. He really looks like a dashing debonair in the city! He's really fit to be a celebrity or an actor, not only as an engineer. Matik akong napangiti sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Humakbang siya palapit as akin. "Sorry kung natagalan. May mga sinabi lang si ahma. Regarding sa engagement party." he offer his palm on me. "Ready, mi amor?"
Mas lalo ako napangiti at tumango. "Yes, I am, Mr. Ho." malambing kong tugon. Tinanggap ko ang kaniyang palad hanggang sa kumapit ako sa isa niyang braso. Sabay na din kaming umalis dito sa kaniyang silid.
__
Engrandeng party ang kaganapan dito. Sa Hallway ng mansyon na ito kami dumaan, sabi niya shortcut daw patungo sa garden ng mansyon. Kusa akong tumigil sa paglalakad, alam kong nagtataka siya. Tumingin ako sa bintana ng hallway. Hindi ko mapigilang mamangha dahil may mga nakahilerang mga sasakyan, it means, maraming bisita ang mga Hochengco! Papaanong hindi dadami eh dalawang okasyon ba naman ang idadaos ngayong gabi?
Until we reached the garden. Tanaw ko ang ibang magpipinsan na masayang nagkukumpulan habang may mga hawak itong mga wine flute. Tumingin sa direksyon namin si Tarrah. Masaya siyang kumaway sa amin. Kumaway din ako pabalik.
"Oh! Narito na ang love birds!" bulalas ni Tarrah na may kasama pang palakpak. "Oh gosh, ang swerte! May ganitong pakulo pa si Madame Eufemia."
"Nakakatuwa naman, pero atleast, hindi na sila papahirapan pa ni Madame." dagdag pa ni Laraya saka uminom sa wine flute.
"Papaano kasi, takot sa iyo!" kantyaw ni Jaycelle na natatawa, kakapit siya sa braso ni Archie. "Sagutin-sagutin mo ba naman. At saka, first time nangyari kay Madame iyon."
"Yeah, right." pagsang-ayon ni Carys habang may hawak na wine flute.
"My kitty, natawag si Mikhail. Teka, susunduin ko lang." paalam ni Suther kay Laraya. Hinalikan pa niya muna ito sa pisngi bago umalis. Hinatid lang siya ng tingin ni Laraya habang papalayo.
Kung hindi ako nagkakamali, isa din siya sa mga pinsan nina Vaughn, sa mother side. Pansin ko lang, hindi siya kasama noong bumisita ang mga ito sa mismong ancestral house ng asawa ko.
Mas hindi ko inaasahan na may mga lumapit na ibang bisita para batiin si Vaughn pati na din ako dahil sa engagement party na din namin ito. Nang narito na din ang presensya ni Madame Eufemia ay siya naman ang sunod na binati ng mga bisita, maski ang mga magulang ng magpipinsan.
Marami ding waiter ang mga gumagala sa paligid habang hawak nila ang tray na naglalaman ng mga alak, ang iba naman ay appetizers. Napaalam sa akin si Vaughn na aasikasuhin daw niya muna saglit ang mga bisita. Pumayag naman ako. Kasama ko naman sina Pasha at Laraya dito sa mesa, nagkukwentuhan muna kami habang wala ang mga asawa namin. Si Naya ay isinama ni Keiran dahil sa abogado ito, paniguradong may mga kakilala din siya na kliyente din niya. Tarrah ay kasama naman ni Kalous dahil kilala din siya bilang tagapagmana ng mga Ongpauco. Sina Archie at Jaycelle naman ay nakabuntot kay Madame Eufemia, hindi ko lang sure kung bakit.
"Ladies' room lang ako." paalam ko sa dalawa kong kasama.
"Balik ka agad." paalala ni Laraya.
"Sure." pagkatapos ay tumayo na ako.
Wala sina mama at papa ngayon. Pero natawagan ko na din sila para sabihin tungkol sa mangyayari ngayong gabi. Para kapag nakarating na sa kanila ang balita, hindi na sila magugulat pa. Mas panatag ang kalooban ko dahil hindi naman sila tumutol na si Vaughn ang naging asawa ko. Pero nang nakausap ko si papa, bakas sa boses niya ang pinaghalong saya at lungkot. Nalulungkot siya dahil mapapawalay na ako sa kanila at saka ako ang nag-iisa nilang anak, pero masaya na din siya dahil si Vaughn ang papakasalan ko. Hindi sila makapaniwala na magkukrus ulit ang mga landas namin pagkalipas ng limang taon. Nabanggit ko din sa kanila na pupunta sa bahay namin ang mga Hochengco para sa pamamanhikan. Mabuti nalang daw ay nasabi ko agad para hindi daw sila atakihin sa puso kung nagkataon.
May makakasalubong akong waiter. Kumuha ako ng alak mula doon. Bago man ako tutungo ng ladies' room, makatikim man lang muna ako ng alam para may lakas ako ng loob para mamaya sa pag-announce ng engagement namin ni Vaughn.
Sige pa rin sa paglalakad ko. Hinahanap ng mga mata ko kung nasaan si Vaughn. Pero hindi ko siya makita. Nagkada-haba-haba na ang leeg ko sa kakahanap at hindi ko na nga tinitingnan ang madadaanan ko hanggang sa may nabangga ako ng isang matigas na bagay. Napaatras ako't natapon ang alak. Bumaling ako sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil isang lalaki pala ang nasa harap ko! Lalo na't basa ang suot ninyong tuxedo dahil sa natapon kong alak!
"Oh God!" bulalas ko. "I'm sorry, mister!"
Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" matigas niyang tanong. Medyo nagulat pa ako dahil western ang features niya pero natatagalog!
"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya... K-kung gusto mo, tatawag ako sa boutique para dalhan ka ng pamalit. Don't worry, sagot ko din naman..."
"Huwag na," saka hinubad niya ang coat. Tumigil siya saglit at pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Ilang saglit pa ay sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi. "I have an idea."
"H-huh?"
Mas inilapitan pa niya ang sarili niya sa akin. "Why don't you go out with me, instead? Para iyon na din ang kabayaran sa pagtapon ng alak mo sa damit ko. You're available tonight, right? Let's get outta here and let's look for a better place..."
Doon ay kumunot ang noo ko. Umiba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Kahit anong atras ko ay sige pa rin ang paglapit niya. "May asawa ako, okay?"
"Ano ngayon kung may asawa ka? Maghihiwalay din naman kayo..."
Natigilan ako't tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Kinuyom ko ang mga kamao ko. Susuntukin ko sana siya nang biglang may humawak sa isang balikat niya at sinapak iito sa mukha kaya napasubsob ito sa sahig. Napasinghap ako dahil sa pagkagulat. Nakuha din iyon ng atensyon ng iba.
"Who told you to touch what's mine, huh? Show some respect, you, bastard!" akmang susugurin pa niya ang lalaking nambastos sa akin na biglang may humarang na babae sa harap niya. Natigilan si Vaughn nang makita niya kung sino iyon.
"D-don't!" malakas na pagkasabi ng babae sa kaniya. "H-huwag, Vaughn. Huwag mong sasaktan ang kapatid mo."
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Vaughn. Kasabay ang pag-igting ng kaniyang panga. Bakas din sa mukha niya ang halong emosyon, ang lungkot at galit para sa babae. "What are you doing here?" matigas pero pilit pa rin niyang maging kalmado.
"I'm here as a representative of my husband and your Avo." naiiyak na sagot niya. Humakbang siya ng isa at hahawakan sana niya sa mukha si Vaughn pero siya naman ang pag-iwas ng asawa ko. Umatras siya. "Vaughn, please, talk to me..."
"I can't." diretsahang tugon niya sa kaniyang ina. "Iniwan mo ako para magpakasal sa ibang lalaki, hindi ba? Dahil sa kagustuhan ni Avo?"
Parang nanigas ako sa kinakatayuan ko nang napagtanto ko kung sino ang babaeng ito. Siya ang nanay ni Vaugh!
"Vaughn..."
"Kahit balik-baliktarin mo pa ang mundo, you're selfish, Constanza." matigas at may bahid na galit ni Sir Kyros na lumapit dito.
"Kyros..." hindi makapaniwalang tawag ng nanay ni Vaughn sabay sapo sa bibig.
"Halos mamatay na si Vaughn para mailigtas ka lang, anong klase kang ina, ha?!" hindi mapigilang sigawan ni Sir Kyros si Constanza Alcazar.
"Huwag kang makialam dito, Kyros! Kami ng anak ko ang nag-uusap dito!" nagagalit na din nitong sambit. "He's an Alcazar for Pete's sake! Wala ka buhat na ipinagbuntis hanggang sa ipinanganak ko siya!"
Biglang tumigil ang musika sa paligid dahil sa tagpong ito!
"Oh, you are wrong, darling." biglang sumulpot si Madame Eufemia. Nakasunod pa rin sa kaniya sina Jaycelle at Archie. Sila naman ang nasa harap ng nanay ni Vaughn. Bakas sa mga mukha nito ang kaseryosohan . "He's not an Alcazar in the first place, Constanza. He's a Hochengco. He belongs to my family."
"H-hindi..."
"Yes way. Pinagbuntis at ipinanganak mo lang siya. Hanggang doon lang iyon. How about his emotion and mental needs? Do you give everything for your son? You, filthy selfish mother, ngayon, nakita na ng dalawa mong mga mata na ang tinuturing ninyong anak sa pagkasala, ang anak na pinabayaan mo para lang magpakasal sa ibang lalaki, nasa ibabaw na ngayon at maingay ang pangalan sa business world. Any regrets?"
Nanggagalaiti sa galit si Constanza Alcaraz. Kahit ako, hindi ko akalain na may ganitong side pala si Madame Eufemia!
"Ngayon, umalis ka na, isama mo na din ang bastos mong anak! Sinira ninyo ang engradeng birthday party at engagement party ng apo ko! Binigyan lang kita ng oras para ipamukha sa iyo kung anong narating ng anak mo! And time is up. Simula ngayon, hinding hindi ka na pupwedeng lumapit sa apo ko! At sa oras na malaman ko ang mga mali mong hakbang, hinding hindi ako magdadalawang isip na wakasin ang apelyido ninyo, ganti ko na iyon para sa apo ko na sinaktan at halos patayin ninyo! Guards!"
May lumapit na tatlong BG kay Madame Eufemia. Hinihintay ang utos nito.
"Itapon ninyo ang mga basurang ito sa labas ng pamamahay ko." mariin niyang utos.
Tumango ang mga BG. Nagpupumiglas ang lalaki kaya dalawang lalaki na ang humahawak sa kaniya. Lumapit sa akin si Madame Eufemia at ngumiti "Sorry for that, iha. Mawawala na ang mga basura sa bahay na ito. Magiging malinis din ito bago man mag-umpisa ang engagement party."
Umaawang ang bibig ko. I can't believe this, ito ba ang sinasabi ng magpipinsan at ng mga asawa nila ang tunay na ugali ng isang Madame Eufemia Ho?!