Sunod-sunod ang mga sigawan ng mga mamamayan ng Rechilor City. Ang lahat ay nakakaramdam ng takot. Gusto na nilang sugurin ang kanilang gobernador, ngunit naiisip pa rin nila na hindi dapat gumamit ng dahas. Kahit papaano ay natutunan nilang kontrolin ang kanilang mga sarili, lalo na at nabuhay sila sa siyudad na iyon na hindi maaaring gumawa ng kahit na anong klase ng gulo. "Hindi ka pa rin po ba lalabas at haharap sa ating mga mamamayan? Ilang araw na silang nag-iingay sa labas ng Alchemilla. Nabalitaan ko rin kanina na may umaaligid na reporters na rin sa labas ng ating siyudad, Gobernador," balita ni Hugo sa kaniya. Mabilis na lumingon ang gobernador sa kaniya. "Ano ang ibig mong sabihin? Bakit may mga umaaligid na reporters sa labas ng aking siyudad?" tanong ng gobernador. "Mukh

