“Isa lamang ‘yan sticker na idinikit sa bawat lugar. Nakuha naman namin at sa ngayon ay pinapatignan na sa mga kasamahan natin kung may mga fingerprints ba na naiwan doon o kahit na anong ebidensiya upang maging lead natin. Sa ngayon ay ‘yan pa lang ang nakukuha namin na ebidensiya. Naghihintay din kami ng resulta kung sino ang mga nagsulat sa papel na nakuha sa mga namatay na babae.” Tumango naman ang dalawang detectives sa kanila. Inabot ni Detective Damien kay Hugo ang mga litrato. “Ipakita mo ang mga ito sa gobernador at ikaw na ang magsabi sa kaniya ng mga napag-usapan natin ngayon,” utos nito. “Ito nga pala ang susi sa inyong titirahan sa Daffodil. Nasabi sa akin ng driver ninyo kanina ang bahay na gusto niyo kaya ‘yon ang sinabi ko sa gobernador kanina. Mabuti na lang at wala pa

