Isang bangin ang nasa ilalim ng tulay. Hindi naman masyadong mahaba ang tulay ngunit hindi sila agad makapunta sa kabilang dulo ng tulay. "Ituloy na ulit natin ang paglalakad hanggang sa makarating tayo sa dulo," sambit ng isa. Natapos na ang mga kutsilyo na naibabato sa direksyon nila. Nang malapit na ang naunang dalawa sa kabilang dulo ay may naglakad na muli na dalawang mga tauhan pasunod sa kanila. Nakatuntong na ang dalawang naunang mga lalaki sa harap ng pinto. "Huwag niyo munang gagalawin ang bahay. Mabuti na at handa tayo kanina. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa inyo. Hintayin ninyo ang mga kasamahan ninyo saka niyo palibutan ang buong bahay. Huwag kayong gagawa ng kung ano hangga't wala akong sinasabi," sambit ni Detective Damien sa kanila. Nagsimula na silang

