"Ano ang problema, Felony? May nangyari ba?" tanong ni Crony sa kaniya. Nakita niya kasi na nagwawala na ngayon si Felony. Galit na galit ito at halos marami-rami na rin ang nabasag niyang gamit sa kanilang hide out ngayon. Nagulat na lang din si Crony na bigla na lang nagwawala si Felony.
"Hindi na ako maka-access ngayon sa opisina ng gobernador ng Rechilor City! Mukhang nakatunugan na nila na may inilagay akong spy device roon. Narinig ko na bumisita roon ang dalawang imbestigador at may pag-uusapan sila na importante. Tungkol sa atin ang pag-uusapan nila ngunit hindi ko pa nagawang marinig!" galit na sagot ni Felony.
"May iba pa naman tayong mga paraan para malaman ang mga pinaplano nila. Lalo na at sila naman ang may hindi alam ng mga ikikilos natin."
"Ngunit ngayon ay nahihirapan na rin ako na alamin ang mga susunod na kilos nila. May posibilidad na mahuli nila tayo sa lagay na 'to. Unti-unti na nilang nasisira ang mga source natin. Hindi ako makakapapayag na matatalo tayo ng mga imbestigador na 'yon."
Ikinuyom ni Felony ang kaniyang kamao dahil sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman. "Hindi naman nila tayo matatalo. Mauuna natin silang mapatay bago pa nila tayo mapatay," sambit muli ni Crony.
Umiling si Felony, "Isa sila sa mga magagaling na detectives sa Amerika noong naroon tayo at nakatakas. Mas'werte na tayo noon dahil hindi sila ang naatasan na tumugis sa atin. Kung paano ba kasi nangyari na narito tayo at sila rin ang nakuha na detectives para sa siyudad na ito."
Kahit papaano ay nakakaramdam din ng pagkabahala si Felony. Alam niya na mahuhusay ang mga tumutugis sa kanila ngayon. Naisip niya na marahil ay pinag-aaralan na ng mga ito ang galaw nila at iniisip na rin kung ano ang maaaring kilos na gagawin.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Felony. Kailangan pa nating makalabas ng buhay sa siyudad na ito upang makabalik na sa ibang bansa at makasama na ang ating mga ibang kasamahan. Nalulungkot na rin ako ng bahagya sa lugar na ito dahil tayong dalawa lang ang magkasama. Kahit papaano ay naiisip ko na mas masayang gumawa ng mga krimen kapag kasama natin ang ating mga kasamahan," sabi ni Crony.
Napabuntong-hininga si Felony at muli na namang nakaramdam ng kaba dahil sa ibang bagay. Naalala niya na pinatakas sila sa Amerika ngunit bago sila muling makabalik sa kanilang grupo na Black X ay kailangan nilang patunayan ang mga sarili nila. Hindi madali ang pinapagawa sa kanila dahil maaaring hindi na sila makabalik pa ng buhay. Kaya naman ay ginagawa nilang lahat upang makumpleto nila ang mga iniiutos sa kanila ng nakakataas kaysa sa kanila.
"Mas mabuti kung tapusin na lang natin agad ang mga naiutos sa atin na gawin sa siyudad ito. Mas napadali sana tayo kung hindi sila ang nakatapat natin. Ngunit ngayon ay bahagya pa tayong nahihirapan dahil mga mahuhusay ang mga tumutugis sa atin ngayon. Siguraduhin mo lang na hindi mo hahayaan na mahuli ka sa oras na ginagawa natin ang mga plano natin. Mas magandang tapusin na natin agad ang lahat para muli na tayong makabalik sa Black X. Lalo na ngayon at hindi natin alam ang mga binabalak ng mga imbestigador na 'yon," tanging sambit na lamang ni Felony.
Nagsimula na muli sila na magplano tungkol sa mga susunod na gagawin nila sa siyudad na iyon. Kailangan na nilang matapos sa lalong madaling panahon. Limitado na lang ang mga galaw nila sa siyudad na iyon. Pakiramdam ni Felony na habang tumatagal ay mas lalong napapalapit na sa kanila ang mga imbestigador. Hindi nila 'yon gusto na mangyari kaya kailangang mag-ingat sila sa bawat kilos nila.
***
"Kumpleto na ba ang lahat ng ito?" tanong ni Detective Dallas sa kaniyang mga tauhan. Dumating na sa Rechilor City ang mga face recognition na pinabili nila. Galing pa ang mga 'yon sa isang mahusay na technician na kakilala nila. Marami ang mga face recognition na pinabili nila dahil ikakalat ang mga 'yon sa buong siyudad.
"Kumpleto na po ang lahat. Nasiguro na rin namin na gumagana ang mga 'yan, kaya wala na pong problema. Nasubukan na namin 'yan bago dalhin dito," sagot ng isang tauhan. Dalawang araw lamang nila hinintay ang mga face recognition na ito. Sa dalawang araw din na nakalipas ay tahimik lamang ang lahat sa buong siyudad. Ni walang gulo na naganap. Halos lahat din ng mga mamamayan ay hindi na lumalabas sa kani-kanilang mga bahay. Sa bawat eskwelahan naman ay halos hindi na papasukin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Natatakot na sila na baka sa susunod ay sila na ang mga panibagong biktima. Hindi sila mapapanatag sa siyudad na 'yon hangga't hindi pa nahuhuli ng mga pulis at imbestigador ang mga kriminal na kumakalat sa buong siyudad.
"Mabuti naman. Ilagay ninyo na ang lahat ng mga ito sa buong lugar. Siguraduhin ninyo na makikita ang mga mukha ng mga tao na dadaan sa mga pwesto na paglalagyan niyo ng mga ito. Naiintindihan niyo ba?" bilin ni Detective Damien. Tumango naman ang mga kasamahan nila saka mabilis na sumunod.
Sa kabilang banda naman ay lumabas si Crony upang magpunta sa loob ng Rechilor City. Para makita niya kung ano ang mga ginagawa ngayon ng mga tauhan ng dalawang imbestigador. Wala na rin silang access sa security system ng buong Rechilor City. Kahit na anong gawin nila ay hindi na sila makapasok pa. Lalo na at bago na rin ang security system ng Rechilor City dahil sa dalawang imbestigador. Ginawa nila ang lahat para mawalan na ng access ang kanilang mga kalaban.
Tinawagan ni Crony si Felony nang makita niya na nagkalat sa buong siyudad ang mga tauhan ng dalawang imbestigador. “Mukhang may inilalagay sila sa buong siyudad na bagong mga CCTV cameras. Ang lahat ay nilalagyan na nila,” sambit ni Crony.
[“Damn it, mas mahihirapan na tayo n’yan na gawin ang mga susunod na krimen natin.”]
“Gawin na natin ngayon ang susunod na mga krimen habang abala ang lahat. May ilang oras pa tayo ngayon upang maisagawa ang susunod na krimen.”
[“Sige, magkita tayo sa Magnolia. Doon natin isasagawa ang susunod na krimen.”]
Mabilis nang pinatay ni Felony ang tawag sa kaniya ni Crony. Nauna nang nagpunta si Crony sa Magnolia. ‘Yon ang lugar kung nasaan ang mga malls at pamilihan sa buong siyudad. Samantalang si Felony naman ay inasikaso ang lahat ng mga gagamitin nila saka mabilis na ring nagpunta sa Magnolia. Panibagong mga mukha ang gamit nila ngayon.
Samantalang abala naman sina Detective Dallas at Detective Damien sa pagre-recognize ng mga mukha ng mga mamamayan. Pinakuha niya ang mga ‘yon sa gobernador na siyang iniutos niya kay Hugo. Naroon na rin ang mga mukha miski ang mga bata pa lamang. Lahat mismo ng mga mamamayan ay naroon na. Inilagay sa system ng face recognition. Sa oras na may ibang mukha na hindi na-recognize ng face recognition devices, ibig sabihin ay taga-labas na tao ‘yon. Lalo na at hindi naman maaaring makapasok sa Rechilor City ang mga tao na hindi mamamayan ng siyudad na iyon.
Buong araw ang kinakailangan nila upang matapos ang pagse-set up ng mga face recognition devices sa buong siyudad. Inaakala nina Felony na simpleng mga CCTV camera lamang ang mga ‘yon. Hindi sila aware na maaaring mahuli sila gamit ang mga devices na ‘yon. Nang makarating na sa Magnolia ang dalawang imbestigador ay agad na silang naghanap ng mga magiging biktima nila.
Nagpunta sila sa isang mall na may kalakihan. Magkahiwalay sina Felony at Crony at may suot silang mga earpieces. “Nasaan ka na?” tanong ni Crony.
“Naghahanap ako ngayon ng maganda at tagong lugar upang doon maganap ang ating plano na gagawin ngayong araw. Humanap ka na ng magiging biktima mo upang masimulan na natin ang balak natin,” sambit ni Felony.
Patuloy sila sa paghahanap saka may nakita si Felony na isang bakante na banyo para sa mga may disability. Hindi naman ‘yon nagagamit kaya doon siya pumasok. “Kumuha ka ng dalawang babae na bibiktimahin natin.”
Itinuro niya kay Crony ang daan papunta sa lugar na kinalalagyan niya ngayon. Si Crony naman ay kumausap ng dalawang babae na magkaibigan. Sine-salestalk niya ang mga ito at nagpapanggap siya na isang endorser ng mga make-ups.
“Interesado ba kayo na maging modelo namin? Kung interesado kayo, maaari niyo ba akong samahan sa aming boutique rito sa mall?” sambit naman ni Crony. Pumayag ang dalawang babae saka sila sumunod kay Crony. Napangisi ito nang makita na wala masyadong mga dumadaan na tao sa lugar na nahanap ni Felony.
“Bakit dito tayo papunta?” nagtataka na tanong ng babae. “Pasiyensa na. Gusto ko kasi na magbanyo muna dahil hindi ko na kayang pigilan,” sambit ni Crony.
Ngunit mabilis na niyang hinila ang isang babae at binuhat naman ni Felony ang isa pa. Tinakpan ang mga bibig saka ipinasok sa loob ng banyo.