BLACK X - MEMBER 1

1600 Words
Lumipas ang dalawang araw na halos wala nang tulog ang dalawang imbestigador dahil sa mga sunod-sunod na nangyayari sa siyudad na ‘yon. Hindi sila maaaring magsayang ng isang segundo man lang, kaya hindi sila tumitigil sa pag-iimbestiga. Hindi na rin halos nakakakain dahil sa sobrang abala nila. Pakiramdam nila ay sa tuwing may mga malalaman o matatapos na silang isang krimen ay saka naman may dumadagdag na panibagong krimen. Pinapadala ni Detective Dallas ang lahat ng kopya ng mga nakuha nilang ebidensiya sa mga nakaraan na krimen kay Gobernador Rechilles. Sinabihan din niya ang gobernador na huwag nang ipaalam sa kahit na kanino ang mga nakukuha niyang mga balita tungkol sa imbestigasyon nila. Malaki naman ang tiwala nila sa gobernador, lalo na at pagmamay-ari niya ang siyudad na ito. Sigurado naman sila na walang gagawin na masama ang gobernador sa kaniyang sariling siyudad. Kita rin naman nila ang malasakit ng gobernador sa mga nasasakupan niya. “Cage, natatandaan mo ba ang mga impormasyon ng Black X na nakita natin noong nakaraang araw?” bigla ay sambit ni Detective Damien sa kaniyang kasama. “Yes, ano ang mayroon doon?” tanong naman pabalik ni Detective Dallas. “Look at this. May nakita tayo na isang miyembro ng Black X na siyang nakulong noon sa Amerika dahil sa nagawang krimen. Ang krimen na nagawa niya ay committing of p**********n. Hindi kaya ay ginagawa nila rito sa siyudad na ito ang mga krimen na nagawa nila noon sa Amerika?” sambit ni Detective Damien. Nakatitig na sila ngayon sa impormasyon ni David Berkowitz na isa sa mga miyembro ng Black X. Napapaisip din si Detective Dallas sa sinabi ng kaniyang kasama. “Hindi nga imposible ang sinabi mo na ‘yan, Rhys. Lalo na at tumutugma nga ang lahat ng mga krimen na nagawa nila sa Amerika sa mga ginagawa nila rito ngayon. Para bang iniisa-isa nila ang mga krimen na ginagawa nila,” kumento niya. “Itong si Albert Bonny, pakiramdam ko ay narito siya sa siyudad na ito. Lahat ng mga krimen ay nagawa na niya sa Amerika. Hindi kaya ay siya ang namumuno ngayon sa kanilang samahan na narito sa Rechilor City?” “Kung ang lahat ng mga krimen ay nagawa na niya, paniguradong kabisado at gamay na niya ang lahat ng mga gagawin. Alam na niya ang iba’t-ibang uri ng mga krimen. Baka nga siya ang nag-uutos dito ngayon na gumawa ng mga krimen,” dagdag pa ni Detective Dallas. “Hindi ko masabi kung ilan ba talaga ang mga kalaban natin dahil nagtatago lang naman sila sa iba’t-ibang mga mukha at katauhan. Ano na ngayon ang sunod natin na magiging plano? Dumarami na ang mga krimen na nagagawa nila sa lugar na ito.” Napabuntong-hininga naman si Detective Dallas. Miski siya ay nahihirapan na rin ngayon. ‘Yon ang unang beses na nawalan siya ng ideya kung ano ang dapat nilang susunod na plano. Wala pa silang nagagawang plano na hindi pumalpak. Ang lahat ay nagagawang kontrahin ng kanilang mga kalaban. “Nahihirapan tayo ngayon na alamin kung paano ba ang kilos nila. Hindi ko malaman kung saan bang lugar sila gagawa ng panibagong krimen. Nakapalibot na ang mga tauhan natin sa buong siyudad at mahigpit na nagbabantay. Ngunit hindi ‘yon ibig sabihin na hindi na sila makakagawa ng krimen. Lalo na ngayon na hindi naman sila kilala ng mga tauhan natin. Maaaring nagpapanggap lamang sila na sibilyan at normal na mga mamamayan sa siyudad na ito. Upang makalusot sila agad sa mga bantay natin.” “Miski ako ay hindi ko rin mahulaan kung saang lugar naman sila sa susunod na maghahasik ng lagim,” dagdag na sagot pa ni Detective Damien. “Hindi rin naman sapat ang mga nalalaman natin ngayon na mga impormasyon. Baka nga ang mga pangalan nila na narito ay hindi rin totoo at gawa-gawa lamang ang kanilang mga katauhan. Kapag ganoong klase ang mga kriminal ay tiyak na hindi natin agad matatalo. Wala pa ngang kasiguraduhan kung talaga bang matatalo natin sila o tayo ang matatalo nila sa unang pagkakataon.” Napahilot sa sentido si Detective Damien dahil sa dami niyang mga naiisip. Halos hindi na niya malaman kung ano ang uunahin niya na isipin. Pakiramdam din niya ay nawalan na siya ng utak dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin nila na sunod. Lalo na at nalalaman agad ng mga kalaban nila o ‘di kaya ay nakakatunugan kung ano ang kanilang mga ikikilos. “Kilala nila tayo kaya siguro alam nila ang kilos natin. Lalo na at sikat tayo sa ibang bansa kaya paniguradong nag-research na sila tungkol sa atin. Samantalang tayo naman ay ngayon pa lamang nagkakaroon ng mga kaalaman tungkol sa mga kinakalaban natin ngayon.” Hindi na nila kinaya ang kanilang antok at pagod na nararamdaman, kaya naman ay nakatulog na lang sila bigla. Kinabukasan ay napagdesisyunan nila na kumain na muna upang magkaroon muli sila ng lakas. “Dahil iisa lang naman ang mga gumagawa ng krimen dito, mukhang hindi na natin kailangan pang mag-focus sa mga naunang krimen na naganap dito. Wala rin naman tayong nakuhang bagong lead sa mga naganap natin na ebidensiya noong nakaraan. Kaya mas maganda siguro na mag-focus na tayo ngayon sa mga panibagong krimen na naganap nitong nakaraan na araw,” suhestiyon naman ni Detective Dallas. “Sige, mas mabuti nga kung ganiyan ang magiging plano natin. Lalo na at mukhang mga armado rin madalas ang mga kalaban natin.” “Saan ba ang punta mo ngayon?” tanong naman ni Detective Damien. “Kailangan nating pumunta ngayon sa Alchemilla upang makausap ang gobernador. Kaya mag-ayos ka na ngayon.” “Bakit naman natin siya kailangang kausapin ngayon? May dapat bang pag-usapan na hindi ko alam?” nagtataka na tanong niyang muli. Sinamaan naman siya ng tingin ni Detective Dallas. “Kumilos ka na lang at huwag ka nang marami pang itinatanong sa akin. Mabagal ka pa man din kung kumilos.” Hindi na nakipagtalo pa si Detective Damien at mabilis na siyang kumilos. Nang matapos siya ay sabay na silang nagmaneho papunta sa Alchemilla. Wala si Hugo nang makarating sila roon. Ang sabi ng isang tauhan nina Detective Damien ay may initutos daw ang gobernador kay Hugo kaya wala siya roon. Mabilis naman na pumasok ang dalawang detectives sa opisina ng gobernador. “Ano ang importanteng bagay na kailangan nating pag-usapan?” seryoso lamang na tanong ng gobernador sa kanila. “May mga impormasyon kami na nakuha tungkol sa posible na naglalayag sa siyudad na ito. May grupo na tinatawag na Black X na nagmula sa Amerika. Ang mga marka na inilalagay nila sa bawat lugar dito na tapos na nilang gawan ng krimen ay nilalagyan nila ng isang itim na ekis na marka. Sa ngayon ay may mga impormasyon kami na sa tingin namin ay ang mga narito sa siyudad mo,” panimula ni Detective Dallas. Iniabot naman ni Detective Damien ang hawak niyang folder sa gobernador na naglalaman ng mga impormasyon ng Black X. “Mayroon tatlong profile d’yan na siyang pinaghihinalaan namin na gumagawa ng nga krimen dito. Ang huling krimen na nangyari noong isang araw ay nagawa na sa Amerika ng isa sa mga miyembro na nariyan. Sa tingin namin ay ginagawa nila rito ang mga krimen na nagawa nila sa Amerika,” dagdag na paliwanag naman ni Detective Damien. “Kung sakali man na totoo ang sinasabi ninyo, ibig sabihin ang mga mukhang ito ay narito?” tanong ng gobernador. “Ang mga mukha na nasa mga video at litrato na ibinigay ko sa’yo noong nakaraan na araw ay tumugma sa mukha na nakita namin na nasa Amerika. Mahirap silang mahanap lalo na at iba-iba ang mga itsura na ginagamit nila. May mga fake face mask sila na ginagamit na may iba-ibang mga itsura.” “Ano na ang gagawin niyo rito? Kailangan niyo na silang mahuli agad para matigil na ang mga kasamaan nila dito.” “Kaya ka namin kinakausap ngayon. Nagbabalak kami na may ilagay sa buong siyudad mo. ‘Yon ay ang face recognition sa buong siyudad. Ang lahat ng mga mamamayan mo ay kailangan mong ipa-recognize sa device na ‘yon. Sa oras na may na-recognize na ibang mukha ang devices na nakakalat sa buong siyudad, ibig sabihin ay may nakakapasok dito na ibang tao at hindi mo mamamayan,” sambit ni Detective Damien. “Malaki ang magagastos mo roon dahil marami ang kailangan natinn na ikalat sa buong lugar. We will also make sure that the face recognition device will be secured. Mahirap na dahil baka ma-hack nila ang system. Kaya naman ay kailangan na natin ‘yon sa lalong madaling panahon.” “Sige, kung ‘yan ang makakabuti sa siyudad ko. Kahit anong halaga ang ilapag ko ay ayos lang sa akin para sa kaligtasan ng lahat.” “Kami lamang ang may hawak ng system na ‘yon. Pasensya na, Gobernador Rechilles. Ngunit ikaw na lang lamang ang pinagkakatiwalaan namin sa siyudad na ito at wala nang iba. Pakiramdam namin ay may mga mata at tainga dito ang mga kalaban natin, kaya sana ay huwag nang makalabas ang usapan natin ngayon,” bilin pa ni Detective Dallas. “Naiintindihan ko. Salamat dahil nakikita ko ngayon na gumagawa kayo ng paraan para sa maisalba ang siyudad ko na ‘to.” Nagpaalam na ang dalawang imbestigador sa gobernador. Si Felony naman ay naiinis dahil wala na siyang naririnig sa mga oras na ‘yon sa loob ng opisina ng Gobernador. “f**k it!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD