THE SEVENTH CRIME: TEEN p**********n
“Ano ang ibig mong sabihin? Paanong nagkaroon ng ikaanim at ikapitong krimen nang hindi naman namin nalalaman?” nagtataka na tanong ni Detective Damien kay Hugo.
Kumunot naman ang noo ni Detective Dallas sa narinig niya. Inilapag ni Detective Damien ang kaniyang hawak na cell phone sa lamesa at saka niya pinindot ang loud speaker button, upang marinig din ni Detective Dallas ang kanilang usapan.
“Kakatapos lang ng ikaanim na krimen kahapon ngunit ngayon naman ay nabalitaan namin na may nagaganap na teen p**********n sa isang beach resort sa Chrysanthemum. Hindi ko alam kung konektado pa ba ang mga nagpapalaganap no’n sa mga kriminal na pumapatay noong nakaraan. Ngunit pinapatawag na kayo ngayon ni Gobernador Rechilles dito sa Alchemilla. Kailangan ninyong pumunta rito ngayon din.”
“Okay, we will be there in twenty minutes.”
Mabilis naman niyang pinatay ang tawag ni Hugo. “Ako na lang muna ang pupunta. Sa ngayon ay asikasuhin mo na ang mga ebidensiya na nakuha natin. Makikibalita ako sa Alchemilla tungkol sa mga panibagong krimen na naganap dito. Hindi ko akalain na wala man lang kaalam-alam ang mga tauhan natin dahil wala naman silang nababanggit sa atin,” sambit ni Detective Damien.
“Hindi ba magagalit ang gobernador kung sakali na ikaw lang ang magpunta roon ngayon? Mukhang mas ayos kapag tayong dalawa ang nagpunta.”
Umiling naman si Detective Damien, “Huwag na. Ako na lamang ang magpapaliwanag sa kaniya na abala ka ngayon sa mga imbestigasyon natin. Ang sabi naman sa akin ni Hugo kanina ay walang mga p*****n na naganap. Ngunit involved na naman ang mga kabataan.”
“Sige, ikaw ang bahala. Balitaan mo na lamang ako rito kapag nakausap mo na ang gobernador, pati na rin si Hugo.”
Nagpaalam na si Detective Damien sa kaniyang kasama saka mabilis na nagtungo sa Alchemilla. Bumungad sa kaniya ang galit na galit na gobernador. “Ano ba ang ginagawa ninyong mga imbestigador dito sa siyudad ko? Hanggang ngayon ay wala pa kayong nagagawang tama at ni hindi pa kayo nakakausad sa mga imbestigasyon ninyo. Mas lalo nang dumarami ang mga krimen na nagaganap dito sa siyudad ko! Ano na ba ang balak ninyong gawin?!” galit na tanong ng gobernador.
“Sa ngayon ay kailangan mo muna na kumalma, Governor Rechilles. Hindi naman makakatulong sa sitwasyon ang init ng ulo mo. Isa pa ay narito kami upang imbestigahan ang mga naganap na p*****n sa siyudad mo na ‘to. Ngunit ngayon na may naganap nang iba pang mga krimen, hindi naman tayo sigurado kung matitino pa ba ang mga mamamayan ninyo rito. Malamang ay hindi na iisang mga kriminal lamang ang nagawa ng mga krimen sa siyudad mo. Siguro ang mga sibilyan mo na mismo ang nakakagawa ng mga krimen na hindi mo inaasahan,” paliwanag ni Detective Damien sa kaniya.
“Hindi ako makapaniwala na ang mga mamamayan ko ay nagiging asal hayop na ngayon! Sigurado ako na baka ang pinaka-mastermind nila ang siyang gumagawa o nag-uutos ng lahat ng mga krimen na nagaganap dito. Kailangan ninyo ring imbestigahan ang naganap na mga teen dating crime at teen p**********n sa Chrysanthemum,” utos ng gobernador.
“Sa ngayon siguro ay kami na muna ang mag-iimbestiga tungkol doon, Gobernador. Lalo na ngayon na marami ring inaasikaso ang mga imbestigador na ito. Kapag may nahanap ako na mga balita at impormasyon sa isang beach resort sa Chrysanthemum ay agad ko silang sasabihan,” sabat ni Hugo sa kanilang usapan.
“Sigurado ka ba na may pakinabang ka pa rito? Ikaw at ang ating mga tauhan ay wala nang nagawang tama rito simula nang magkaroon ng unang krimen dito. Ni hindi niyo pa rin mahuli-huli ang mga kriminal. Naglalayag siya ngayon ng mapayapa sa siyudad ko at gumagawa ng iba’t-ibang mga krimen. Hindi ako lubos na makapaniwala,” kumento pa ng gobernador. Napahilot pa siya sa kaniyang sentido dahil sa stress na nararamdaman niya. Sunod-sunod na ang mga trahedya na nangyayari sa kaniyang siyudad. Marami na ring mga mamamayan niya ang gustong lumipat at makalabas sa kaniyang siyudad. Ngunit patuloy lamang niya itong pinapangakuan na magiging ligtas lang sila at hindi sila mapapahamak.
“Gagawin ko ang lahat ng aking mga makakaya pati na rin ang mga tauhan natin, Gobernador.”
Nagpaalam na si Hugo sa kanilang dalawa saka mabilis na umalis. Nagsama siya ng ilan sa mga kasamahan niya upang makarating na sila sa isang beach resort sa Chrysanthemum. Na-raid ang lugar na ‘yon kanina lamang matapos malaman na mayroong mga tauhan ng beach resort na mga p********e at nasa edad labingtatlo hanggang labinganim na talong gulang pa lamang. Nahuli ang lahat ng mga lalaki na naroon, pati na rin ang mga kabataan na pumayag sa ganoong uri ng trabaho.
“‘Sobrang babata niyo pa para sa ganoong trabaho ngunit bakit niyo pa rin itinuloy?” nagtataka na tanong ng pulis sa mga kabataan na nahuli nila.
“Mahirap lang po kami at nakatira sa Bougainvillea. May lumapit sa amin na isang lalaki at sinabi niyang kaya niyang pagaanin ang aming mga buhay. Nang sa gano’n ay magkapera kami at maibibigay na sa mga magulang,” kwento ng isang babae.
“Hindi lang namin alam na ganoong uri pala ng trabaho ang bubungad sa amin. Hindi na namin magawa pang mag-back out dahil pumirma kami sa isang kontrata. Lalo na at tinakot kami ng lalaki na kapag hindi namin gagawin ng ayos ang mga trabaho ay mamamatay ang mga magulang namin,” sagot pa ng isa.
“Ibig sabihin ba ay may mga lalaki nang nakagalaw sa inyo?” tanong muli ng pulis. Umiiyak naman na tumango ang mga kababaihan sa kaniya. “Natakot kami na baka patayin nila ang aming mga mahal sa buhay. Kaya naman ay sumunod na lang kami sa kung ano man ang mga gusto nila na gawin sa amin,” sagot pa ng isang babae.
Nirentahan ni Felony ang isang beach resort sa Chrysanthemum. Kaya naman ay doon din nagpunta ang mga kabataan. Sakto rin na walang tao roon. Kaya roon nila naisipan na maggawa ng gulo. Si Felony ay naghanap ng mga customer niya na papatol sa mga kabataang mga babae na nakita niya. Pinili niya rin ang mga babae na may mga kagandahan upang mas pumatok ito sa mga matatandang lalaki.
Marami-rami ang gumalaw sa mga kababaihan na napili ni Felony. Sa bawat kwarto sa beach resort na nirentahan niya ay may mga hidden camera na nakalagay. Kaya naman ay tuwang-tuwa sila ni Crony habang pinapanood na ginagalaw ang mga kabataan. May kopya sila sa lahat ng mga naganap doon. Nang magustuhan na nila ang mga nakita nila ay sila na rin mismo ang nag-report tungkol sa teen p**********n na nangyayari sa beach resort na ‘yon. Umalis na sila bago pa ma-raid iyon ngunit hindi nila nakalimutan na maglagay ng isang sticker ng marka nila. ‘Yon ang tatak na tapos na silang gumawa ng krimen sa lugar na ‘yon.
“Sabi ko naman sa ‘yo ay mas malala na ang gagawin natin ngayong krimen para sa mga kabataan na tulad nila. Mas maganda silang maging biktima kaysa sa mga matatatanda,” sambit pa ni Felony kay Crony nang matapos sila sa kanilang plano.
Umiiyak na ang mga magulang ng mga kababaihan nang malaman ang nangyari sa kanilang mga anak na babae. Hindi nila inaasahan na dahil sa hirap ay magdudusa ng ganoon ang kanilang mga anak.
“Nasaan naman ang mga lalaki na gumalaw sa kanila?” tanong ni Hugo.
“Ang nangyari ay nagsusot daw ng mask ang mga lalaki kapag pumapasok sa isang kwarto. Kaya naman ay wala ni isa sa kanila ang namukhaan ng mga babae na ‘to. Isa pa ay wala ring pangalan ng mga guests sa beach resort, kaya wala kaming nahanap na kahit na anong mga impormasyon,” sagot ng pulis.
“Sige, salamat sa mga impormasyon. Makakarating ito sa ating gobernador. Siguraduhin ninyo na mahahanap niyo ang lahat ng mga lalaki na gumalaw sa mga bata na ‘to,” bilin pa sa kanila ni Hugo. Mabilis na itong umalis at bumalik sa Alchemilla. Ibinalita niya sa gobernador ang lahat ng mga nalaman niya tungkol sa ikapitong krimen.
“Sabihan mo na rin ang mga imbestigador na suriin ang buong beach resort sa Chrysanthemum. Sigurado ako na iisang tao lang ang mastermind ng lahat ng mga krimen na nagaganap dito,” sambit ng gobernador.
“Masusunod po, Gobernador.”
Nang suriin naman ng mga detectives ang buong beach resort ay napansin ni Detective Dallas ang isang marka na nakatago sa isa sa mga kwarto sa beach resort na ‘yon. “Saan nga ba naganap ang ikaanim na krimen? Hindi ba at sa isa rin na beach resort?” tanong niya.
“Oo, bakit?”
Agad na inutusan ni Detective Dallas ang mga tauhan nila na suriin ang isang beach resort at tingnan kung mayroon bang iniwan na marka roon. Isang oras ang naging paghahanap nila at saka nakita ang kulay itim na marka. Saka lamang na-realized ng dalawang imbestigador na tunay ngang sila lamang ang gumagawa ng mga krimen sa siyudad na ‘yon. Nandadamay lang sila ng mga sibilyan at inosenteng mga mamamayan.
“Ibig sabihin ay planado na nila ang lahat ng mga krimen na gaganapin nila sa lugar na ito.”
“Tama ka, Rhys. Malala na ang utak ng mga kriminal na ‘yon. Mga batikan sila sa paggawa ng mga krimen at nasisiguro ko na hindi natin sila basta-bastang mahuhuli.”