THE FAKE FACES

1500 Words
"Pina-drawing ko na sa isang eksperto ang mukha na tinutukoy ng mga guro at estudyante na nakakita sa janitor na kumausap sa lahat ng mga biktima," sambit ni Detective Dallas.  Muli na silang nakabalik sa kanilang bahay sa Daffodil upang mapag-usapan ang lahat ng mga nakalap nilang impormasyon sa araw na 'yon. "Mga witness lang ang mga nahanap ko sa eskwelahan na pinuntahan ko kanina at walang solido na ebidensiya. How about you?"  Mabilis na ibinigay ni Detective Damien sa kaniyang kasama ang memory card na ibinigay sa kaniya ng estudyanteng lalaki. "Nariyan ang buong krimen na naganap sa eskwelahan na pinuntahan ko kanina. Which is ang gang crime na naganap. Maririnig mo rin d'yan ang mga inuutos ng lalaki sa mga estudyanteng lalaki bago sila nagpatayan. Nakuha ko 'yan sa isang estudyante na dapat ay magiging biktima ngunit nagpaalam siya na magbabanyo, kaya naman ay nagawa niyang makaligtas. Ngunit dahil mahilig siya na mag-vlog ay nagawa niyang makunan ng video ang pangyayari na 'yan," kwento niya.  Sinabi na rin ni Detective Damien ang tungkol sa trauma na naranasan ng estudyante na nakausap niya kanina. Lalo na at natatakot ito na baka maalala siya ng kriminal at balikan siya o 'di kaya ay saktan ang kaniyang pamilya. "Mabuti naman at na-secure mo na kaagad ang bata na 'yon pati na rin ang kaniyang pamilya. Hindi nga malabo na baka saktan sila ng kriminal na ito," kumento ni Detective Dallas. Sinuri naman niya ang mukha ng lalaki na nasa video.  Nakaramdam din siya ng matinding galit habang naririnig na tumatawa lamang ang lalaki habang patuloy na pinapanood sa kaniyang harapan ang mga estudyante na nagpapatayan. Nagkalat ang dugo sa paligid at halos marindi sila sa mga kalingkisan na tunog ng mga espada. Ang lalaki ay bigla na lamang pumasok sa loob ng gymnasium kung nasaan ang mga kalalakihan na 'yon. Nagpanggap ang lalaki na siya ang magiging PE teacher nila sa araw na 'yon. May dala siyang isang malaking sako at naroon nakalagay ang mga espada. Hindi 'yon gaanong kalalaki at sapat na upang makayang mabuhat ng mga bata na 'yon. Lalo na at iisipin nila na isa lamang 'yon mga laruan at hind tunay na espada.  Nakatanggap naman ng mensahe si Detective Dallas sa eksperto na gumawa ng mukha ng lalaki na tinutukoy ng mga guro at estudyante na isang janitor. Ipinadala sa kaniya ang nabuong litrato. Mabilis naman iyon na tiningnan ng detective at itinapat sa laptop na nasa harapan niya, kung saan naroon ang video na ibinigay ni Detective Damien sa kaniya.  "Magkaiba ang itsura ng lalaki na narito sa litrato at sa lalaki na narito sa video. Kung titignan ay mukhang magkaibang tao nga ang dalawa. Ngunit parehas sila ng paraan ng paggawa ng krimen. Kaya naman ay sigurado ako na iisang tao lamang ang dalawang ito. Base sa height ay mukhang hindi rin sila nagkakalayo," sambit ni Detective Dallas.  "Ibig sabihin nga ay may mga fake face silang ginagamit at nagkukunwari sila na iyon ang tunay nilang mga mukha."  "Sa tingin ko ay dalawa lamang sila na nagtatrabaho at gumagawa ng mga krimen sa siyudad na ito. Lalo na at nakita mo pa noong unang araw natin dito na dalawang lalaki lang ang tumakbo paalis sa lugar na  'yon. Kung alerto lang sana tayo ay baka nahuli na natin sila nang araw na 'yon mismo. Ngunit hindi rin naman natin inaasahan na may mangyayaring krimen sa unang araw natin dito."  Sandaling natahimik si Detective Damien at nanatili lamang na nakatingin sa litrato na nasa cell phone ni Detective Dallas. Nagtaka naman ang kaniyang kasama at nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya. "Bakit ka tumititig sa litrato? May problema ba?" tanong niya kay Detective Dallas.  "Pamilyar sa akin ang mukha na 'yan. Para bang nakita ko na 'yan noon ngunit hindi ko matandaan kung saang lugar. Pero sigurado ako na nakita ko na ang itsura na 'yan noon," sagot niya. Mas lalo namang nagtaka si Detective Dallas at tinitigan din ang litrato.  "Saan mo naman nakita ito? E isa lang namang fake face mask ang gamit niya, kaya ibig sabihin ay hindi totoong mukha 'yan."  Napailing si Detective Damien saka mabilis na binuksan ang kaniyang laptop. Hindi na muna umimik si Detective Dallas at tinignan na lang kung ano ang gagawin ng kaniyang kasama. Maraming pinindot si Detective Damien sa kaniyang laptop at tila may hinahanap. Inisip niya ng mabuti kung saan niya nakita ang mga 'yon. Saka niya naalala ang mga impormasyon na nakita niya noong nasa America siya. Hinanap niya ang file na nasa laptop niya saka nakita ang file na may pangalan na 'Year 2017'.  "What's that?" nagtataka na tanong ni Detective Dallas sa kaniya.  "Na-curious ako noon kung sino-sino ba ang mga nakatakas sa kulungan sa America, kaya naman ay nag-research ako. Ito ang mga nahanap ko noon at ang mga impormasyon tungkol sa mga nakatakas. Ngunit may sabi-sabi sa balita na ang mga nakatakas na 'yon ay hindi totoo ang mga itsura. Tinakpan lang nila ang kanilang mga mukha upang maitago ang totoong itsura," paliwanag ni Detective Damien.  Patuloy lamang ang kaniyang paghahanap sa mga mukha na naroon hanggang sa tumigil siya sa isang litrato ng kriminal. Nanlaki ang mga mata ni Detective Dallas nang makita na ang mukha na naroon ang siyang nasa cell phone na hawak niya. Nagpabalik-balik ang paningin nila sa dalawang gadgets. Hindi makapaniwala si Detective Dallas na naalala pa ni Detective Damien ang mukha na 'yon.  "See? Wait, let me find the other face." Mabilis na hinanap ni Detective Damien at nang makita niya iyon ay kinumpara nila ang dalawa. "Pansinin mo ang katawan ng dalawang mukha na 'yan, parehas na parehas sila. Miski ang kilos at paglalakad ay parehas. Nakuha ko ang ibang CCTV footages na 'to sa America noong nag-iimbestiga ako tungkol sa kanila. Ibig sabihin ay totoo ngang dito na sila ngayon naghahasik ng lagim sa Rechilor City. Ang malala pa ay hindi pala sila mga Amerikano kung 'di mga kapwa natin Pinoy," paliwanag niya.  "Ibig sabihin ay noon pa niya ginagamit ang mukha na 'yan. Napansin ko rin sa video sa memory card na ibinigay mo sa akin kanina na mayroong isang earpiece na nakalagay sa tainga ng lalaki. Sa palagay ko ay utusan lamang siya ng kaniyang amo at kausap niya 'yon mula roon. Sinasabi lamang sa kaniya ang mga dapat niyang gawin. Imposible rin na lumabas ang kanilang pinaka-pinuno dahil magtatago lang 'yon. Hindi niya gugustuhin na makulong siya kung sakali na mahuli ang mga tauhan niya at madamay siya."  Tumango-tango naman si Detective Damien. "Tama ka, Cage. Siguro ay hindi na niya muling gagamitin ang mga mukhang 'yan. Miski ang mga pangalan sa impormasyon na nakuha ko noon ay iba-iba. Kung sakali man na gamitin pa rin niya ang mukha na 'yon dito, ang mahalaga naman ay alam na natin kung ano ang itsura."  "Hanga talaga ako sa talas ng memorya mo. Miski ang mga ganiyang bagay ay nagawa mo pang maalala lalo na at matagal na panahon na 'yon," puri sa kaniya ni Detective Dallas.  "Sadyang naaalala ko lang ang mga ganoong ka-importanteng mga bagay. Isa pa ay mas mabuti na rin na natandaan ko kaya mas nagkaroon tayo ng ideya."  "Sa tingin mo ba ay coincidence lang ang lahat ng ito? Panigurado na kilala na tayo ng mga kalaban natin dahil naging sikat tayo sa Amerika noong mga panahon na gumagawa sila ng mga krimen doon. Pasalamat nga sila at hindi sa atin naitapat ang kaso nila. Kaya ngayon ay bigla na lamang sila pala ang mga kriminal na kakaharapin natin dito ngayon. Hindi kaya ay sinadya nila iyon?"  Napa-isip naman si Detective Damien sa sinabing iyon ni Detective Dallas. "Hindi ako sigurado. Bakit naman nila gugustuhin na kalabanin tayo kung alam naman na nila ang kakayahan natin, hindi ba? Isa pa ay nauna sila na maghasik ng lagim dito bago tayo nakarating. Siguro ay katulad natin, hindi rin nila inaasahan na tayo ang makakalaban nila sa siyudad na ito," sagot nito.  "Kung sabagay ay may punto ka. Iniisip ko lang naman ang mga maaaring posibilidad. Si Hugo nga pala ang naghanap ng mga mahuhusay na imbestigador."  "Ano na pala ang balita sa balak natin kay Hugo? Hindi ba at pinag-iisipan natin na baka isa siyang traydor kaya kailangan natin na gumawa ng play?"  "Sa ngayon ay hindi ko na muna iniisip 'yon. Mas mahalaga ang mga nakuha natin na impormasyon ngayon ngunit hindi ko pa alam kung dapat ba natin na ipadala sa kaniya at sa gobernador o sa atin na lang muna ang mga ito."  Natigil ang kanilang pag-uusap nang may tumawag kay Detective Damien. Tinignan naman niya kung sino 'yon saka niya nakita na si Hugo pala. Tumingin muna siya kay Detective Dallas, "Speaking of," sambit niya. Nang sagutin niya ang tawag ay agad siyang nagulat sa ibinalita sa kaniya ni Hugo.  "Nagkaroon na ng ikaanim at ikapitong krimen dito sa Rechilor City! Kakaiba na ang mga krimen at hindi na p*****n ang nagaganap."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD