Nang makauwi sina Detective Damien at Detective Dallas sa kanilang bahay sa Daffodil ay hinilot nila ang kanilang sentido. Magkaharap sila na naupo sa lamesa. “Iba ang inaakto ng gobernador kanina. Don’t you find him weird earlier? It’s kind of suspicious,” sambit agad ni Detective Damien. Kumunot naman ang noo ng kaniyang kasama at nagtataka na napatingin sa kaniya. “What do you mean by that, Rhys?” tanong sa kaniya ni Detective Dallas. “Sobrang nakakapagtaka ng naging reaksyon niya kanina. Para bang wala talaga siyang interes sa nangyaring krimen sa kaniyang siyudad. Hindi naman gano’n ang reaksyon niya lagi kapag nakikita natin siya,” paliwanag pa ni Detective Damien. “Siguro dahil hindi naman niya inaasahan ang pagpunta natin sa opisina niya, kaya hindi natin siya nakitaan ng rea

