“Mukhang mahirap na gawin ‘yan. Lalo na at wala naman silang malilipatan agad at lahat pa ng mga mamamayan dito. May karamihan din ang mga tao na nakatira rito. Kaya siguro ay nahihirapan ang gobernador na paalisin sila. Isa pang rason na naisip ko, baka iniisip lang din ng gobernador na mas hindi ligtas ang kaniyang mga mamamayan sa labas ng kaniyang siyudad. Mas may tiyansa rin kasi na may mangyaring masama sa mga ‘yon sa oras na lumabas sila sa siyudad na ito,” sagot muli ni Detective Dallas. “Kung sabagay ay may punto ka. Miski ako ay ganoon din ang maiisip ko. Sa atin lang talaga umaasa ang gobernador. Kaya kailangan na natin na mahuli ang mga kriminal na ‘yon sa lalo’t madaling panahon. Marami na tayong mga tauhan na naghahanap, kasama na rin ang mga tauhan ni Hugo. Ngunit hanggang

