Tumango si Detective Dallas, “Oo at naipaliwanag ko na rin sa kanila ang kanilang dapat gawin. Lilibutin nila ang lahat ng mga bahay dito sa Rechilor City at titignan kung may padlock ba na aakma sa susi na nasa litrato. Halos lahat naman ng mga pinto rito ay pare-parehas lamang. Kung may maiiba man ay panigurado na pinasadya ang kanilang padlocks. Lilibutin nila ang bawat sulok ng Rechilor City. Nasabihan ko na rin na suriin ng mabuti kung may mga nakatago bang lagusan palabas at papasok sa lugar na ‘to,” paliwanag sa kaniya ni Detective Dallas. “Mabuti naman. Hindi ko na rin masyadong sinabihan muna si Hugo sa mga plano natin. Malaki ang expectations sa atin ng gobernador. Dahil sa mga nangyayari ngayon sa kaniyang siyudad ay atat na siyang mawala ang mga kriminal dito. Nagagalit siya

