Nakatitig na sila ngayon sa impormasyon ni David Berkowitz na isa sa mga miyembro ng Black X. Napapaisip din si Detective Dallas sa sinabi ng kaniyang kasama. “Hindi nga imposible ang sinabi mo na ‘yan, Rhys. Lalo na at tumutugma nga ang lahat ng mga krimen na nagawa nila sa Amerika sa mga ginagawa nila rito ngayon. Para bang iniisa-isa nila ang mga krimen na ginagawa nila,” kumento niya. “Itong si Albert Bonny, pakiramdam ko ay narito siya sa siyudad na ito. Lahat ng mga krimen ay nagawa na niya sa Amerika. Hindi kaya ay siya ang namumuno ngayon sa kanilang samahan na narito sa Rechilor City?” “Kung ang lahat ng mga krimen ay nagawa na niya, paniguradong kabisado at gamay na niya ang lahat ng mga gagawin. Alam na niya ang iba’t-ibang uri ng mga krimen. Baka nga siya ang nag-uutos dito

