“Hindi ko naman gusto na pakilaman ang paraan ng pamamalakad niya sa sarili niyang siyudad. Ngunit gusto ko lang sana sabihin sa kaniya na paalisin ang lahat ng mga mamamayan dito habang hinahanap natin ang mga kriminal. Nang sa gano’n ay wala nang mga bagong biktima na madadamay.”
“Mukhang mahirap na gawin ‘yan. Lalo na at wala naman silang malilipatan agad at lahat pa ng mga mamamayan dito. May karamihan din ang mga tao na nakatira rito. Kaya siguro ay nahihirapan ang gobernador na paalisin sila. Isa pang rason na naisip ko, baka iniisip lang din ng gobernador na mas hindi ligtas ang kaniyang mga mamamayan sa labas ng kaniyang siyudad. Mas may tiyansa rin kasi na may mangyaring masama sa mga ‘yon sa oras na lumabas sila sa siyudad na ito,” sagot muli ni Detective Dallas.
“Kung sabagay ay may punto ka. Miski ako ay ganoon din ang maiisip ko. Sa atin lang talaga umaasa ang gobernador. Kaya kailangan na natin na mahuli ang mga kriminal na ‘yon sa lalo’t madaling panahon. Marami na tayong mga tauhan na naghahanap, kasama na rin ang mga tauhan ni Hugo. Ngunit hanggang ngayon ay hindi natin malaman kung sino ang mga kriminal at kung nasaan ang hide out nila.”
Napabuntong-hininga naman si Detective Damien. Muli niyang tinitigan ang mga impormasyon na nakuha niya noong nakaraan tungkol sa grupo ng Black X. “Pakiramdam ko talaga ay ang pinuno ngayon ay itong si Albert Bonny. Ang lahat ng mga krimen ay nagawa na niya sa ibang bansa. Posible na siya ang nag-uutos na gumawa ng mga krimen sa siyudad na ito. Samantalang itong si Ken W. Jones naman ay mukhang siya ang gumawa ng krimen kanina. s****l assault ang kaniyang kaso noon. Madali na sa kaniya na gawin ang krimen na ‘yon dito,” sambit niya.
“Sa ngayon ay puro ganito na lang muna ang nagagawa natin. Nag-iisip tayo ng mga posibleng sagot at mga posibleng mga kaganapan, ngunit wala tayong kasiguraduhan. Maaari rin na nililihis lang nila tayo sa imbestigasyon. Upang mas mag-focus tayo sa mga Black X na ‘yan, kahit na hindi naman talaga sila mismo ang mga kriminal na kumakalat sa siyudad na ito,” sabat ni Detective Dallas.
“Mas pagtutuonan ko na ngayon ng pansin itong si Albert Bonny. Malakas ang kutob ko na ang lalaki na ‘yan ay narito lamang sa siyudad at isa sa mga naghahasik ng lagim dito. Alin man d’yan sa tatlo ang mga kriminal dito. O kung ilan man sila. Sigurado naman ako na mga Black X ang mga ‘yon. Lalo na at wala rin naman masyadong nakakaalam tungkol sa grupo na ‘yon.”
“Sige, pero sa ngayon ay kailangan na nating magpahinga. Hindi rin makakabuti sa ating mga kalusugan kapag nasosobrahan tayo sa pagtatrabaho.”
Hindi na pumalag pa si Detective Damien at parehas na silang natulog ni Detective Dallas. Ilang araw na rin ang pagod nila at wala silang matinong tulog. Samantalang ang mga kasamahan naman nila ay alternate ang schedule sa pagbabantay sa buong siyudad.
Kinabukasan ay ipinadala sa kanila ng isang police officer ang dalawang mukha ng mga lalaki na nanggahasa sa dalawang babae sa isang mall sa Magnolia. “Iba na naman pala ang mga mukha na ginamit nila. Hindi rila agad nahagip ng ating face recognition sa bawat lugar. Sigurado ako na inaayos pa ang mga ‘yon nang mga oras na ‘yan. Kaya naman ay hindi sila nagawang na-recognize sa devices natin,” sambit nit Detective Dallas.
“Malabo rin ang kuha sa isang CCTV footage na nakuha ko sa mall kahapon. Pero parehas ng hugis ng mukha ang dalawa base sa litrato na ipinadala sa atin ngayon ng mga pulis sa City of Surprises. Nasa ospital pa rin ang mga biktima.”
“Huwag na tayong mag-alala ngayon dahil na-set up na naman ang lahat ng mga face recognition devices sa buong siyudad. Naka-monitor na sa akin ‘yon. Sa oras na tumunog ‘yon at may mukha na hindi na-recognize ng devices ay malalamana din natin agad pati na rin ng mga kasamahan natin. Sinabihan ko naman na sila na magingn alerto lang palagi sa kanilang paligid,” sambit ni Detective Dallas muli.
“Mabuti naman kung gano’n. Nabalita mo na ba ito gobernador?”
“Oo, nasabi ko na. May alam din naman si Hugo kay sinabi ko na rin sa kaniya ang tungkol doon.”
“Pinapaikot lang tayo ng mga kalaban natin at pilit tayong nililinlang. Sana lang ay hindi na nila tayo maisahan sa susunod.”
“Tignan mo ang mukha na gamit ng lalaki na ito nang gahasain niya ang isang babae sa mall kahapon. Parehas ang gamit niyang itsura sa gamit din ni Albert Bonny na itsura nang makatakas siya sa kulungan sa Amerika. Siguro ay matagal na silang nagtatago gamit ang mga mukha na ‘yon, kaya pala nang makatakas din sila sa kulungan ay mabilis din na nakaalis sa bansa na ‘yon. Iniisip ko noon kung paano sila nakalabas kahit na sobrang higpit doon at alam agad kapag may nakatakas na mga kriminal sa selda,” paliwanag ni Detective Damien. Ipinakita niya ang litrato sa kaniyang kasama.
“Sigurado naman ako na hindi na nila uulitin pa ang mga mukha na ‘yan dito sa oras na nagamit na nila noong una.”
“Naisip ko na alamin ang bawat itsura na mga nagamit na nila noon sa ibang bansa. Baka sakali ay ‘yon din ang gamitin nila rito sa siyudad sa tuwing gagawa ng mga panibagong krimen,” suhestiyon ni Detective Damien.
“Tama ang naisip mo na ‘yan. Mas masisiguro na natin ngayon na hindi na nila tayo muling maiisahan.”
“Tignan mo ang mukha na gamit ng lalaki na ito nang gahasain niya ang isang babae sa mall kahapon. Parehas ang gamit niyang itsura sa gamit din ni Albert Bonny na itsura nang makatakas siya sa kulungan sa Amerika. Siguro ay matagal na silang nagtatago gamit ang mga mukha na ‘yon, kaya pala nang makatakas din sila sa kulungan ay mabilis din na nakaalis sa bansa na ‘yon. Iniisip ko noon kung paano sila nakalabas kahit na sobrang higpit doon at alam agad kapag may nakatakas na mga kriminal sa selda,” paliwanag ni Detective Damien. Ipinakita niya ang litrato sa kaniyang kasama.