PRESS CONFERENCE

1023 Words
“Hugo! Come inside my office, now!” sigaw agad ng gobernador sa telepono. Mabilis naman na kumilos si Hugo at pumasok sa loob ng opisina ni Gobernador Rechilles. Panibagong araw na naman at hindi pa rin tumitigil ang mga mamamayan na magprotesta sa harap ng Alchemilla. Ngunit hindi pa rin lumalabas ang gobernador. Halos hindi na umuwi ang mga mamamayan sa kani-kanilang mga bahay. Dahil inaabangan nila na lumabas ang gobernador. “Do you need something, Governador Rechilles?” tanong agad ni Hugo sa kaniya. “Maglabas ka ng anunsyo na magkakaroon ako ng press conference bukas. Hindi lang para sa mga mamamayan ng Rechilor City, kung ‘di pati na rin sa publiko,” utos ng gobernador sa kaniya. “Magpapakita na kayo sa ating mga mamamayan?” gulat na tanong ni Hugo. Nabigla siya sa desisyon ng gobernador. “Oo, kaya ihanda mo na ang mga kakailanganin ko. Ang press conference ay magaganap sa labas ng Alchemilla. Siguraduhin mo na ang lahat ng mga mamamayan natin ay dadalo roon. Magkakaroon din tayo ng live bukas para mapanood sa balita sa taga-labas ang mga sasabihin ko. Lilinisin ko ang aking pangalan at reputasyon ng ating siyudad sa labas.” Bahagyang tumungo si Hugo sa gobernador. “Masusunod po ang lahat, Gobernador Rechilles. Ipapahanda ko na ngayon ang mga kakailanganin mo.” “Siguraduhin mo lang na makakarating ang balita na ito sa labas ng siyudad natin. Ikakalat natin ang press conference na mangyayari. Hindi ako papayag na masira ang reputasyon ng ating siyudad at ng aking sarili,” dagdag pa ng gobernador. Umalis na si Hugo upang ipaalam sa kanilang mga tauhan ang binabalak ng gobernador. Mabilis din na nakarating ang balita sa dalawang imbestigador. “Ano naman kaya ang balak niya na gawin ngayon? Bakit kailangan pa ng press conference? Kung pwede naman na kausapin na lang niya mismo ang mga mamamayan niya?” nagtataka pa na tanong ni Detective Damien. “Bakit ka pa nagtaka? Sigurado ako na hindi lang ‘yon para sa loob ng siyudad na ito. Damay na rin pati ang mga nakikibalita mula sa labas ng siyudad. Gusto siguro ng gobernador na linisin ang kaniyang pangalan sa medya. Kaya magkakaroon siya ng press conference na maibabalita sa buong bansa,” sagot naman ni Detective Dallas sa kaniya. Bahagyang natawa si Detective Damien. “Para namang isa siyang presidente kung umasta no’n. Masiyado yata siyang obsessed na malinis ang pangalan ng siyudad na ito at ang kaniya mismong pangalan. Sa tingin ba niya ay mapapanitili pa rin niya na kilalang tahimik na lugar ang Rechilor City? Huli na ang lahat dahil nalaman na sa labas ang mga kaganapan dito sa loob.” “Malakas ang pakiramdam ko na gagawa siya ng kwento tungkol sa mga krimen dito. Babaliktarin niya ang mga nalalaman ng medya sa labas.” “Hindi rin ‘yan imposible na mangyari. Sa itsura ng gobernador ay mukhang magiging desperado siya para lang malinis ang kaniyang reputasyon.” Lumipas ang ilang oras at naikalat na sa buong siyudad ang magaganap na press conference ni Gobernador Rechilles kinabukasan. Pati na rin sa labas ng siyudad ay ipinakalat na ang balita. Kaya naman ay atat na ang mga reporters mula sa labas na makakalap ng balita mula sa loob. Samantalang narinig na rin nina Felony at Crony ang balita tungkol sa nangyayari sa loob ng Rechilor City. Wala pa muli silang ginagawang aksyon para sa susunod nilang krimen. Lalo na at natutuwa pa sila habang pinapanood ang mga tao sa Rechilor City na desperado nang makaalis doon. Nasisira na rin ang reputasyon ng siyudad na ‘yon. “Kailan ba tayo muling kikilos? Tumatagal na ang ating pananahimik. Sa tingin ko ay magandang oportunidad kung manggugulo tayo bukas sa Rechilor City. Sakto na may mga reporters din mula sa labas ng siyudad na ‘yon. Kaya mas marami nang makakasaksi sa mga krimen na gagawin natin,” sambit ni Crony. Mabilis naman siyang sinamaan ng tingin ni Felony. “Nahihibang ka na ba? Naririnig mo ba ang ‘yong mga sinasabi? Kapag gumawa tayo ng krimen sa araw kung kailan marami ang mga matang nakatingin sa publiko, panigurado na mahuhuli tayo ano mang oras. Huwag kang masiyadong atat. May tamang oras sa lahat ng mga plano natin para sa siyudad na ‘yon. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay sa bawat iuutos ko sa ‘yo,” seryosong sagot ni Felony sa kaniya. Nawala ang ngiti sa mukha ni Crony at sumeryoso na rin nang marinig ang sinabi ng kaniyang kasamahan. Ramdam niya na hindi nagustuhan ni Felony ang mga nasabi niya. “Pasiyensa na at hindi ako nag-iisip. Hindi na mauulit sa susunod. Natutuwa lang ako dahil unti-unti na tayong nagtatagumpay sa ating mga plano para sa siyudad na ‘yon,” paumanuin naman ni Crony. “Mas maganda rin kung tahimik muna tayo sa ngayon habang patuloy lang na nagmamasid sa kanila. ‘Yon lang din naman ang dapat natin na gawin sa ngayon. Hindi tayo maaaring sumugod doon ng basta-basta at gumawa ng krimen bukas. Maaaring patibong lang nila ‘yon para mahuli tayo, pero maaari rin na hindi.” Naiintindihan naman ni Crony ang ibig sabihin ng kaniyang kasamahan. Iniiwasan niya na maging atat sa mga bagay na mangyayari sa susunod. “Narito lang ako at susundin kita palagi, Felony.” Bahagyang tumango si Felony sa kaniya. “Darating din ang tamang panahon na matatapos na natin ng malinis ang lahat ng mga plano natin sa siyudad na ‘yon. Hindi dapat tayo magmadali dahil hindi tayo maaaring magkamali. Sa oras na magkamali tayo ay ‘yon na ang katapusan natin. Mahuhusay pa rin naman ang mga kalaban natin na imbestigador. Kung hindi sila ang mamamatay, ay tayo ang matatapos ang buhay.” Lumalim na ang mga naiisip ni Felony habang pinapanood ang mga kaganapan sa loob ng siyudad na ‘yon. “Maayos na ba ang lahat? Sigurado ka ba na walang kulang sa mga mamamayan na dumalo ngayon dito? Wala bang mali sa itsura o suot ko?” sunod-sunod naman na tanong ni Gobernador Rechilles kay Hugo kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD