Chapter 3

1427 Words
Ako ang naka-closing shift ngayong gabi dahil ako ang pumalit sa isa naming katrabaho na nagkaroon ng emergency sa pamilya nila. Kaya ang duty ko ay hanggang alas-diyes ng gabi. Pero okay lang naman dahil alas-nuwebe na rin naman. Isang oras na lang at uwian na. “Akala ko uuwi ka na?” tanong ko kay Carol habang nagpupunas ng mesa. Napansin kong nakangiti na naman siya mag-isa. Parang may sariling mundo. Hindi ko alam kung anong nakain nito. “Obvious naman siguro?” nakangising sagot niya. “Nag-overtime ako ngayon para sabay tayong umuwi.” Napailing ako. Alam ko na agad ang pakay niya. Hindi pa kasi lumalabas si Sir Francisco sa opisina niya. At simula nang makilala niya ang boss namin, halos araw-araw na yata siyang kinikilig. Unti-unti nang nababawasan ang mga customer sa restaurant. Karamihan sa kanila ay matatapos na ring kumain dahil malapit na kaming magsara. May isang pamilya sa bandang kaliwa. May magkasintahang tahimik na nagde-date sa may bintana. At may ilang office workers na nagkakape habang nag-uusap. Napabuntong-hininga ako. Ako kaya? Kailan kaya may mag-aaya sa akin ng date? Kailan kaya may magkakagusto sa akin nang seryoso? Napailing ako. Mukhang hanggang “sana all” na lang muna talaga ako. Naputol ang pag-iisip ko nang may pumasok na customer. Agad akong ngumiti at lumapit para kunin ang order niya. “Good evening, Sir. What would you like to order?” hindi siya sumagot. Napakunot-noo ako at hindi rin siya tumitingin sa menu. Sa halip ay nakatingin lang siya sa akin. Parang may gustong sabihin. Dahan-dahan akong napatingala at agad akong natigilan. Siya. Si Bryce. Nanlaki ang mga mata ko. Ano’ng ginagawa niya dito at bakit parang wala lang sa kanya ang lahat? “You.” Napakurap ako. “What?” A lazy smirk appeared on his face. “Can I order you instead?” agad akong napatingin sa paligid. Baka may makarinig at baka may makakita. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. “Ano bang problema mo?” mahina ngunit gigil kong sabi. “Kalimutan mo na ang nangyari.” Tumaas ang isang kilay niya. “Tsk. Maldita.” Napasinghap ako. Talagang siya pa ang may ganang magsabi niyan? Gusto ko siyang sagutin at gusto ko siyang sermonan. Pero nasa trabaho ako. At ayokong gumawa ng eksena sa restaurant. Bago pa ako makapagsalita ulit ay may pamilyar na boses na narinig. “Hey, Bryce.” Napalingon ako. Si Sir Francisco. Lumabas siya mula sa opisina niya at diretsong umupo sa harapan ni Bryce. Nagkamayan pa ang dalawa. Para silang matagal nang hindi nagkita. “By the way, he’s my younger brother, Bryce Ellana.” Sabi ni Sir Francisco habang nakatingin sa akin Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. What?! Kapatid niya? Napamura ako sa isip ko. Hindi nga?! Mabilis kong pinagmasdan ang dalawa. Magkapatid? For real? Ang layo ng ugali at ang layo rin ng aura. Kung si Sir Francisco ay mukhang mabait at gentleman, si Bryce naman ay parang walking headache. “Do you want coffee, Bry?” tanong ni Sir Francisco. “Sure.” Pero bago pa siya tuluyang sumagot ay tumingin muna siya sa akin. At ang nakakainis? Ngumisi pa siya! Agad akong umiwas ng tingin. Bahala siya. Pumunta ako sa counter para i-forward ang order niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Magkapatid sila? Seriously? “Tulala ka yata.” Napalingon ako kay Carol. Nakatingin siya sa akin habang nakapamewang. “Ha? Hindi ah.” Agad kong sagot “Talaga?” sarkastikong sabi niya. “Oo.” Hindi ako pinaniwalaan ng tingin niya. “Sino ’yung kausap ni Sir Francisco?” napatingin ulit ako sa direksyon nila. “Kapatid niya.” Irap kong sabi. “Ano?!” halos mapasigaw siya. “Gwapo rin.” Napairap ako. “Ikaw talaga.” Inis kong sani “Sabi ko lang naman.” Napabuntong-hininga ako. “Carol.” Tawag ko sa kanya. “Ikaw na nga maghatid ng kape nila.” Napangiti siya agad. “Ay, gusto ko ’yan.” Agad niyang kinuha ang tray. Napailing na lang ako. Habang inaayos ko ang ibang gamit ay may lumapit sa akin. Si Alvira. Isa sa mga waitress namin. At isa rin sa mga pinakamaraming issue sa buong restaurant. “Nilalandi mo ba si Sir Francisco?” Napatingin ako sa kanya. “Ano?” tanong ko, pero naiinis ako sa kanya. “Sir Francisco.” Napataas ang isang kilay ko. “Anong pinagsasasabi mo?” she rolled his eyes. “Huwag ka nang magkunwari.” Napatawa ako. Sa totoo lang, gusto ko nang umalis sa usapang iyon. Pero mukhang may balak siyang magsimula ng gulo. “Girl,” sabi niya. “Sa akin lang si Sir Francisco.”Nanlaki ang mga mata ko. Sandali. Ano raw? “Back off.” hindi ko napigilang matawa. Malakas. Totoo naman kasi. Nakakatawa. Hindi nga yata alam ni Sir Francisco ang pangalan niya. Tapos kung maka-angkin siya, parang mag-asawa na sila. “Anong nakakatawa?” mataray niyang tanong. “Wala.” Natatawang sagot ko. “Don’t test me.” Napailing na lang ako. Pagkatapos ay tumalikod na siya. Pag-alis niya ay agad lumapit si Carol. “Ano’ng nangyari?” kunot noo na tanong niya “Sabi niya sa kanya lang daw si Sir Francisco.”Ilang segundo siyang natahimik. Pagkatapos ay bigla kaming nagtawanan. “P*tcha!” sabi ni Carol. “Hindi nga siya pinapansin ni Sir Frans.” Dagdag niyang sabi “Totoo.” Mas lalo kaming natawa. Napatingin pa si Alvira sa amin nang masama. Pero wala kaming pakialam. Kung maldita siya, mas maldita kami. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nagsara ang restaurant. Kami na lang ni Carol ang natira sa dining area habang nagliligpit ng mga huling gamit. Sa labas naman ay nag-uusap pa rin sina Francisco at Bryce. Kung hindi mo sila kilala, iisipin mong magkaibigan lang sila. Ang hirap isipin na magkapatid pala sila. “Tara na?” tanong ni Carol matapos niyang i-lock ang main door. Tumango ako. Paglapit namin sa dalawa ay agad kaming nagpaalam. “Sir, uuwi na po kami.” Tumango si Francisco. Pero bago pa kami makaalis ay nagsalita siya. “Along the highway ka ba, Miss Quintos?” agad tumango si Carol. “Opo.” Sagot niya. “Then sabay ka na sa akin.” Nanlaki agad ang mga mata ni Carol. Halos hindi niya maitago ang kilig. Pagkatapos ay napatingin si Francisco sa akin. “And you, Miss Samonte.” Kinabahan ako. “Sabay ka na kay Bryce.” Agad kaming napatingin ni Bryce sa isa’t isa. “Nabanggit niya kasi na magkapareho pala kayo ng condo building.” Napahiya ako bigla. Napaisip tuloy ako. Nakwento kaya niya sa kuya niya ang nangyari sa amin? Hindi naman siguro… Di ba? “Let’s go?” nakangiting aya ni Francisco kay Carol. Parang mananalo sa lotto ang mukha ng kaibigan ko. Pagdaan niya sa tabi ko ay mahina siyang bumulong. “Text me later.” Napairap ako. “Kilig ka pa.” Ngumisi lang siya bago sumakay sa sasakyan ni Francisco. Naiwan kaming dalawa ni Bryce. Tahimik. At nakakainis. “Sabay ka na.” Hindi ko siya pinansin. “Miss Samonte.” Tahimik pa rin ako. “Gabi na.” Napabuntong-hininga siya. “Uwi na tayo.” Ayoko sana. Pero pagod na rin ako. At mas makakatipid ako kung sasabay na lang ako. “Fine.” Pagdating sa kotse niya ay agad akong umupo sa likod. Hindi sa passenger seat. Sa likod. Napansin kong napatingin siya sa rearview mirror. Mukhang nagtataka pero wala akong pakialam. Deserve niya iyon. Tahimik ang buong biyahe. Walang nagsasalita. Walang nagbubukas ng kahit anong topic. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang sumisilip sa rearview mirror. At paminsan-minsan ay nahuhuli niya rin akong nakatingin sa labas para umiwas. Pagdating namin sa condo ay agad akong bumaba. Hindi na ako naghintay pa. “Thank you.” Iyon lang ang sinabi ko. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa elevator. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong humahabol siya. Kaya agad kong pinindot ang close button. Dahan-dahang nagsara ang elevator. At ang huling nakita ko ay ang mukha niyang hindi makapaniwala. Napabuntong-hininga ako.Hindi ko alam kung bakit. Pero habang tumataas ang elevator, pakiramdam ko ay may kung anong kumukurot sa konsensya ko. Parang mali ang ginagawa ko. Parang masyado ko siyang pinapahirapan. Pero agad kong iniling ang ulo ko. “Wag kang maawa sa kanya, Bellarae,” mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa akin. Siya ang huling taong dapat kong kaawaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD