“Alis na ako. Hindi ka ba sasabay?” tanong ni Ryan habang isinusuot ang backpack niya.
Umiling ako.
“Alas-dose pa ang duty ko. Ang aga-aga pa kaya.” Sabi ko at napatingin siya sa wall clock ko at tumango.
“Sige, tama naman.” Sagot niya.
Ayoko rin namang pumasok nang sobrang aga. Sa restaurant na pinapasukan ko, mahigpit sila pagdating sa schedule. Kapag hindi mo pa oras, hindi ka rin naman basta makakapagtrabaho. Madalas, tatambay ka lang sa pantry o sa locker room habang hinihintay ang shift mo.
Sayang lang sa oras.
“Sige, mauna na ako,” sabi niya habang naglalakad papunta sa pinto.
“Ingat ka. Love you.” Napatawa ako.
Ewan ko ba sa lalaking ito.
Kahit ilang taon na kaming magkaibigan, hindi pa rin nawawala ang pagiging clingy niya.
“Che! Love you too!” sigaw ko pabalik.
Ngumiti siya bago tuluyang lumabas ng unit.
Pagkasara ng pinto ay agad na bumalik ang katahimikan sa paligid. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod ko sa sofa.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Shocks!”
Naiwan pala ang wallet ko sa unit ng lalaking iyon.
Napahawak ako sa noo ko.
Bakit ba kasi lutang na lutang ako kanina?
Hindi ko naman puwedeng pabayaan doon ang wallet ko. Nandoon lahat ang cash, id’s at card ko!
Kailangan kong kunin.
Ngayon na.
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palabas ng unit.
Paglabas ko ay agad kong nakita ang pinto ng unit niya.
Katapat lang talaga.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.Sa dami ng unit sa building na ito, bakit katapat ko pa?
Napabuntong-hininga ako.
“Okay. Kunin mo lang ang wallet mo at umalis ka agad.” Parang kinakausap ko ang sarili ko para magkaroon ng lakas ng loob.
Lumapit ako sa pinto niya.
At kumatok.
Walang sumagot kaya kumatok ulit ako.
Napakagat ako sa labi dahil mukhang walang tao.
Baka wala siya.
Pero nakita ko namang may ilaw sa ilalim ng pinto.
Kaya kumatok ulit ako.
Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto. At halos mapasinghap ako.
Naka-topless lang siya.
Literal.
Walang suot na pang-itaas. Agad akong umiwas ng tingin. Pakiramdam ko biglang uminit ang buong mukha ko.
“What?” walang gana niyang tanong.
Parang bagong gising at naistorbo ko.
“Y-Yung wallet ko…” nauutal kong sabi.
“Pwede ko bang kunin?” hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kanya.
Nakakahiya.
Ewan ko ba.
Hindi naman ako mahiyain pero iba ang sitwasyon ngayon.
“Kunin mo.” Napakurap ako.
“Huh?” kunot noo kong sabi.
“Kunin mo sa loob.” Napatingin ako sa kanya.
“Pwede naman kasing ikaw na ang magbigay.” Sabi ko.
“Bakit? Kaya mo namang kunin.” At pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod siya.
Iniwan niya akong nakatayo sa may pintuan.
Napanganga ako.
“Grabe naman ’to.” Mahinang reklamo ko
Pero dahil gusto ko nang matapos ang lahat, pumasok na ako. Mabilis kong tinignan ang sala.
Hindi naman ganoon kalaki ang unit niya pero halatang mamahalin ang mga gamit.
Mabilis kong nakita ang wallet ko sa ibabaw ng center table. Agad ko iyong kinuha.
“Okay.” Huminga ako nang maluwag.
“Nakuha ko na.” Lumingon ako sa direksyon niya.
“Nakuha ko na. Thank you.” Balak ko nang umalis.
Talagang aalis na ako.
Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
Napasinghap ako.
At bago ko pa maintindihan ang nangyayari ay nakasandal na ako sa pader.
Nanlaki ang mga mata ko.
Sobrang lapit niya.
Masyadong lapit.
Nararamdaman ko pa ang init ng katawan niya.
At hindi nakatulong ang katotohanang wala siyang suot na shirt.
I gulped.
“A-Ano ba?” reklamo ko.
“Wala ka bang sasabihin?” Napakunot-noo ako.
“Ano?” inis na tanong ko.
“Wala ka bang sasabihin?” napairap ako.
“I said thank you.” Sabi ko agad.
“Hindi iyon.” Napakagat ako sa ibabang labi ko.
“Eh ano?” Napailing siya.
“Ang slow mo.” Napasingkit ako. Unti-unti na akong naiirita.
“Anong gusto mong sabihin ko?” tahimik siyang tumitig sa akin.
Pagkatapos ay ngumisi.
At hindi ko nagustuhan ang ngiting iyon.
“Napasaya kita kagabi, hindi ba?” parang may sumabog sa loob ng utak ko.
Agad akong napatingin sa kanya.
“What?” Mas lalo siyang ngumisi.
At doon tuluyan akong nainis.
“Sa tingin mo ginusto ko iyon?” matigas kong tanong.
“Gustong-gusto mo nga.” Pakiramdam ko kumulo ang dugo ko sa sinabi niya!
Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing iyon. Pero isang bagay ang sigurado ako. Hindi ko ginustong magising na wala akong maalala.
Hindi ko ginustong mabigla sa lahat ng nangyari.
“T*ngina mo.” Nanlaki ang mga mata niya.
“Hindi ko ginusto iyon!” sigaw ko.
“Bellarae—”
“Hindi ko nga maalala ang nangyari!” nanginginig na ang boses ko.
Sa galit.
“Tapos sasabihin mong gustong-gusto ko?”napailing siya sa sinabi ko.
At doon niya sinabi ang bagay na tuluyang nagpasabog sa akin.
“O baka bayaran ka rin tulad ng ibang babae—”
Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong unit.
Napatigil kaming dalawa.
Maging ako ay napahinga nang mabigat. Pero wala akong pagsisisi kahit kaunti.
Wala.
“Don’t.” Mariin kong tinitigan ang mga mata niya.
“Wag kang magsasalita ng ganyan.” Natahimik lang siya.
“Wala kang karapatang husgahan ako.” Hindi siya sumagot.
“Wala kang alam tungkol sa akin.” Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Pero pinigilan ko.
Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong makita niyang nasasaktan ako.
“Porket mayaman ka, tingin mo mabibili mo na lahat?” tinutukan ko siya ng daliri.
“T*ngina mo.” Pagkatapos noon ay itinulak ko siya.
At mabilis akong lumabas ng unit niya.
Sinara ko ang pinto nang malakas.
Padabog.
Pagkapasok ko sa unit ko ay agad akong napasandal sa pinto.
At doon na ako tuluyang napaiyak. Hindi ko alam ang buong nangyari. Hindi ko alam kung bakit kami napunta sa ganoong sitwasyon.
Pero ang alam ko, nasasaktan ako. Sobra. At mas masakit dahil parang ako pa ang may kasalanan sa lahat.
Napaupo ako sa sahig habang umiiyak.
Ilang minuto rin akong ganoon bago tumunog ang cellphone ko.
Napatingin ako sa phone ko.
Carol.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko.
At sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Hoy! Nasaan ka na?” sigaw agad niya.
Napalayo ako sa cellphone.
“Nandito pa sa condo.”
“Ano?!”
Napangiwi ako.
“Anong meron?”
“Hellooo? Ngayon natin mami-meet ang owner ng restaurant!”
Napakurap ako.
At doon ko lang naalala.
Shocks.
Tama nga pala! Ngayon nga pala iyon.
Agad akong napatayo.
“Sige na! Papunta na ako!”
Mabilis kong ibinaba ang tawag.
At nagsimula akong magbihis.
Kailangan kong mag-focus sa trabaho. Kalimutan muna ang lalaking ‘yon.
Pagdating ko sa restaurant ay nagkukumpulan na ang mga empleyado.
Agad akong lumapit kay Carol.
“Buti naman!” sabi niya.
“Akala ko hindi ka na darating.” Ngumiti ako.
“Dramatic ka talaga.” Mahinang sabj ko.
“At alam mo ba? Sobrang gwapo raw ng owner!” Napatawa ako.
“Ayan na naman tayo.” Irip kong sabi.
“Totoo!” Hindi ko na siya pinansin.
Makalipas ang ilang minuto ay isa-isa na kaming tinatawag.
Hanggang sa dumating ang pangalan ko.
“Miss Samonte.”
Tumayo ako at pumasok sa opisina. Pagpasok ko ay agad akong natigilan.
Hindi dahil gwapo siya. Kundi dahil mukhang artista. Matangkad, maayos manamit, naka-formal attire. At napakabait ng ngiti.
“Hi.” Tumayo siya at iniabot ang kamay.
“I’m Francisco Ellana.” Nakipagkamay ako.
“I’m Bellarae Samonte.” Ngumiti siya.
“Nice meeting you.” Hindi ko alam kung bakit pero parang sobrang bait niya kumpara sa lalaking nakatira sa katapat kong unit.
At sa unang pagkakataon buong araw, medyo napangiti rin ako.
Mukhang magiginging masaya ang araw na ito pagkatapos ng lahat.