Ilang buwan na ang anak ko at talagang lumalaki na siya. Masaya ako kasi araw-araw nandito sila Kimsey na nag-aalaga kay Baby Rae. Napapangiti na lang ako sa bawat pagtawa ng baby ko. Siguro, kung nandito lang si Bryce katutuwa yun. "Bell! I have something for you!" excited na sabi ni Kimsey at lumapit siya sa akin na may dalang paper bag. "Regalo? Hindi ko naman birthday, sis?" gulat na sabi ko dahil inabot niya sa akin yung paper bag. "Just open it." Pagkasabi niya I opened the paper bag na may lamang damit. I forgot, Kimsey is a fashion designer. "Bagay na bagay sayo, sis!" she said at maganda nga yung dress. Halter dress ang ibinigay niya sa akin at silk ang tela. Kaya sobrang ganda! "Thank you," sabi ko at yinakap ko siya. "Mommy! Milk na daw si baby!" tawag nila Jas sa akin a

