Gabi na at wala na sila Kimsey dito sa bahay. Silang tatlo kasi doon nakatira kila Kimsey, doon muna sila tumutuloy. Habang nakahiga ako sa kama naalala kong birthday pala ni Ryan bukas! Nag-iisip ako kung anong puweding gawin. "Bakit gising kapa?" narinig ko ang boses ni Ryan sa pinto. "Puweding pumasok?" paalam niya at tumango ako. "Happy birthday!" sabi ko at yinakap ko siya. "Excited? Wala pang alas dose!" mahina niyang sabi dahil tulog na si baby Rae. "Kahit na, ayaw mo 'yon? Ako yung unang babati sayo." Sabi ko at nakayakap parin ako sa kanya "Thank you kasi nandiyan ka palagi para sa akin, sa amin ni baby Rae at ni Kuya Thank you sa lahat." I said and he pat my shoulder "Yes of course , I'm here to help and protect you." Parang ang sweet niya ngayon! "May sasabihin ako..."

