"Don't be the best, but be your best as a better person. My name is Victoria Ellena Santiago-Frias, being the magna cumlaude doesn't mean I'm on the top while you're in the bottom." Maluwang na napangiti ako mula sa harap ng napakaraming tao sa loob ng araneta coliseum dito sa Cubao, kung saan ginaganap ang graduation namin as a college students. I'm wearing my black toga, sa loob nito ay ang kulay puting dress. Tinernuhan ko lang din ito ng three inches white flat shoes, maganda ang pagkakaayos ko, pamula sa aking buhok hanggang sa make-up ko. Hindi na ito 'yung ayos na nanghahalina ng customer sa clubhouse, ito na iyong ayos na tinitingala ng lahat. Sino bang mag-aakala na maabot ko ang puntong ito at naturingan pang magna cumlaude? Huminga ako nang malalim, saka pa tila bombilyang

