Sa ilang araw na nakalipas ay wala yata akong ibang ginawa sa pamamahay ni Sir Mirko kung 'di ang maghatid-sundo sa anak niyang si Mikaela na sobrang kulit. Hindi ko inakala na sobrang kulit nitong bata, iyong tipong sa kasisigaw ko ay hindi malabong mamaos ako, nakailang galos na rin ako sa kakulitan niya. "Mikaela! My God!" frustrated kong sigaw nang makitang tumakbo ito sa gilid ng mga naka-display na malalaking vases. At sa pagkakaalam ko, kapag malaki ang isang bagay ay tiyak na malaki rin ang halaga. Mas lalo lang yata akong na-stress sa pag-aalaga ng limang taong gulang na bata. "Ano na, Mikaela?" hindi ko na napigilan at napagtaasan ko na ito ng boses ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Habulin mo ako!" tumatawang saad nito saka pa nag-make face dahilan para magpilantikan

