"Teka! Sandaling lang," anang boses ni Mirko sa likod ngunit hindi ko na iyon pinansin. Bwisit siya. Bwisit siya sa buhay ko. Kulang na lang ay isumpa ko ito at hilingin maglaho sa mundo dahil isa siyang hadlang sa buhay ko. Grr, nakakabwisit talaga! Hindi ko pa mawari kung saan ako pupunta sa mga oras na iyon, nabulilsayo pa nga ang dapat kong pagpasok sa Virgin's Club. Saan na naman ako nito pupunta? Alas sais na ng gabi, saan pa ako makakahanap ng pwedeng papasukan? Ano na? Huling choice ko na rin ba ang pumulot ng pagkain sa mga basurahan para maisalba ang gabi ngayon na hindi kumakalam ang tiyan? Tangina naman! Walang-wala na nga ako, wala pa akong choice. Paulit-ulit na lang iyong nangyayari sa buhay ko, ang sarap lang wakasan nitong paghihirap ko sa totoo lang. Mariin akong nap

