Chapter 45

1776 Words

Sa tinagal naming magkausap ni Mirko kagabi ay iisa lang talaga ang nagpaulit-ulit sa utak ko na hanggang sa panaginip ay hindi ako tinantanan— dadalo ako sa kaarawan ni Madame Sylvia. At ngayon iyon, ngayong araw mismo na 'to. Nang maalimpungatan nga ako kaninang umaga ay parang ayoko pang gumising, ayokong bumangon. Wala pa man ay kabado na ako. Hanggang alas tres din kaming tumambay ni Mirko kagabi, nagmistulan lang siyang nagroronda sa lugar namin. Kaya heto at bagsak ang mga mata ko, literal na kinulang ako sa tulog. Wala ako sa sariling ulirat, na para bang isa akong baliw na nakatakas sa mental. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakasagot kina Inay sa tuwing kakausapin nila ako. Laking gulat pa namin nang mag-materialize si Mirko sa tapat ng bahay namin. Biglang napatayo si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD