Chapter 46

1787 Words

Nang makapasok sa dressing room ay kaagad ko ring isinuot iyong dress, bukod sa magmumukha akong birhen dito dahil sa purong puti ang kulay ay nagmistulan akong si Monalisa. Hindi ito ganoon kaeskandalo tingnan, hindi makinang dahil purong cotton at banayad ang pagkakagawa ng tela. Pahaba ang manggas nito na umabot pa sa dulo ng siko ko. Hindi rin kita ang cleavage ko dahil kamuntikan na iyon maging turtle neck, may malalaki pang butones sa harapan na siya mismong disenyo ng dress. Nagmukha lang akong suman. Samantala ay hapit-hapit sa akin ang bandang dibdib at baywang, rason para lumabas ang angking alindog ko bilang si Magdalena. Sa katititig sa sariling repleksyon ay hindi ko maiwasang mamangha, bukod tanging pinagpala sa babaeng lahat. Iyon nga lang ay lagapak pagdating sa buhay—

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD